Hwag Paupo-Upo
(Mt. 9: 9-13)
Kuntento ka na ba sa buhay mo? Masaya ka na ba sa nangyayari sa buhay mo ngayon?
Si Mateo ay kuntento na sa kanyang buhay. Isa siyang maniningil ng
Buwis. Malaki ang kaniyang perang kinikita. May kapangyarihan pa siya.
Kaya niyang diktahan kung magkano ang ibabayad na buwis ng isang tao.
Kaya niyang taasan o kaya ay bawasan kung makikipagtulungan ang
magbabayad ng buwis.
Isang
simbolo na si Mateo ay kuntento na sa buhay ay ang kaniyang pagkakaupo.
Ito ay simbolo na tumigil sa isang lugar o kaya naman ay tumigil sa
buhay. Ito yung pakiramdam na narating na ang lahat ng pangarap sa
buhay. Yun bang tila wala ng hahanapin pa. Na lubos na ang kasiyahan
sapagkat meron ng kasiguraduhan.
PEro dumating si Hesus. Mula
sa pagkakaupo siya ay tinwag ni Hesus na sumunod. Tumayo si Mateo at
sumunod kay Hesus. Ang pagtayo ay isang simbolo ng paggalaw at
pagbabago. Dun na bumaliktad ang kaniyang buhay. Doon na nagulo ang
kaniyang tahimik na buhay.
Ang isang maniningil ng buwis na
mayaman at makapangyarihan…inutusan ng isang karpentero, ng isang nasa
laylayan ng lipunan? Unbelievable!
Pero si HesuS ang tumawag.
Doon napagtanto ni Mateo kung gaano siya karukha sa paningin ng Diyos.
Mayaman man siya sa karangyaan ng buhay, pulubi naman siya sa Kaharian
ng Diyos. Makapangyarihan man siya sa lipunan, belewala naman ito sa
makalangit na Kaharian.
Noong 1972 hanggang 1981 ay ideneklara
ang Pilipinas na mapailalim sa Martial law. Ang mga karapatan ng mga tao
ay sisuspinde. Marami ang walang katarungang hinuli, ikinulong,
nakaranas ng turure, marami ang walang awang pinatay at marami din ang
bigla na lang nawala at hanggang ngayon ay di pa malaman kung anong
nangyari sa kanila.
Salamat na lang at maraming taong hindi na
lamang umupo at pinanood ang nangyayari. Marami ang tumayo at
nakipaglaban upang maibalik ang demokrasya at maibigay muli ang inagaw
na karapatan. Marami sa kanila ay maayos ang buhay ngunit pinili na
magsakripisyo at makipaglaban. Ang iba pa nga ay nagbuwis ng buhay. Sila
ay mga tunay na bayani ng lipunan. Never again to martial Law!
Kuntento ka na ba sa buhay mo? Hwag ng magpa-upo-upo. Tumayo Tayo at sumunod kay Kristo…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento