Shine Bright Like A Diamond
(Lk. 8: 16-18)
Ang sasakyan pag di ginamit ay kinalawang at mas madaling masira.
Ang utak kapag di ginagamit ay pumupurol din;
Ang paa kapag matagal na di ginagamit ay hindi na makalalakad pa;
Ang mata kapag laging nasa dilim kapag napunta sa liwanag ay masisilaw;
Ang ganda ng boses kapag di ginamit ay tumitimbalag at nawawala din sa tono;
Ang makina kapag di ginagamit ay kinakalawang…
Sabi ni Hesus: “…bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”
Ganun pala… Pag di ginagamit ay nasasayang lang. Ang mga biyayang
galing sa Diyos ay dapat na ginagamit para sa kabutihan sapagkat kapag
ito ay di ginagamit ay nawawalan ng kabuluhan ang pagiging biyaya.
Kaya nga maganda na alamin ang sa sarili ang mga magagandang bagay at
katangian. Hwag mainggit sa kagalingan ng iba. Marami ka ding
magagandang biyaya na matatagpuan sa sarili. Ito ang iyong magiging
puhunan para makarating sa makalangit na kaharian.
Sabi nga ni Rihanna: “We’re beautiful like diamonds in the sky…”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento