Sabado, Nobyembre 16, 2013

Bangon Pilipinas

Bangon Pilipinas
(Lk. 21: 5-19)

Nakakatakot yung nangyaring kalamidad dulot ng bagyong si Yolanda. Nawasak ang mga simbahan. Nasira ang dating maunlad na bayan. Maraming buhay ang sa isang iglap ay nawala.

Wala na silang simbahan na mapupuntahan ngayong linggo. Ang dati rati na sentro ng pananampalataya ay hindi na nila maaninag kung nasaan. Wala na ang lugar na kanilang pinagtitipunan upang manalangin sa Panginon. Wala na ang lugar ng sambahan. Wala na ang gusali na simbolo ng kanilang paniniwala sa Diyos.

Wala na ang magandang lugar na dinadayo ng taga ibang lugar. Wala na ang mga gusali na palatandaan ng kanilang maunlad na ekonomiya. Wala na ang mga sasakyan na instrumento ng kanilang mabilis na pagtakbo ng buhay. Naglaho na din ang mga makabagong teknolohiya na itinayo nila.

Maraming buhay ang nawala. Marami ang sa isang iglap ay naging ulila. Nawalan ng anak, nawalan ng asawa, nawalan ng magulang, nawalan ng kaibigan…Hindi na maibabalik ang dating anyo ng kanilang buhay.

Nawala man ang simbahan ngunit hindi nawala ang Diyos. Ang Simbahan ay ang mga taong patuloy na kumakapit at sumasampalataya sa kanya.

Mahihirapan mang itayo muli ang komunidad pero hindi naigupo ng bagyo ang pag-asa ng mga tao na magsimula muli. Hindi inilipad ni Yolanda ang lakas ng loob ng mga tao na sama-samang bumangon at harapin ang kanilang pinagdadaanan. Walang maiiwan. Sama-sama sa pagbangon.

Hindi na maibabalik ang buhay ng mga yumao pero naiwan naman sa kanila ang magagagandang ala-ala na nagtuturo sa kanila na ang buhay ay isang biyaya mula sa Diyos na dapat na ipinagpapasalamat.

Sa Mabuting Balita ngayong linggo ganito din ang ibinibigay na pangitain ni Hesus. Ang templo na itinuturing ng mga Hudyo ay guguho, masisira ang hinahangaang ganda nito. Para sa kanila ang templo ay ang simbolo ng presensya ng Diyos kaya nga sa pagkasira nito ay para na ring nawala ang Diyos sa kanila.

Isang paalala ni Hesus sa atin: Hindi maikakahon ang presenya ng Diyos sa apat na sulok ng simbahan! Ang Diyos ay patuloy na gumagalaw sa gitna ng trahedya. Mahirap man unawain pero dito natin lubos na mararamdaman na kailangan natin ang Diyos.

Sabi ni Hesus: “Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan!.”

Bayani

Bayani
(Lk. 17: 26-37)

Bayani. Ito ang salita na ginagamit natin sa mga tao na nagsakripisyo ng sarili para sa bayan. Sila yung mga tao na ang inuna ay ang kabutihan ng marami at di ng sarili. Sila yung mga tao na nagbigay ng buhay para mabuhay at magkaroon ng magandang buhay ang iba.

Bayani. Ito ang salita na ginagamit natin sa mga tao sa ngayon na nagbabahagi para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda. Sila yung mga tao na tumutulong upang kahit papaano ay maibsan ang kahirapang pinagdadaanan ng maraming tao na nawalan ng mahal sa buhay, wala ng babalikang tahanan, at mga taong hindi sigurado ang kinabukasan.

Nagsulputan ngayon ang mga bayani. May isang lalaki na walang anak pero nagsagip ng buhay ng apat na bata. May kwento ng isang babae na nung siya ay pumunta sa evacuation area ay may nakita na nagugutom na sanggol at kaniya itong pinadede sa kanya. May isang kabataan na ang pambili niya ng bagong celfon ay ibinigay na lamang niyang tulong.

May mga mahirap din ang buhay pero nag-ambag din ng tulong. May mga bata na ang kanilang naipon sa alkansya ay iniabot bilang tulong. May ibang lahi nagumagawa ng paraan upang makalikom ng salapi upang maibigay sa nangangailangan.

Sa panahon ng kalamidad lumalabas ang maraming bayani. Pero sa mata ng Simbahan hindi lamang sila mga bayani, sila din ay itinuturing na mga banal. Sabi ni Hesus: “Mawawalan ng kanyang sarli ang sinumang nagsisikap na magligtas nito at ang mawawalan ng sarili ang magsisilang nito sa buhay.”

Ang pagtulong, pagsasakripisyo, paghahangad ng kabutihan ng iba, pagbibigay ng sarili para sa nangangailangan, paggawa ng kabutihan para sa ibang may pinagdadaanan…ito ay mga gawaing banal!

Hindi lamang sila mga bayani. Sila ay mga banal!

Lunes, Nobyembre 11, 2013

Epal

Epal
(Lk. 17: 7-10)

Nakakainis yung mga epal.

Nagkaroon na nga ng kalamidad eh sarili pa rin ang iniisip. Sila yung mga pulitiko na ginagamit ang sitwasyon upang magpapansin. Sila yung kapag nagbigay ng tulong ay nakalagay ang kanilang mukha at pangalan sa mga plastic na may nakalagay na tulong.

Hindi naman sa sariling bulsa iyon galing kundi sa taong bayan din pero ginagamit nila upang magkaroon ng pansariling ganansiya. At shempre habang nagbibigay ng tulong ay may nakabuntot sa kanilang kamera upang maipakalat ang kanilang “kagandahang loob.” Sasabihin pa sa inaabutan na: “Galing po kay ………….”

Nakakabweset talaga yung mga epal.

Sila yung mga pulitiko na kapag nagpagawa ng mga proyekto ay nakalagay ang kanilang pangalan na tila iyon ay kanilang monumento. Ito naman ay proyekto ng mamamayan at sila bilang namumuno ay mga nagpapatupad lamang. Hindi ba’t ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho? Bakit kailangang ipagkaingay pa ang kanilang ginagawa?

Epal ding matatawag yung mga opisyales na naghahangad ng mas malaki kesa sa dapat nilang tanggapin. Nabalitaan nyo ba yung mga bonus ng mga matataas na nangangasiwa sa maraming opisina ng gobyerno? Sabi nila ito daw ay naaayon sa batas? Pero makatarungan ba ito gayung ang kinukuha nila ay napakalaking halaga at para sa ordinaryong tao ito ay maituturing na malaking kayamanan na?

Sila ang mga epal!

Sabi ni Hesus: “Pagkagawa ny’o sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin n’yo: ‘Maga karaniwang utusan kami; ginawa lang naming ang dapat naming gawin.’”

Ito pala ang dapat. Kapag gumawa ng isang bagay ay di na dapat naghihintay ng anumang kabayaran. Masiyahan na sa sweldo. Hwag ng magpapansin. Hwag ng ipagkaingay ang ginawang pagtulong. Gawin na lamang ang inaasahang gawin at magpasalamat na nagawa ang responsibilidad na iniaatang sa sarili.

Tama na ang epal. Tumulong na lang tayo sa mga nasalanta ng bagyo...

Trahedya

Trahedya

Sa gitna ng trahedya lumalabas ang kasamaan at kabutihan ng isang tao.

Ang bagyong Yolanda ay nagpadapa sa maraming probinsya ng Bisayas. Maraming mga bahay at mga estruktura ang nasira. Maraming buhay ang sa isang iglap ay nawala. Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nawawala. Kailangan nila ng tulong.

Dahil sa nangyari lumabas ang kasamaan ng ibang tao at masasalamin ang trahedyang moral. Marami ang kumuha ng mga gamit na hindi sa kanila. Sa ganitong pagkakataon survival mode na marahil ang marami. Kailangan nilang gumawa ng mga bagay na hindi nila magagawa sa ordinaryong pagkakataon upang sila ay mabuhay. Marahil yung iba naman ay nanamantala lamang para sa pansariling kapakanan.

Pero sa gitna nito ay may magandang umuusbong. Nandun ang pagtutulungan ng mga tao upang bumangon. Kahit na nga mula sa ibang bansa ay nag-pledge upang tumulong. Kahit na nga ang Santo Papa ay nagpahatid ng kaniyang panalangin at pakikiisa sa pinagdaanan ng marami nating mga kababayan. Ang media ay gumagawa din ng paraan upang may maibigay na tulong. Maraming mga Simbahan ang gumagawa na din ng paraan upang makapaghatid ng tulong.

Mahirap man ang kanilang pinagdadaanan, marami man ang nawalan ng mahal sa buhay pero hindi naman nawala ang kanilang pananampalataya sa sa ting Panginoon. May mga kwento nga na wala silang naisalbang gamit ngunit ang dala dala nila ay mga imahe ng ating Panginoon.

Sa huli sama samang babangon ang Pilipinas. Naging hati hati man dahil sa pulitika, dahil sa magkakaibang opinyon at prinsipyo, dahil sa magkakaibang pananampalataya, sa huli lahat ay magkakaisa at magtutulungan na harapin ang pinagdadaanan.

Sa gitna ng trahedyang ito uusbong ang maraming biyaya!

Pagpalain nawa tayo na ating Panginoon…

Pagpapatawad

Pagpapatawad
(Lk. 17: 1-6)

“…kung pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din siyang bumalik sa iyo na nagsisisi, patawarin mo siya.”

Hindi naman talaga madali ang magpatawad. Mahirap ang magpatawad lalo na sa mga taong paulit-ulit ang ginagawang pananakit ng damdamin sa atin.

Pero bakit itinuturo ni Hesus na magpatawad? Minsan ang iniisip natin kapag hindi natin pinapatawad ang isang tao, tayo ang may kapangyarihan sa kaniya. Pero kung ating susuriin, kapag tayo ay hindi nagpapatawad mas lalo nating hinahayaan siya na kontrolin ang buhay natin. Ang taong ayaw nating patawarin ang humahawak na sa ating damdamin. Hindi na tuloy tayo nagiging malaya.

Gusto ni Hesus na magpatawad tayo para na rin sa ating sarili. Lalaya lamang tayo kapag pinakawalan natin ang ating kinikimkim na galit. Hindi magiging kumpleto ang kasiyahan ng isang tao kung may dinadala sa sarili na sama ng loob sapagkat ito ang nagpapabigat sa paglalakbay sa buhay.

And Diyos ay nagpapatawad sa paulit-ulit nating pagkakasala. Ang pagpapatawad ay isang gawaing banal...

Magpatawad upang maging malaya!

Sabado, Nobyembre 9, 2013

Untitled

Untitled
(Lk. 20: 27-38)

May isang kwento tungkol sa isang pari na bumisita sa isang bahay. Nakilala niya ang isang nanay na may pitong anak. Sabi ng pari: “Gusto ko rin pong makilala ang inyong pitong anak.” Tinawag ng nanay ang panganay. Sabi niya: “Ito Father ang panganay. Juan ang kaniyang pangalan.” Tinawag niya ang ikalawa. Sabi niya: “Ito Father ang ikalawa. Juan ang kaniyang pangalan.” Tinawag niya isa-isa ang natitirang anak at sinabi niya na Juan ang pangalan ng mga ito.

Nagtanong ang pari: “Di po ba kayo nahihirapan sa pagtawag sa kanila kase pareho ang kanilang mga pangalan?” Sumagot ang nanay: “Hindi po ako nahihirapan Father kase tinatawag ko sila sa kani-kanilang mga apelyido!”

Para sa mga Hudyo mahalaga ang pamilya. Mahalaga na magkaroon ng kaayusan kaya nga kapag namatay ang asawang lalaki, ang kasunod na kapatid nito ay dapat na magpakasal sa babae upang mabiyayaan ng anak. Ito ang ginamit ng mga Sadduceo upang hamunin si Hesus tungkol sa buhay pagkatapos ng buhay na ito sapagkat sila ay di naniniwala dito.

Sabi ni Hesus ang mga namatay ay muling mabubuhay at di na mag-aasawa. Mabubuhay sila na parang mga anghel. Sa kabilang buhay ay magkakaroon ng makalangit na katawan. Doon ay wala ng kapighatian. Malulubos ang kagalakan sapagkat makakasama na ang Lumikha.

Isang katotohanan na makikita natin sa panahon ngayon ay ang kawalan ng paghahanda sa kabilang buhay. Dahil bata pa, malakas, walang sakit at dahil natatamo ang mga mithiin sa buhay, nakakalimutan na na meron pang mas mataas na dapat paghandaan: ang buhay sa kabila.

Marami ang nabubuhay sa kasalukuyan na tila ba ito lang ang buhay. Kaya nga marami ang nagiging makasarili, nagtatago ng kayamanan kahit na nga sa maling pamamaraan.

Ang pagdating ng bagyong Yolanda ay paalala sa atin na kailangan tayong maging laging handa. Meron pang mas mataas na pagpapahalaga sa buhay na ito at walang iba kundi ang pamumuhay ngayon pa man ng buhay sa kalangitan…

Patuloy nating ipagdasal ang mga napinsala ng bagyo. Ipagdasal din nating yung mga taon nasawi dahil sa kalamidad na ito.

Magkaisa tayo upang bumangon muli. Sama-sama tayo sa paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.

Di na mag-aasawa sapagkat ang bawat isa ay magiging anak ng Diyos…

Si Hesus ang unang namatay na muling nabuhay. Ganun din ang naghihintay sa ating kapalaran kung tayo ay magpapakabanal...

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Maglakad

Maglakad
(Lk. 14: 25-33)

Sumakay o maglakad? Ano ang pipiliin mo?

Madali ang sumakay. Di ka papawisan. Madali ka pang makakarating sa pupuntahan mo. Kung may dala, hindi ka mahihirapan.

Pag ikaw ay naglakad papawisan ka. Kahit na nga may payong ka pag nasinagan ka na ng haring araw siguradong papatak ang pawis mo. Kung galing kang palengke at may binili kang isda baka bilasa na iyon pagdating mo sa iyong bahay. Kung gulay naman ay baka lanta na at di na mapakinabangan pa.

Kung tag-ulan naman mababasa ang iyong paa at kung nakasapatos ka siguradong mangangamoy iyon. Dagdag pa diyan ang paglaki ng iyong kalyo sa mga paa mo. Pag ikaw ay naglakad di ka pa sigurado, baka mabiktima ka ng mga manggagantso.
Ano ngayon ang pipiliin mo, sumakay o maglakad?

Pinili ni Hesus ang maglakad. Hindi lang yun, pinili niya na pasanin ang krus. Mahirap man pero kinaya niya dahil ito lang ang paraan upang dumaloy ang biyaya ng kaligtasan para sa mga taong nakulong sa kasalanan. Sa pamamagitan nito pinalaya ni Hesus ang mga tao sa tanikala ng kamatayan.

Kung ito ang ginawa ni Hesus, Gusto mo pa rin bang sumunod sa kaniya?

Ang sabi ni Hesus: “Hindi pwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin.” Hindi lang pala basta sumusunod kay Kristo, dapat ay pinapasan ang krus na nakaatang sa kaniya. At si Hesus ang dapat na laging una. Mas una pa sa pamilya, mas una pa kesa sa sarili…

Sumakay o maglakad?

Maglakad tayo. Hwag mag-alala. Di ka nag-iisa sa paglakad sapagkat si Hesus ay kasama mong naglalakad. Sa dulo ng pagsunod sa kaniya ay naghihintay ang Ama…

Alienation

Alienation

If one is not familiar with the teachings of Karl Marx, there is the danger of judging all his works as unreasonable and not in conformity with the basic foundation of humanity especially in the teachings of religion. But reading his works would make a reader find a grain of gold that is relevant and applicable to life.

An example of this is his ideas about alienation. The term alienation speaks about the estrangement of a person towards the person’s essence. In this sense, a person can be divided and can have a crisis about his identity.

Marx outlines different kind of alienation applying it to a person working in a capitalist society:

1. Alienation of the person to the fruits of his labor. In the capitalist society, the one who controls everything is the capitalist. A worker becomes a paid instrument to perform for the benefits of the powers that be. He has no control on the outcome of his work.

2. Alienation of the worker from his work. In a capitalist society, the worker is identified with his work. The worker then becomes an object to be used and his remuneration is controlled and limited.

3. Alienation to himself. A person is a thinking being and not some kind of a machine that perform for a particular function. But in a capitalist society, a person is reduced to such. In fact, a worker is seen as an object to be exploited to expand the return of investment.

4. Alienation to other workers. Since there is a limited and controlled job opportunities, a worker must perform and outdo each other to stay hired. He must see to it that he stays competitive so he will not be removed and replaced by a better worker.

Marx’s theory of alienation is experienced by the millions of workers working in an inhumane working atmosphere. There are thousands working contractually rationalizing that it is according to law. There are workers receiving low salary. Even the basic salary outlines in the wages guidelines is not capable to support a family. Lucky if the parents make ends meet by the salary they receive.

Note here that Marx’s teaching ends by toppling the capitalist society in order for a person to be himself, to find his very essence, to free himself from these alienations. Man will be a person once he frees himself from the burden of capitalist society.

Marx's teachings echoes the unheard voices of workers to respect them as they are...person. Workers rights must be respected. Human rights are not removed from a person though he is hired by the capitalist. If we will just give to the workers their due they will no be alienated anymore.

Note: Christian teachings regard work in accordance to the plan of God to continue the propagation of earth. Man’s humanity is experienced fully if it is live with the divine.

Giving

Giving
(Lk. 14: 12-14)

Sa Bohol noong lumindol ng malakas ay may mag-ina na nasa second floor ng kanilang bahay. Tinangka nilang lumabas ng bahay. Nasa hagdan na sila ng tuluyan ng bumagsak ang bubong ng bahay. Agad niyakap ng nanay ang kaniyang anak. Nadaganan sila ng gumuhong bubong.

Noong i-rescue na sila, nakita na wala ng buhay ang nanay pero buhay ang anak na niyakap nito. Sabi ng anak: “Kung hindi sa aking nanay wala na ako dito. Kung hindi ibinigay ng aking nanay ang kaniyang buhay patay na sana ako.” Ang nanay ay nagpakita ng tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniyang sariling buhay.

Ang nanay na ito ay si Narcisa Barbanida at ang anak na nakaligtas dahil sa kaniya ay si Zedisa.

Ganito ang tunay na pagmamahal. Maipapakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay. Sabi nga: “You can give without loving but you cannot love without giving.” Ang pagbibigay din ay hindi naghihintay ng kapalit.

Ito ang itinuturo ni Hesus kaya sabi niya kapag ikaw ay maghahanda ay iyong mga dukha, mga balewala, mga pilay at mga bulag ang dapat na imbitahan. Sila kase yung mga tao na walang kakayahang materyal na bagay na magbalik ng kagandahang loob.

Kapag ikaw ay nagbigay at naghihintay ka ng kapalit maaring hindi pagbibigay ang tawag dito. Ang tawag dito ay pagpapautang. O kaya sa ibang term ay investment. Gumagawa ng mabuti para sa kinabukasan at sarili din ang makikinabang sa kinabukasan .

Si Hesus ay nag-alay ng buhay at hindi naghintay ng kapalit. Ito ang tunay na pagbibigay. Ito ang ating tularan…

Sabado, Nobyembre 2, 2013

All Saints Day

All Saints Day

Sino ang paborito mong santo?

Ang isa sa paborito kong santo ay si St. Therese of Lisieux. Una kong nabasa ang kaniyang autobiography (Story of a Soul) noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Nalaman ko na maagang namatay ang kaniyang nanay. Pumasok sa kumbento upang magmadre ang kaniyang dalawang kapatid.

Noong siya ay nasa edad na labinglima, ninais na niya na makapasok sa kumbento upang magmadre. Noong minsan na nag-pilgrimage sila sa Rome, lumapit siya sa santo Papa at humiling na payagan siyang papasukin sa Carmilite convent kahit bata pa siya. Noong makabalik na siya, siya ay pinayagan na maging postulant ng kumbento.

Sa kumbento siya ay nagkasakit ng tuberculosis. Bago siya binawian ng buhay ay isinulat niya ang kaniyang mga karanasan at ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng kasimplihan. Ang lahat ng kaniyang ginagawa kahit na gaano ito kaliit ay iniaalay niya sa Diyos. Binawian siya ng buhay sa edad na 24.

Hindi pala sa haba ng buhay matatagpuan ang kahulugan ng buhay. Hindi rin ito sa katanyagan at kayamanan. Ito ay nasa kasimplehan at pag-aalay ng mga ginagawa sa Diyos.

Si Sta. Teresa ay ideneklarang pantas ng Simbahan.

Ikaw sino ang paborito mong santo?

Ngayong All Saints Day, ginugunita natin ang mga Banal ng Simbahan. Sila ay hindi perpekto. Meron din silang nakaraan na kanilang pinaglabanan upang ang kalooban ng Diyos ay maisabuhay. Sila ay mga katulong nating sa paglalakbay. Sila ang patuloy na nagdarasal sa atin sa harapan ng Diyos. Sila din ay mga modelo natin sa ating buhay. Tularan natin sila.

Pwede ka bang maging santo? Pwedeng pwede!

Alalahanin natin: “Every saint has a past and every sinner has a future!”

Zakeo

Zakeo
(Lk. 19: 1-10)

Pandak ka ba? Ano ang ginagawa mo upang pagtakpan ang iyong kapandakan?

May isang kwento tungkol sa isang pamilya na mayaman na merong isang anak. Busy lagi ang mga magulang sa kanilang trabaho sa kanilang negosyo. Maaga silang umaalis ng bahay at gabi na din umuuwi kaya kumuha sila ng katulong at para may mag-alaga din sa kanilang anak.

Sa di inaasahang pagkakataon ay nalugi ang kanilang negosyo. Kaya ipinagbili nila ang malaki nilang bahay at lumipat sa isang maliit na bahay. Hindi na rin nila kayang magpasweldo sa kanilang katulong kaya pinaalis na din nila ito.

Dahil dito maaga na silang umuuwi ng bahay para asikasuhin ang kanilang anak. Isang gabi bigla silang niyakap ng kanilang anak at sinabi nito: “Nanay, Tatay sana po di na tayo maging mayaman para maaga lagi kayong umuwi at ng makasama ko lagi kayo.”

Doon napagtanto ng mga magulang na hangad ng anak ang kanilang presensya at para sa anak ito ay mas mahalaga kesa kayamanan. Nung sila ay mayaman nawalan sila ng panahon sa pamilya; Nung nawala ang kanilang kayamanan nabuo ang kanilang pamilya!

Sa Mabuting Balita gayon gayun din ang kwento. Nung siya ay mayaman nakalimutan niya ang Diyos pero nung binitiwan niya ang kayamanan natagpuan niya ang Diyos.

Sino ba si Zakeo? Siya ay isang pandak. Kulang sa height. Unano. At mahirap ang kalagayan na ganito. Mahirap at mabagal ang paglalakad. Laging nakatingala sa mga taong kausap. Pero ang mas nakakapampaliit pa sa kaniya ay siya ay itinuturing na isang makasalanan.

Isa siyang Hudyo pero maniningil ng buwis kaya itinuturing siya sa komunidad na mababa. Hindi lang siya maniningil, siya ay pinuno nito. Ang maniningil ng buwis ay itinuturing na madumi sapagkat hindi sila tapat at sila rin ay naglilingkod sa hari ng Roma at hindi kay Yahwe.

Mayaman man siya, siya naman ay itinuturing na mababa sa lipunan. Siya kabahagi ng lipunan pero itinuturing siyang makasalanan. Meron nga siyang pera pero tinatalikuran naman siya ng kaniyang mga kababayan.

Sa kaniyang kalagayan nasa puso pala niya ang paghahangad na matagpuan ang tunay niyang hinahanap: ang Panginoon. Nakituloy si Hesus sa bahay nito. Si Hesus na mismo ang nag-volunteer na tumuloy sa bahay nito. Sabi ni Zakeo: “Panginoon ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.”

Pinalaya ni Zakeo ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng kayamanan niya. Ang kayamanan pala na itinuring niya na magbibigay sa kaniya ng karangalan ay siyang umaalipin sa kaniya. Ang pera pala na itinuturing niyang magbibigay sa kaniya ng dagdag na tangkad upang kilalanin sa lipunan ay siya pang lalong nagpapababa sa kaniya. Ang gawain pala niya na inaakala niyang magdadala sa kaniya upang tanggapin ng lipunan ay siya pang nagpapalugmok sa kaniya upang siya ay layuan.

Ang kapandakan ni Zakeo ay tinakluban niya ng kayamanan. Pero sa kaniyang pagyakap sa kayamanan mas lalo pala siyang naging maliit at lalong nagkulang.

Pinakawalan ni Zakeo ang kayamanan sapagkat natagpuan niya ang Diyos na tunay na kayamanan.

Piliin natin lagi ang Panginoon. Gusto niyang makituloy sa ating tahanan...

Miyerkules, Oktubre 30, 2013

Magdagdag o Magbawas

Magdagdag o Magbawas?
(Lk. 13: 22-30)

Ano ang mas mahirap? Ang manalo sa eleksyon o ang makapasok sa makipot na pintuan?

Sa pagtakbo sa eleksyon kailangang mag-INCREASE. Kailangang maraming kayamanan. Kailangang lumawak ang kasikatan. Kailangang malakas ang kapangyarihan.

Ang daming kumandidato pero iilan lang ang pinaglalabaan ng pwesto. Dahil dito kanya kanyang diskarte. Hindi naman bago yung mga narinig nating mga styles ng mga kandidato. Kukuha ng maraming mga bayarang “coordinators” na mangangampanya. Pagbili ng boto hindi lang isahan pero pakyawan na rin. Yun bang bibilhin ang boto ng isang pamilya. Sa panahon ding ito bigla kang nagiging kamag-anak ng kandidato.

Ang hamon natin sa mga pulitiko: Kung ang inyong posisyon ay hindi nakakatulong upang makapasok kayo sa kaharian ng Diyos sa halip ito ay humahadlang, dapat ay iwan nyo na lang ang posisyon na yan…

Sa pagpasok sa makipot na pintuan dapat naman ay mag-DECREASE. Kung mataba ka at maliit lang ang pintuan siguradong mahihirapan kang makadaan dito. Kailangan mong mag-diet, kailangang magbawas ng taba. Kailangan ding alisin ang mga nakasabit sa katawan at baka ito pa ang sumabit sa pintuan. Kailangang tanggalin ang mga palamuting dala dalahan na nagpapabigat sa katauhan katulad ng kasalanan.

Sabi ni Hesus: “Magsumikap kayong makapasok sa makipot na pintuan.” Ang hamon ni Hesus ay ang paggawa ng pamamaraan upang magawa ang mga bagay na kailangan upang makarating sa makalangit na kaharian. Dagdag pa niya: “Sasabihin ng Panginoon…lumayo kayong mga nagsisigawa ng masama!”
Huhusgahan tayo ng Diyos sa effort na ating ginagawa upang makapasok sa pintuan ng kalangitan.

Sabin nga ni Mother Teresa: “We are not called to be successful but to be faithful!”

Juan Taas

Juan Taas
(Lk. 18: 9-14)

Si Juan ay isang taong mayabang at mapagmataas. Ang tingin niya sa sarili ay napakabanal sapagkat malimit siyang magdasal. Lagi niyang tinatawag ang pangalan ng Diyos at nagbabasa siya ng bibliya. Para sa kaniya siya ang pinakamalapit sa Diyos.

Alam ito ng Diyos kaya nga isang araw ay sinabihan niya si Juan na pumunta sa isang bukid at manirahan kasama ng isang magsasaka. Doon nalaman niya na ang magsasaka sa paggising ay binabanggit ang pangalan ng Diyos gayundin bago siya matulog. Sabi ni Juan: “Kawawa naman ang taong ito, dalawang beses lang niya nabanggit ang pangalan ng Diyos sa maghapon.”

Narinig ito ng Diyos kaya nga sinabi niya kay Juan: “Kumuha ka ng bowl at punuin mo ito ng tubig at saka maglakad ka paikot ng bayan. Hwag mong hahayaan na may matapon dito kahit isang patak.” Ginawa nga ito ni Juan. Pagbalik niya noong hapon na iyon tinanong siya ng Diyos: “Ilang beses mong naalala ang pangalan ko habang naglalakad ka.” Hindi ko po naalala sapagkat nasa dala ko ang aking atensyon” sagot ni Juan.

Doon niya naintindihan na hindi pala dapat siya maging mapagmataas at hindi pala niya dapat na maliitin ang magsasaka kase kung siya ang nasa kalagayan nito ay makakalimutan niya ang Diyos.

Para sa mg Hudyo ang mga Pariseo ay nasa itaas ng lipunan sapagkat alam nila ang batas samantalang ang mga Publikano naman ay itinuturing nila na mababa at hindi alam ang batas ng Diyos. Sa kwento na sinabi ni Hesus ang Publikano ang kinalugdan ng Diyos.

Ang Pariseo kase ay mapagmataas at mayabang. Ikinumpara niya at hinamak ang publikano. Ang Publikano naman ay nagpakumbaba sa harapan ng Diyos, hindi makatingin sa itaas, hindi makalapit at dinadagukan pa ang dibdib. Inaamin din niya ang kaniyang mga kahinaan. Dahil dito siya ang mas nakatanggap ng biyaya mula sa Diyos.

Ang pagiging kalugud-lugod sa Diyos ay kung papaano nagpapakumbaba. Hindi dapat na itinataas ang sarili. Hindi rin dapat na hinahamak ang iba. Tapat din sa sarili na sa harap ng Diyos ay maliit lamang siya.

Minsan akala natin dahil tayo ay laging nagsisimba ang tingin natin sa sarili ay mabuti na. Minsan akala natin dahil tayo ay naglilingkod sa Simbahan akala natin ay magaling na tayo. At kahit na nga mga pari ay nag-aalay ng misa hindi ibig sabihin nun ay mas banal na sila kesa sa ibang tao.

Pero tumingin kayo sa paligid. Nandyan ang mga tunay na banal. Yung mga taong mapagpakumbaba. Yung mga taong namumuhay sa kasimplehan. Yung mga taong ginagawa ang kabutihan ng pamilya. Yung mga taong tumutulong sa mga nangangailangan. Yung mga taong umaamin ng kahinaan. Yung mga taong tapat sa harapan ng Diyos.

Tingin tingin din sa salamin pag may time…

kaya Yan!

Kaya Yan!
(Lk. 13: 1-9)

Katatapos lang ng Juan de la Cruz. Matagal din natin itong sinubaybayan. Hangang-hanga tayo kay kay Juan at kay Rosario.

Pero alam nyo ba na may pinagdaanan din ang palabas na ito?
Noong May, 2012, ang script ng Juan de la Cruz ay ipinasa sa 2012 Metro manila Film Festival. Kasama sana ni Coco sa nasabing proyekto sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Albert Martinez. Tinanggihan ito ng Film Festival. Dahil dito, nagpasya ang ABS-CBN na gawin na lang itong teleserye. Naging katambal ni Coco si Erich Gonsales. Ang telesrye na ito ay namayagpag ng mahabang buwan at sinubaybayan na maramin sa atin.

Ang Juan de la Cruz na tinanggihan ay naging sikat na telesrye. Di man naging pelikula ito naman ay naging number one sa telebisyon. Nang mabigyan ng pagkakataon ito ay nagtagumpay.

Parang sa buhay din. Binibigyan tayo ng pagkakataon upang makabawi at patunayan na kaya natin. Ang mahalaga ay hindi sumusuko. Patuloy na lumalaban.

Ganito ang mensahe ni Hesus tungkol sa talinhaga ng puno ng igos. Hindi ito namunga ng ilang. Puputulin na sana ngunit sinabi ngtagapag-alaga na bigyan pa ng pagkakataon. Pag di pa rin namunga ay saka putulin.

Marami mang beses man tayong bumagsak ay may pagkakataon pa rin para bumangon. Ilang ulit man tayong mabigo ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na sa banda roon ay may tagumpay na naghihintay. Kaya nga gamitin ang mga pagkakataon upang maging matagumpay...

Tularan natin si Juan de la Cruz. Di siya sumuko. Kumapit siya kay Bossing, ang rebak niya.

Yun oh!

*Bossing, ikaw ang resbak ko!

Biyernes, Oktubre 25, 2013

Piliin si Hesus!

Piliin si Hesus!
(Lk. 12: 49-53)

“Sa akala n’yo ba’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay.”

Di ba si Hesus ang prinsipe ng kapayapaan? Bakit tila sa bahaging ito ng Mabuting Balita ay iba ang sinasabi niya?

Kapag kase pinili natin si Hesus hindi pwedeng walang magbago sa sarili. Hindi pwedeng dati pa rin ang ugali. Hindi pwedeng sumasamba kay Hesus pero hindi naman sinusunod ang kaniyang ipinag-uutos. Hindi pwedeng naniniwala kay Hesus pero ang buhay ay taliwas sa kagustuhan ni Hesus.

Kapag sineryoso si Hesus marami talagang mababangga. Kailangang banggain ang sistema ng nakaugaliang kasalanan. Kailangang ituwid ang matagal ng nakaugaliang pagiging makasarili at di pagkiling sa mga maralita. Kailangang baklasin ang lumang pader ng kasakiman at yakapin ang daan ng pagmamahal.

Kapag sineryoso si Hesus kailangang tanggihan ang nakasanayang pagpapahalaga. Pagpapahalaga ba ng pamilya o pagpapahalaga ng gusto ni Hesus? Turo ba ng institusyong kinabibilangan o turo ng daan ni Hesus? Pagtalima ba sa batas ng gobyerno o pagtalima sa utos ng Diyos?

Kailangang magpasya. Kailangang mamili. Kailangang gumawa ng desisyon. Panghawakan ito. Piliin si Hesus!

Nawa ay maging daan tayo ng pagbabago!

Maging Handa

Maging Handa
(Lk. 12: 35-38)

Dalawang babae ang pauwi na ng Occidental Mindoro. Bumili sila ng tiket sa batangas pier. Diretso sila sa barko. Sila ay natulog.

May isang oras na nagbibiyahe ang barko. Dumaong ito sa pier.
Bumaba sila ng barko. Tumingin sila sa paligid. Tila iba na ang pier na binabaan nila. Naglakad sila. Nakumpirma nila na ibang pier ang pinagdalhan sa kanila. Sa halip na sa Occidental Mindoro ay sa Calapan, Oriental Mindoro sila napunta. Mali pala ang barkong sinakyan nila.

Naging careless kase sila. Nainip silang hintayin ang tawag para sa tamang sasakyan. Patulog-tulog sila.

Sa buhay ganiyan din ang nangyayari kapag hindi handa. Naliligaw ng landas. Nabubulaga sa mga sitwasyon na dumarating.

Kaya nga magandang paalala ang sabi ni Hesus na maging handa sa pagdating ng Panginoon.

Noong panahon ni Hesus ay may mga lingkod na silang naghihintay para sa pagdating ng ikakasal. Dahil sa mahaba ang proseso at seremonya at dahil na rin sa layo ng mga lugar hindi alam ng tagalingkod kung anong oras darating ang kanilang hinihintay. Minsan ay madaling araw na ito dumarating. Kaya nga kailangang laging handa.

Tularan natin ang mga lingkod na laging handa. Ihanda ang sarili. Hwag ng ipagpabukas ang magagawa ngayon at baka mawalan na ng pagkakataon. Maging handa sa pagbabalik ng Panginoon…

Kaya Yan!

Kaya Yan!
(Lk. 13: 1-9)

Katatapos lang ng Juan de la Cruz. Matagal din natin itong sinubaybayan. Hangang-hanga tayo kay kay Juan at kay Rosario.

Pero alam nyo ba na may pinagdaanan din ang palabas na ito?
Noong May, 2012, ang script ng Juan de la Cruz ay ipinasa sa 2012 Metro manila Film Festival. Kasama sana ni Coco sa nasabing proyekto sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Albert Martinez. Tinanggihan ito ng Film Festival. Dahil dito, nagpasya ang ABS-CBN na gawin na lang itong teleserye. Naging katambal ni Coco si Erich Gonsales. Ang telesrye na ito ay namayagpag ng mahabang buwan at sinubaybayan na maramin sa atin.

Ang Juan de la Cruz na tinanggihan ay naging sikat na telesrye. Di man naging pelikula ito naman ay naging number one sa telebisyon. Nang mabigyan ng pagkakataon ito ay nagtagumpay.

Parang sa buhay din. Binibigyan tayo ng pagkakataon upang makabawi at patunayan na kaya natin. Ang mahalaga ay hindi sumusuko. Patuloy na lumalaban.

Ganito ang mensahe ni Hesus tungkol sa talinhaga ng puno ng igos. Hindi ito namunga ng ilang. Puputulin na sana ngunit sinabi ngtagapag-alaga na bigyan pa ng pagkakataon. Pag di pa rin namunga ay saka putulin.

Marami mang beses man tayong bumagsak ay may pagkakataon pa rin para bumangon. Ilang ulit man tayong mabigo ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na sa banda roon ay may tagumpay na naghihintay. Kaya nga gamitin ang mga pagkakataon upang maging matagumpay...

Tularan natin si Juan de la Cruz. Di siya sumuko. Kumapit siya kay Bossing, ang rebak niya.

Yun oh!

*Bossing, ikaw ang resbak ko!

Martes, Oktubre 22, 2013

To My Little Sister

To My Little Sister

Why am I so affected?

It is with great excitement that I waited the results of the exams. After the examinations, I regularly click the internet site for the results. When I learned that the results would finally be revealed on the 21, I waited until the early hour just in case it will be posted.

I left early on the 21 and did not able to check. It was late afternoon that I able to come home. It was also then that I received the text that you did not make it. I turned on my computer to see the results. It was only then that I believe that you did not pass.

I am greatly affected.

My experience when I was in my last two years of my studies come to mind. I got the results of the subjects. In one subject I got a bloody grade. Not only did I fail, I failed miserably. Never in my mind did I think that I will receive a grade of 63. Is that still a grade?

Yes, I must accept I did not do well in that class. In fact I was so preoccupied with so many things that I did not bother myself to give an myself to really study, only little time and effort. But just the same, I expected my professor to be charitable enough to give me a passing grade. But I guess the professor was not. (ha ha ha) Our rector asked me when I showed it: “Ano namang padali mong yan?” I just smiled.

Well, it was not easy for me to accept. In my entire history of studies it was my first time to fail. But you know what? I continued studying… And I graduated with flying colors! (modesty aside )

Come to think of this…if people will stop when they fail nobody will succeed! The young basketball player Michael Jordan was denied by a varsity team. He tried again and accepted. He went on to become one of the great basketball players ever.

Albert Einstein. He has a speech problem when he was young. He studied and became one of the geniuses ever lived.

Even the great Manny Pacquiao suffered knockouts in his early career but got back to become one of the most exciting boxers ever.

Think also about this…If you stop trying when you fall many times when you were a child, you never will learn how to walk. If you stop trying to talk when you were grumbling as a child, you will never know how to speak. If you stop writing when you were a child and could not hold correctly your pencil, you will never know how to write.

Failures make us learn things that we will never forget. They challenge us to do better. They show us the way towards overcoming failures the next time they come. They help us to get up where we fall. They push us to realize our potentials. When we continue, we become stronger and better. Failures do not diminish how great a person you are.

Remember this: “It is not what we do that defines us, what defines us is how we rise after we fall…” (Maid in Manhattan)

*By the way I owe you a cone of sorbetes…

Maging Handa

Maging Handa
(Lk. 12: 35-38)

Dalawang babae ang pauwi na ng Occidental Mindoro. Bumili sila ng tiket sa batangas pier. Diretso sila sa barko. Sila ay natulog.

May isang oras na nagbibiyahe ang barko. Dumaong ito sa pier.
Bumaba sila ng barko. Tumingin sila sa paligid. Tila iba na ang pier na binabaan nila. Naglakad sila. Nakumpirma nila na ibang pier ang pinagdalhan sa kanila. Sa halip na sa Occidental Mindoro ay sa Calapan, Oriental Mindoro sila napunta. Mali pala ang barkong sinakyan nila.

Naging careless kase sila. Nainip silang hintayin ang tawag para sa tamang sasakyan. Patulog-tulog sila.

Sa buhay ganiyan din ang nangyayari kapag hindi handa. Naliligaw ng landas. Nabubulaga sa mga sitwasyon na dumarating.

Kaya nga magandang paalala ang sabi ni Hesus na maging handa sa pagdating ng Panginoon.

Noong panahon ni Hesus ay may mga lingkod na silang naghihintay para sa pagdating ng ikakasal. Dahil sa mahaba ang proseso at seremonya at dahil na rin sa layo ng mga lugar hindi alam ng tagalingkod kung anong oras darating ang kanilang hinihintay. Minsan ay madaling araw na ito dumarating. Kaya nga kailangang laging handa.

Tularan natin ang mga lingkod na laging handa. Ihanda ang sarili. Hwag ng ipagpabukas ang magagawa ngayon at baka mawalan na ng pagkakataon. Maging handa sa pagbabalik ng Panginoon…

Linggo, Oktubre 20, 2013

Investment

Investment
(Lk. 12: 13-21)

May mga investments ka ba?

Kapag pinag-usapan ang investment pera agad ang ating naiisip. Sabi nung mga nag-aaral ng accountancy ang pera ay di dapat na inilalagay lamang sa bangko. Kapag ganito ang nangyayari hindi gumugulong ang pera. Kung kumita man ay kakaunti lamang. Ang bangko ang siyang nakikinabang sa pera mo.

Upang maabot ang maximum potential ng pera mo dapat daw ay dalhin mo sa investments. Ibig sabihin ay gagamitin ito upang tumubo. Pwedeng sa negosyo, pwede rin sa mga stocks, etc…Pero may risks din dito na pwedeng malugi.

Pero ganun talaga sa investments. Mas malaki ang risks pero malaki din ang potential na balik na investments. Meron din namang konti lang ang risks pero minimal din lamang ang return of investments.

Kaya nga sabi nila kung gusto mong yumaman dapat ay sundin mo ito: “pera: dami pasok, wala/konti labas.”

Pero may paalala si Hesus: “Mag-ingat kayo at iwasan ang bawat uri ng kasakiman sapagkat magkaroon man ng marami ang tao, hindi sa kaniyang mga ari-arian nakasalalay ang kaniyang buhay.”

Paalala ito ni Hesus na ang buhay ay hindi dapat na umiikot sa pera o sa kayamanan. Meron pang mataas na pagpapahalaga dito. Mahalaga ang kayamanan para magpatuloy na maayos ang buhay pero kung dito na lamang nakasalalay ang buhay hindi ito naaayon sa Diyos. Ang kayamanan ay instrumento upang mapalapit tayo sa Diyos at marating ang buhay na walang hanggan.

Sabi nung isang kaibigan ko: “Pare alagaan mo ang sarili mo kase yan ay puhunan mo.” Totoo nga naman. Marami sa ating isinasakripisyo ang kalusugan upang yumaman kaya naman nagkakasakit at sa huli ay nauubos din ang pera para sa pagpapagamot.

Pero meron din na pinipili ang kayamanan kapalit ang buhay na walang hanggan.

Kaya nga magandang itanong: Saan ang investments mo? Upang yumaman o para sa buhay na walang hanggan?

Sabado, Oktubre 19, 2013

Instant

Instant
(Lk. 18: 1-8)

Usong-uso ang instant sa panahon ngayon…

Instant Jelly powder, Instant noodles, Instant coffee, Instant bihon, Instant fruit salad, instant rice…

Bakit kaya tinatangkilik natin ang mga insatant? Eh kase nagmamadali tayo. Mainipin tayo. Ayaw nating maghintay. Mas magaan kase kapag sa isang iglap ay meron na agad.

Hindi lang sa pagkain. Gusto nating mabilis kaya mas gustO natin ang ATM. Marami din sa atin ang gumagamit ng Credit card para mabilis ang transaksyon.

Sa buhay ganun din. Marami ang gustong mataas agad ang posisyon sa trabaho kaya ginagawa ang lahat para umangat. Marami ang may gustong na maging instant millionairE kaya naman bili dito bili doon ng mga tiket na malaki ang tatamaan. At kahit nga nga illegal ay papasukin maging madali lang ang pagkita ng pera.

Ang pagmamadali na ito ay nadadala din natin sa pananalangin. Gusto natin na tugunin agad ng Diyos ang ating panalangin. Mas gusto natin na makita agad ang resulta. Nais natin na agad agad ay sumagot ang Diyos.

Pero hindi ganun ang Diyos. Hindi nagmamadali ang Diyos. Mas gusto ng Diyos na nasa tamang panahon lahat. Hindi nagmadali ang Diyos sa paglikha. Inabot ito ng anim na araw. Matagal ding panahon bago niya pinili ang bayang Israel. Hindi nagmadali ang Diyos sa pagpapadaLa sa kaniyang anak na si Hesus. At hindi rin nagmamadali ang Diyos para sa muling pagbalik ni Hesus.

Kaya nga magandang paalalaang Mabuting Balita ngayon. Sabi ni Hesus: “Dapat laging manalangin at hwag masiraan ng loob.” Sa talinhaga ang biyuda ay nangulit sa hukom upang ibigaY sa kaniya ang katarungan. Dahil sapangungulit nito ay ibinigay niya ang hinihingi.

Kailangang hwag tayong magsawa sa pagdarasal. Sa pamamagitan nito mas lalo tayong napapalapit sa kaniya at ang ating hinihingi ay mas lalo nating ginugusto. Sa pamamagitan din ng pananalangin mas nakikilala natin ang Diyos.

Si Monica ay ang ina ni Agustin. Si Agustin ay isang pasaway na anak. Matigas ang kaniyang ulo. Tamad din ito. Walang direksyon ang kaniyang buhay. Araw-araw ipinagdasal ni MoNica si Agustin. Isang araw nga ay isang malaking pagbabago ang nangyari kay Agustin. Nagkaroon ng conversion ito. Siya ay kilala natin ngayon bilang si San Agustin. Ang laging nagdasal para sa kaniyang pagbabago si Santa Monica.

Hwag tumigil sa pagdarasal. Ang Diyos ay hindi isang instant na Diyos!

Biyernes, Oktubre 18, 2013

The Irony of Love

PureGold Montalban
(Lk. 10: 1-9)

“Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang manggagawa.”

Marami ang gawain sa Simbahan ngunit kakaunti lamang ang tumutugon upang maglingkod dito. Kulang ang mga pari na magpapalaganap ng Mabuting Balita. Kulang ang mga madre na mag-aakay lalo na sa mga nangangailangan. Kulang ang mga Lay Ministers of the Eucharist na magdadala ng katawan ni Kristo sa mga may karamdaman. Kakaunti ang mga katekista na magtuturo sa mga bata ng tungkol sa pananampalataya. Bakit nga ba kapag paglilingkod sa Simbahan ay kulang?

Ngayong araw na ito ipinahayag na may mga tinawag si Hesus at kaniyang isinugo. Ano kaya ang dapat na maging katangian ng maglilingkod kay Kristo? Dahil anibersayo ng Puregold Montalaban gamitin na din natin itong gabay:

G for GENEROSITY. Ang pagtugon sa tawag ng paglilingkod ay purong pagbibigay. Hindi lamang mga materyal na bagay ang ibinabahagi ngunit mas mabigat ang pagbabahagi ng oras. Mahirap ibahagi ang panahon lalo na ngayong maraming gawain na dapat na tugunan. Ang mga tumugon kay Hesus ay mga gawain din pero iniwan nila ito upang gawin ang iniuutos ni Hesus. Ikaw, may puso ka bang marunong magbigay ng panahon para sa iba?

O for OBEDIENCE. Ang pagtugon sa tawag ni Hesus ay purong pagsunod. Hindi kaniyang sariling nais ang dapat na iniisip kundi yun kung ano ang ninanais ng Diyos. “Not my will but the will of God.” Ang pagtalima sa kalooban ng Diyos ay paglimot sa sariling kagustuhan. Ito ay pagsasabuhay ng ang sariling kalooban ay maging katulad ng kalooban ng Diyos. Ikaw, may kalooban ka bang inuuna ang kagustuhan ng Diyos?

L for LOVE. Ang pagtugon sa tawag na ipahayag ang Mabuting Balita ay purong pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay ang paghahangad ng kung ano ang mabuti para sa iba. Ang pagiging disipulo ni Hesus ay naghahangad na mahalin ang lahat…mga taong hindi nakaranas ng pagmamahal, mga taong mahirap mahalin, mga taong hindi marunong magmahal.

D for DETERMINATION. Ang pag-oo na sumunod kay Hesus ay purong lakas ng loob hanggang sa wakas. Ito ay walang halong pagsuko kahit na nga sa gitna ng kahirapan ng paglilingkod. Kailangang panghawakan ang panghabam-buhay na desisyon kahit na nga luha at kalungkutan ang nararanasan. At kung susuko man ito ay ang pagsuko sa kalooban ng Diyos.

Tinatawagan ka ni Hesus.

Let’s go PURE-GOLD. Generosity, Obedience, Love, and Determination.

Kapag meron ka nito, wala kang talo?

Happy 2nd Anniversary Puregold Montalban!

Sa Gitna ng Kalamidad

Sa Gitna ng Kalamidad

Kahapon ay lumindol ng malakas sa Kabisayaan. Pinakaapektado ang Bohol at Cebu. Maraming buhay ang nawala. Maraming mga building ang bumagsak. Maraming daan ang nasira. Marami ding mga matatandang simbahan ang nasira.

Pero may isang simbahan na nasira ang mga pader at ang bubong at sa gitna ng mga debris na ito nakatayo ang imahe ng Mama Mary. Tila hindi man lamang nagasgasan sa pagguho.

Ito marahil ay nagsasabi na masira man ang simbahan pero hindi ang pananampalataya ng mga tao. Ang totoo niyan ay ang simbahan ay hindi naman talaga ang building. Ang mga tao ang simbahan. Tanggalin mo ang estruktura at iwan ang mga mananampalataya, buhay pa rin ang Simbahan pero tanggalin mo ang mga tao at iwan ang building ito ay hindi na simbahan.

Iyan ang kaso ng magaganda at matatandang estruktura sa Europa. Ang mga ito ay naging mga museum na lamang at ang iba naman ay ibenenta na dahil wala na o kaya ay kakaunti na ang mga mananampalataya.

Isang magandang tandaan natin ay sa kabila ng mga trahedyang ito mayroong plano ang Diyos. Sa gitna ng nakakalungkot na pangyayaring ito ay marami tayong mga katanungan kung bakit nangyari ito pero maniwala tayo na merong mabuting uusbong dito.

Sa ganitong mga pagkakataon mas lalo tayong kumapit sa ating Panginoon.

Patuloy nating ipagdasal ang mga naapektuhan ng kalamidad na ito. Ipaabot din natin ang ating pagtulong sa kanila…

Huwebes, Oktubre 17, 2013

The Irony of Love


The Irony of Love

Isang tagpo sa telenobelang Be Careful With My Heart…

Si Aling Teresita ay matagal ng iniwan ng kaniyang asawa. Siya na ang nagpalaki sa kanilang mga anak na sina Maya at Kute. Matapos ang matagal na panahon biglang sumulpot ang kaniyang asawa dahil sa imbitasyon ni Ser Chief dahil alam ni Ser Chief na gustong makita ni Maya ang kaniyang tatay na matagal na niyang di nakikita. Gusto din ni Maya na itanong kung ano ang nangyari, kung bakit nagawa silang iwan ng kanilang ama.

At muling nagpakita ang kanilang ama. Galit ang naramdaman ni Aling Teresita. Sinumbatan niya ang asawa. He was not there in those times when she needed him most. She felt rejected…betrayed. Niloko siya. Ipinagpalit sa iba. Iniwanan sila. Tinalikuran ang pangako. Pinabayaan niya ang pamilya niya!

But more than galit siya sa kaniyang asawa, sa tingin ko mas galit siya sa sarili niya. Mas galit siya sa sarili niya kase sa kabila ng ginawa ng kaniyang asawa na panloloko, mahal pa din iya ito. At iyon ang mas masakit.

It really hurts to know the reality. Pakiramdam niya ay ang tanga tanga niya. Hindi tama ang nararamdaman niya ang dating damdamin para sa asawa. Mas gusto niyang dayain ang sarili…sabihin na hindi na niya mahal ang taong ito. Na hindi siya karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal. Na sana hindi niya ito nakilala. But in the end she still loves the man…

Mas galit siya sa sarili niya kase sa kabila ng sakit na ginawa ng kaniyang asawa mahal pa rin niya ito. Mas galit siya sa sarili niya kase hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin niya ito. Mas galit siya sa sarili niya kase hanggang ngayon ay hinihintay pa rin niya ang pagbabalik nito. Mas galit siya sa sarili niya kase hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng kaniyang puso. And now she feels lost.

Ano kaya ang susunod na mangyayari?

Let love and you will never be lost…

Lunes, Oktubre 14, 2013

Sipunin

Sipunin
(Lk. 11: 37-41)

As usual, sipunin na naman ako. Hindi na bago ito sa akin. Kaya nga lagi akong may panyo sa bulsa pamahid ng sipon. Minsan nga dalawang panyo pa ang aking dala.

Pero ang mahirap sa ganito ay kapag nasa harap na ng mga tao. Ako ang tinitingnan. Naririnig pa nga ng mga tao ang aking pagsingkot dahil sa microphone. At nakakahiya na nagmimisa na tumutulo ang sipon. (Mas nakakahiya sa mga tsiks…dyahe pare…ha ha ha…sabi yan ni mike!)

Noong minsan nakalimutan kong magdala ng panyo. Pagdating ko parteng consecration umatake na ang sipon. Kinapa ko ang aking bulsa. Panick ako. Walang panyo. Heto na ang sipon. Dumudungaw na. Di ko naman pwedeng itigil ang misa. Nakita ko ang purificator sa harap ko. Pasimple ko iyong ginamit upang pahirin ang aking sipon. (Hwag nyo ipagkalat yan at baka malaman ng ibang pari…ha ha ha…pinalabhan ko naman agad iyon)

Lumapit na din ako noon sa doctor. Sabi ni dok ay baka allergy. Naisip ko yung term na “allergy” ay term na pang-mayaman kaya sigurado ako na hindi allergy ang aking pagiging sipunin. Anyway…niresitahan ako ng gamot. Ininom ko iyon. Nawala ang sipon. Pero ilang panahon lang ay bumalik din. Loves na loves talaga ako ng sipon.

Kaya nga tanggap ko na na ako ay sipunin. Sinasabi ko na lang na ganun talaga pag bata. Iniisip ko na lang na kapag ako ay naging binata ay magsasawa na din ang sipon at iiwanan na din ako.
Nag-research na din ako kung ano ang dahilan nito. Pwede daw palatandaan ito na bumababa ang immune system. Pwede rin na kulang sa vitamin C. Pwede rin na dahil natuyuan ng pawis. O kaya ay dahil sa alikabok.

Pero sabi ng safeguard…Kailangang maging malinis para di magkasakit. Kailangan na maghugas ng kamay bago kumain. Kaya nga yung mga magulang kanilang itinuturo sa mga bata na linisin ang kamay para matanggal ang germs na pwedeng mapasama sa pagkain.

Hindi lang pala sa mga Pinoy ito matatagpuan. Kahit noon pa man sa mga Hudyo ay iniuutos na ito. Kailangan ito upang maging malinis. Para sa kanila ito ay kasama sa mga gawaing nagpapabanal.

Pero may paalala si Hesus: “Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi.” Alalaumbaga, sa puso at sa isip nagmumula ang kasamaan ng tao. Kung ano ang kulay ng kalooban iyon din ang sa gawa ay matatagpuan.

Mahalaga na maging malinis ang panlabas. Pero mas mahalaga pala na linisin ang kalooban. Wala sa dungis ng isang tao ang kaniyang halaga kundi sa kung gaano kabusilak ang kaniyang pagkatao.

Hindi ka huhusgahan ng Diyos sa kung gaano ka kalinis sa katawan o kaya ay kung gaano ka kabango. Ikaw ay huhusgahan sa kung gaano kalinis ang puso mo…

Hanggang dito na lang muna…singhot muna ako…singa na pag di kaya!

*nasan na kase yung tagapahid ko ng sipon?

Biyernes, Oktubre 11, 2013

The Hunchback of Notre Dame

The Hunchback of Notre Dame 
(Victor Hugo)

Isang napakapangit na sanggol ang iniwan sa simbahan. Inampon siya ng paring si Claude Frollo. Pinangalanan niya ang sanggol na Quasimodo at siya ay lumaki doon at naging kampanerong kuba sa katedral ng Notre Dame.

Si Fr. Frollo ay may lihim na pag-ibig kay La Esmeralda. Isang gabi ay pinakidnap ng pari kay Quasimodo ang babae. Hindi niya ito nagawa sapagkat tinulungan si La Esmeralda ng isang sundalo na nagngangalang Phoebus. Na-inlove si La Esmeralda kay Phoebus.

Dinakip ang kampanerong kuba at pinahirapan. Walang tumulong sa kaniya. Dumating si La Esmeralda at binigyan siya ng tubig. Na-inlove siya sa babae dahil sa kabutihan nito. Pero may laman na ang puso ng babae, ang sundalo na tumulong sa kaniya.

Nagalit ang pari at tinangka niyang patayin ang sundalo. Ang pinagbintangan ay si La Esmeralda at pinaratangan pa itong isang mangkukulam. Pinarusahan siya ng kamatayan. Sinagip siya ng kampanerong kuba at dinala sa katedral.

Sa katedral pinagtangkaan ng masama ng pari si La Esmeralda. Ipinagtanggol siya ni Quasimodo. Itinulak nito ang pari mula sa tore ng katedral at namatay ang pari. Si La Esmeralda ay dinakip, pinatay at inilibing. Si Phoebus ay nagpakasal sa ibang babae.

Sa araw na iyon bigla ding naglaho si Quasimodo. Makalipas ang ilang panahon hinukay ang libingan ni La Esmeralda. Dalawang buto ng mga tao ang nakita nila. Ang buto ni La Esmeralda at ang buto ng kampanerong kuba. Hinipan ng hangin ang mga buto at ito ay naglaho…

Hindi pala makikita sa panlabas na anyo ang tunay na pagmamahal. Ito ay nasa kalooban. Ang tunay na pagmamahal ay ang pagnanais ng kabutihan ng minamahal kahit na nga ito ay hindi sinusuklian ng pagmamahal. At sa huli, ang mahalaga ay naranasan ang tunay na magmahal kahit na nga masakit sa kalooban.

Ang kampanerong kuba...ni-reject, itinakwil at nilait mula pa sa pagkabata pero natuto na tunay na magmahal!

Ang Alamat ng Aso sa Pinto ng kapilya

Ang Alamat ng Aso sa Pinto ng Kapilya
(Lk. 11: 15-26)

Sa isang baryo. May mga manang na nagdarasal araw-araw sa kanilang kapilya. Minsan ay may naligaw na pusa. Naglaro iyon sa kapilya. Naabala sa pagdarasal ang mga manang. Kinabukasan ganun din ang nangyari. Araw-araw nandun ang pusa kaya naman hindi makapagdasal ng maayos ang mga manang.

Nakaisip sila na magdala ng aso upang matakot ang pusa. Itinali nila ang aso sa may pintuan. Hindi nga makalapit ang pusa. Nakapagdasal sila ng maayos. Dahil epektibo ang paglalagay ng aso sa may pinto ng kapilya upang hindi makalapit ang pusa, araw-araw na nila ito ginawa.

Namatay ang aso at ito ay kanilang pinalitan ng bagong aso upang itali sa pintuan ng kapilya. Namatay na rin yung mga manang at pinalitan ng mga bagong magdarasal. Namatay na din yung pusa na nanggugulo sa pagdarasal. Pero dahil nakaugalian na maglagay ng aso sa pinto ng kapilya, ipinagpatuloy nila ito.

Hanggang ngayon sa tuwing magdarasal sila sa kapilya, meron silang hila-hilang aso upang itali sa pintuan ng kapilya…
Si Hesus ay ipinadala ng Ama para sa lahat ng tao. Siya ay hindi lamang para sa mga Kristiyano. Si Hesus ay hindi lamang para sa mga Katoliko.

Maganda na laging pagnilayan kung ano ba talaga ang misyon ng Simbahan. Mahalaga na balikan Kung ano ba talaga ang nais ni Hesus para sa lahat. Maganda na manalangin na maintindihan ang planong pagliligtas ng Diyos.

Sabi ni Hesus: “ I am sent to bring glad tidings to the poor.”

Sabi ni Hesus: “Laban sa akin ang hindi panig sa akin…”

Ama Natin

Ang Ama Natin
(Lk. 11: 1-4)

Isang bata ang naglalaro sa kanilang bahay. Napunta siya sa kusina. Nakita niya ang isang kutsilyo. Pinaglaruan niya ito. Dumating ang kaniyang tatay. Kinuha sa kaniya ang kutsilyo. Nag-iiyak ang bata. Sinabi niya na ibalik ang kutsilyo. Hindi ibinalik ng tatay ang kutsilyo. Hindi laruan ang kutsilyo. Ayaw niyang masugatan ang anak.

Yan ang tatay. Yan ang tunay na ama…

Tinuruan ni Hesus ang mga alagad ng panalangin…ang Ama Namin. Alam na alam natin ito. Bata pa tayo ay memorize na natin.

Sa dasal na ito ipinakikilala na ang Diyos ay isang ama. At dahil siya ay ama, hangad niya ang kabutihan ng bawat isa. Hindi niya nais na mapahamak ang kahit isa sa atin.

Sa dasal ding ito itinuturo sa atin na yung mga tunay na kailangan natin ang hingin natin sa Diyos. Tinuturuan tayo na maging simple ang puso at hangarin ang tunay na kailangan. Pagdating ng Kaharian. Pagkain. Kapatawaran ng kasalanan. Pag-iwas sa tukso. Ito yung mga ibinibigay sa atin ng Diyos upang tayo ay mabuhay bilang mga anak niya.

Dinidinig ng Diyos ang panalangin ng kaniyang mga anak. Minsan lang ay naiinip tayo. Pero tandaan natin na ang hangad niya ay kung ano ang mabuti sa atin. In God’s time, ibinibigay iyon sa atin.

Hindi man direktang ibinibigay pero ang ibinibigay niya ay ang mas mabuti sa bawat isa.

Dasal tayo…

Lunes, Oktubre 7, 2013

Focus

Focus
(Lk. 10: 38-42)

Nagmimisa si Father Mike. Malayo ang iniisip niya. Wala sa loob ang pagmimisa. Sabi niya: “..Kunin ninyo at kanin ito. Ito ang aking katawan na ihahandog sa iyo.” Lumapit sa kanya ang sakristan at ang sabi: “Father, microphone po iyang itinataas ninyo…”

Ganiyan ang nangyayari kapag wala sa sarili, kapag walang konsentrasyon sa ginagawa. Kailangang buong-buo ang sarili sa ginagawa para hindi mawala. Kailangang nandun ang puso at isip para di maligaw.

Ganyan ang ginawa ni Maria. Samantalang ang kapatid niyang si Marta ay balisang balisa at abalang abala sa maraming bagay, si Maria ay nagbigay ng kaniyang sarili sa pakikinig kay Hesus. Naka-focus siya kay Hesus at wala ng iba pa. At iyon ay hindi aalisin sa kaniya.

Hwag maligaw. Focus lang. Concentrate. Kaya yan...

Linggo, Oktubre 6, 2013

Ang Rosaryo ni Maria

Ang Rosaryo ni Maria
(Feast of the Our Lady of the Most Holy Rosary)

May isang kwento tungkol kaharian ng langit. Sa langit nagtataka si Hesus kung bakit maraming nakaksapasok na kaluluwa. Pinuntahan niya si Pedro, ang nagtatago ng susi ng kaharian ng langit.

Tinanong niya ito: “Bakit maraming nakakapasok sa kaharian? Baka naman lahat ay pinapapasok mo?” Sumagot si Pedro: “Hindi po Panginoon. Katunayan nyan ay naka-lock ang pinto ng kaharian para wala munang makapasok.”

Nagtanong si Hesus: “Kung ganun, bakit marami pa rin ang nakakapasok?” Sumagot si Pedro: “Itanong po ninyo sa nanay ninyo.”

Hinanap ni Hesus si Maria sa kaharian at kaniya naman itong natagpuan. Nakita niya si Maria sa tabi ng bintana. May hawak itong mahabang rosary na nakalawit sa bintana sayad sa lupa at mula sa rosaryong ito maraming mga kaluluwa ang umaakyat sa bintana at nakakapasok sa kaharian ng langit.

Nalaman niya ang dahilan kung bakit maraming nakakapasok. At napangiti na lamang si Hesus...

Ngayong kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Rosaryo, alalahanin natin ang ating mahal na Ina. Siya ang tutulong sa atin na mapalapit kay Hesus. Ang ating mahal na Ina ang gagabay sa ating paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.

Magdasal tayo ng rosaryo. Sa pamamagitan nito lalo nating mapagninilayan ang mga misteryo ng ating pananampalataya…mas lalo nating makikilala si Hesus.

Si Maria ang pinakasigurado at pinakamadaling daan patungo kay Kristo.

Kaya nga no pa ang hinihintay mo?....Kumapit sa rosaryo ni Maria, umakyat sa pamamagitan nito patungo sa bintana ng kaharian ni Kristo.

Our Lady of the Most Holy Rosary…Pray for us!

Happy Fiesta!

Libreng Pagkain

Libreng Pagkain
(Lk. 17: 5-10)

May magkakabarkada na namasyal. Nakita nila ang isang restawran. May nakasulat sa may pintuan nito na: “LIBRE KUMAIN DITO ANG KATOLIKO.” Pumasok sila at tuloy-tuloy sa mesa. Nilantakan ang pagkain hanggang sa sila ay mabusog. Noong palabas na sila ay hinarang sila ng gwardiya. Sabi nito: “hindi kayo makakalabas hanggang hindi kayo nagbabayad ng inyong kinain.”

Nagtaka sila at nagtanong: “Mga katoliko kami kaya libre kami kumain dito.” Nagsalita ang gwardiya: “Pinagmasdan ko kayo. Hindi kayo nagdasal bago kumain. Hindi kayo nag-antanda ng krus kaya hindi kayo katoliko. Kaya bayaran ninyo ang kinain ninyo.”

Ang masisibang magkakabardada…walang nagawa kundi bayaran ang kanilang kinain!

Sabi ng mga apostol kay Hesus: “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” Sa dinami-dami ng pwedeng hilingin kay Hesus bakit kaya pananampalataya ang kanilang hinihiling?

Pananampalataya ang hiningi ng mga alagad na madagdagan sapagkat kailangan nila ito. Kapag kase may pananampalataya ay nagbabago din ang buhay, nagbabago ang pagtingin sa buhay, nagkakaroon ng kahulugan ang lahat ng pinagdadaanan…

Kung walang pananalig, ang kahirapan ay mukhang parusa; sa may pananalig ito ay daan ng kabanalan. Kung walang pananalig, ang mga pagsubok ay ang kawalan ng pagmamahal ng Diyos; sa may pananalig ito ay paraan upang mahubog. Kung walang pananalig, ang pagbagsak ay mukhang paglimot ng Diyos; sa may pananalig ito ay paraan upang lalong tumawag sa Diyos.

Ang pananampalataya at pananalig ay nagbubunga sa atin ng tapang…tapang na harapin ang bukas kahit na ito ay napakadilim at tila walang pupuntahan. Nasasaktan man tayo pero hindi nawawalan ng pag-asa na bukas o makalawa ay makakaranas ng ginhawa.

Umiiyak man tayo dahil sa pinagdadaanan pero hindi naman tayo sumusuko. Nalulungkot man tayo pero dahil sa pananampalataya naniniwala tayo na hindi tayo nag-iisa…malayo ka man tayo rin ay magkakasama.

Kaya nga manalangin tayo sa Diyos: “Panginoon dagdagan nyo po ang aming pananampalataya.” Isabuhay natin ang pananampalataya.

Cheer up always…God loves you much...Yan ang bunga ng pananampalataya.

Biyernes, Oktubre 4, 2013

Alpha Male

Alpha Male
(Lk. 10: 17-24)

Hindi na matutuloy ang SK election pero tuloy ang barangay election. Kapag ganyang may eleksyon sigurado ang dami na namang magpa-file ng candidacy. Kung susumahin iisa lang ang kanilang sinasabi: Tatakbo sila para maglingkod at magsilbi sa sa tao. Pero kailangan pa bang maging opisyales para maglingkod?
Pero kung atin pang palalalimin ang pagtingin, anuman ang kanilang sinasabi iisa naman ang kanilang pinupunto: gusto nilang magkaroon ng kapangyarihan. Gusto nila ng power…political power man yan o economic power.

Masarap kase yung merong kapangyarihan. Yun bang ikaw ang gumagawa ng desisyon at sinusunod ka naman ng nakararami. Yun bang sa iyo nakasalalay ang isang gawain. Yun bang nakadepende sa iyo ang ipagtakbo ng isang proyekto. Sa ganitong paraan tila nadadagdagan ang iyong pagkatao.

Sabi nga ni Lasswell: Politics is who gets what, when and how. Ang pulitika ay tungkol sa kapangyarihan.

Pero hindi lang sa pulitika makikita ang agawan ng kapangyarihan. Sa loob ng tahanan meron din. May banggaan kung sino sa mag-asawa ang masusunod. Sino ba ang “under” nino?…Sa mga anak ganun din. Sino ba ang paborito at binibigyan ng sobra sobrang atensyon?

Sa trabaho ganun din. Nag-aagawan sa tungkulin upang sila ang mapansin at ng sa ganun ay may kapangyarihan na impluwenshahan ang isang gawain. Gustong umangat upang sila ang susundin.

Sa Mabuting Balita, tuwang tuwa ang 72 na mga isinugo ni Hesus. Pati ang mga masasamang espiritu ay sumusunod sa kanila. Pero sabi ni Hesus: “Magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong pangalan.”

Masaya kapag makapangyarihan ka. Pero hindi ang kapangyarihan ang dulo ng lahat. Hindi ang kapangyarihan ang dahilan ng pag-iral. Mas lubos pala ang kagalakan kapag nakarating sa buhay na walang hanggan. Doon malulubos ang kasiyahan. Doon hindi na natin kailangan ng kapangyarihan…

Miyerkules, Oktubre 2, 2013

When Heroes Fall

When Heroes Fall

Who are the heroes of your life?

We all have our own heroes. We look up to them. We admire them in what they do. We idolize them. We dream that we too will be like them.

But when heroes fall to whom heroes go?

Superman will go to ice place where the crystals are hidden. There in the cold place he talks to his deceased father to ask for guidance. For one thing, no man can understand him for he is not a man. Only with someone who can identify with what he is going through that he will be understood. He finds peace in an ice place for there his father can be found. In that aloneness he finds the perfect peace.

Spiderman will go to the cemetery to talk to his uncle who reminds him that “with great power comes great responsibility.” There in silence he expresses the loneliness of being a hero. There he sheds tears for the thing he can do but opted not to because he is destined for a higher value. There he asks: “Am I not supposed to have what I want?” And there he surrenders everything.

Heroes are heroes not because they are perfect. They are heroes because they help others who are in trouble. They are those who can still lend a helping hand even though he or she still has something personal to attend to. They put the welfare of others before their own good. That makes them a hero.

Heroes heal though wounded. Heroes affirm though seldom appreciated. Heroes help though not thanked. Heroes do good though gain nothing in return.

Heroes as they are they too are vulnerable. They too have longings. They too have issues. They too have frustrations. They too are like you. Heroes fall too…And when they fall, they fall deep bottom.

Remember the Gary’s song Warrior is a Child:

“Lately I've been winning battles left and right,
But even winners can get wounded in the fight,
People say that I'm amazing,
I'm strong beyond my years,
But they don't see inside of me,
I'm hiding all these tears…

They don't know that I come running home when I fall down,
They don't know who picks me up when no one is around,
I drop my sword and cry for just a while,
'Coz deep inside this armor, The warrior is a child.”

So when you see your heroes fall, your heroes might be in iceland or in the cemetery…

Thank you boss. You are my hero.

By the way, am not a warrior. Am just a kid!

Lunes, Setyembre 30, 2013

Reading Lessons

Reading Leasons

Intramurals ng St. Joseph’s College of Quezon City. Nagpunta ako at nanood ng cheer dance competitions. Dahil sa maraming taong nanonood sa gilid na lang ako pumwesto katabi ang mga nagtitinda ng mga libro. Nang matapos ang ilang presentations maraming mga estudyante ang pumunta upang tumingin sa mga books.

Lumapit ang isang bata sa akin na may dalang libro at nagtanong: “Kuya ikaw ba ang nagtitinda dito ng mga books?” Napangiti ako at sinabi sa kaniya na hindi. Itinuro ko yung nagtitinda. Tinanong ng bata yung tindero: “Magkano po itong book?” “P80 pesos” sagot ng lalaki. Itinuro ng bata ang isa pang libro at nagtanong: “Yun po magkano?” “P80 din.” Nagtanong muli ang bata: “Alin po diyan yung libro na tigsa-sampo?

Dahil walang tigsa-sampong pesong libro umalis na lang yung bata at nanood ng cheer dance. Inisip ko na lang mamaya babalik yung bata at kasama na niya ang magulang niya upang magpabili ng libro…

Nakakatuwa yung mga bata. Kabaliktaran ng iniisip ko na tamad na ang mga bata ngayon na magbasa, hindi pala totoo. Gusto nilang magbasa yun nga lamang kulang ang mga oppurtunities. At shempre mahal din ang mga books at kung aasa lamang ang bata sa kaniyang baon upang makalibili ng libro hindi iyon sasapat.

Mahalaga ang magbasa. Ang utak kase natin kapag hindi ginagamit ay “kinakalawang” din. Ang isip natin ay humuhina din kapag hindi ito “ini-exercise.” An gating isip ay “pumupurol” din kapag hindi hinahasa. Ang pagkatuto kase ay hindi lamang sa loob ng silid-aralan. Ang totoo nyan ay ang mga guro ay mga taga-gabay lang natin upang ang mga estudyante ay matuto.

Kung meron man akong gustong maimbento ay yung isang gadget na pwedeng gamitin upang pumasok sa utak natin ang kaalaman. Ito yung machine katulad nung sa pelikulang Matrix. Ilalagay lang ang isang information o kaya ay program sa isang machine at ito na ang magpo-proseso upang malagay sa utak ang anumang gustong matutuhan…Hindi na kailangang mag-enroll sa school (magagalit sa akin sigurado ang mga guro! Ha ha ha).

Pero wild idea lang yan. Upang matuto kailangang mag-aral…kailangang magbasa. Hindi pwedeng yung mga guro ang mag-aral para sa atin. Hindi pwedeng yung mga magulang ang magbasa para sa atin. Kailangan tayo mismo ang magtyaga na mag-aral. Ito ang tunay na paraan para matuto. And it takes time to learn…

So panu yan…basa basa din hindi lamang pag may time!

Biyernes, Setyembre 27, 2013

Titanium

Titanium
(Lk. 16: 19-31)

Ang alamat ng Guro.*

Noong ika-anim na araw, nilikha ng Diyos ang tao.

Noong ika-pitong araw, ang Diyos ay nagpahinga.

Hindi dahil sa napagod siya sa ginawa niya sa nakalipas na anim na araw upang lumikha. Ginawa niya ito upang maghanda sapagkat sa ika-walong araw nilika niya ang unang Guro.

Ang Guro na ito kahit na mula sa mga nilikhang tao ay kakaiba. Nilikha ng Diyos ang Guro na matatag kesa sa ibang tao. Nilikha siya upang gumising ng maaga at matulog ng gabing-gabi na. At di siya nagpapahinga na mga oras na yun.

Ang Guro ay nilikha upang makaya na makatagal sa loob ng silid-aralan sa loob ng mahigit anim na oras kasama ang mahigit limampung “halimaw.” Nilikha siya upang makaya niyang basahin at ituwid ang daan daang mga exams.

Nilikha niya ang Guro na malakas…ngunit malumanay din. Ang kaniyang mga kamay ay malumanay upang pahirin ang luha ng mga na iniiwan at nalulungkot na mag-aaral.

Ang Guro din ay biniyayaan ng sobra sobrang pagpapasensya. Inuunawa niya ang kakulitan ng mga estudyante na hindi nakikinig sa kaniyang itinuturo, sa mga estudyante na sabay sabay na magsalita kaya naman ang ingay nila ay abot hanggang sa opisina ng principal.

Ang Guro din ay biniyayaan ng pagiging matyaga sa paghihintay. Paghihintay sa pagdating ng mga bagoong school supply at sa paghihintay ng kanilang salary kahit na nga lampas na ang 15 at 30 sa kalendaryo.

Nilikha ng Diyos ang Guro na mas malaki ang puso kesa sa ibang tao. Sapagkat ang puso ng Guro ay kailangang mas malaki upang mahalin ang mga batang pasaway, mga batang sigaw ng sigaw, mga estudyanteng tila hindi nakaranas ng pagmamahal sa buhay. Puso na handang magmahal kahit na nga di pinasasalamatan!

At biniyayaan din ng Diyos ang Guro ng pag-asa. Pag-asa na balang araw ang mga estudyante ay matututo na bumasa at sumulat, matuto na mahalin ang pag-aaral at matuto sa buhay. Pag-asa na sana ay byernes na, na sana madagdagan ang kanilang salary at bonus.

Ng matapos likhain ng Diyos ang Guro, pinagmasdan niya at hinangaan ang kaniyang Gurong nilikha. At nakita ng Diyos na ang Guro ay Mabuti. Nakita niya na ang Guro ay Maganda.

Napangiti ang Diyos sa kaniyang pagsulyap sa Guro sapagkat nakita niya ang bukas. Ang kinabukasan ay nakasalalay sa kamay ng mga Guro.

At dahil mahal na mahal niya ang mga Guro, noong ika siyam na araw nilikha niya ang TEACHERS Day!

Ngayong Teachers Day alalahanin natin an gating mga naging guro. Marahil yung iba ay nasa dapithapon na ng kanilang buhay. Marahil yung iba ay nasa banig na ng karamdaman. Hindi na nila marahil tayo natatandaan. Malabo na marahil ang kanilang paningin. Mahina na marahil ang kanilang pandinig. Pasalamatan natin sila. Ating dalawin at bigyan ng mumunting regalo. Kung wala sila wala din tayo…Salamat sa Guro ng buhay ko!

*Ito ay translated at editedversion mula sa isang post sa internet.

San Lorenzo Ruiz

San Lorenzo Ruiz

Taong 1636, isang Pilipino ang sumama sa mga paring Dominikano papuntang Japan. Sa pagdating nila doon, hinuli sila at ikinulong. Pinahirapan din sila upang itakwil ang kanilang pananampalataya. Hindi niya itinakwil ang pagiging katoliko.

Sinabi niya: "Isa akong Katoliko at buong-pusong tinatanggap ang kamatayan para sa Panginoon. Kung ako man ay may isanlibong buhay, lahat ng iyon ay iaalay ko sa Kanya." Namatay siya na pinanghahawakan ang pananampalataya kay Kristo.

Yan si San Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipino na naideklarang santo.

Ngayong ginugunita natin ang ating Patron, alalahanin natin ang kaniyang pinanghawakang pananalig kay Hesus. Tularan natin siya.

Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pribadong bagay. Ito rin dapat ay ibinabahagi. Sabi nga ni Cardinal Rosales: “Kahit saan nandoon ang mga Pilipino, ang katapatan sa Diyos ay dala-dala ng Pinoy.”

San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami!

Huwebes, Setyembre 26, 2013

Likaw ng Bituka

Likaw ng Bituka
(Lk. 9: 18-22)

“Alam ko na ang likaw ng bituka mo.” Yan ang sinasabi natin sa isang tao na lubos na ang pagkakilala natin. Kapag naging kaibigan natin isang tao doon lumalalim ang pagkakilala natin. Hindi ito basta basta nangyayari. Kinakailangan ng mahabang panahon. Sa bawat sitwasyon na ating pinagdadaanan doon lumalalim ang pagkakilala sa isa’t isa. Ganito din sa Mabuting Balita.

Nakakatuwa itong si Pedro. TalaGang napakabibo. Noong nagtanong si Hesus kung sino siya para sa mga alagad, sumagot agad si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” Sabi ng ibang tao si Hesus daw ay si Juan,si Elias o kaya isang propeta na nabuhay noong una. Paano kaya nangyari na nasambit ni Pedro ang kasagutan na iyon samantalang iba naman ang naging sagot ng ibang tao?

Ang dahilan ay sapagkat nakasama ni Pedro si Hesus. Naging kasama niya sa paglalakbay. Naging kasama niya sa pagtuturo. Naging kasama niya sa hapag-kainan at mga inuman. Naging kasama sa puyatan. Naging kasama niya sa pagdarasaL.

SA kanilang pagsasama marahil ay marami silang napagkwentuhan. Si Pedro ay maraming nalaman tungkol kay Hesus. Marami siyang nakita kay Hesus. Nakita ni Pedro kung paano magalit si Hesus sa mga taong mapagbalatkayo at ginagamit ang templo para sa personal na pagyaman.

Nakita rin niya kung gaano kamahal ni Hesus ang mga nasa laylayan ng lipunan. Naranasan niya kung paanong pinakain ni Hesus ang mga libu-libong tao. Nakita ng kaniyang mga mata kung paanong pinagagaling ni Hesus ang mga may karamdaman. At dahil dito lumalim din ang pagkakilala niya kay Hesus.

Yun pala ang dahilan. Yung mga tao na nagsabing si Hesus ay si Juan, Elias, o kaya Isang propeta ay mababaw ang pagkakilala kay Hesus. Hindi kase nila nakasama si Hesus. Hindi nila naging kalakbay. Hindi nila naging kaibigan si Hesus.

Samantalang si Pedro halos alam na niya ang “likaw ng bituka” ni Hesus. Nagbigay si Pedro ng mahabang oras upang makalakbay si Hesus. Naging kaibigan niya si Hesus.

Yun din ang hamon sa atin. Kung gusto nating lubos na makilala si Hesus, maglaan tayo ng panahon sa kanya. Magsimba tayo. Magbasa ng Bibliya. Magtanong sa nakakaalam tungkol sa pananampalataya. Sumali sa gawaing pansimbahan. Kaibiganin natin si Hesus.

Sa pamamagitan nito, ang ating pananampalataya ay hindi na lamang pananampalataya natin sa paniniwala ng mga lideR ng Simbahan o kaya ay ng mga unang Kristiyano ngunit inaari nating atin talagang pananampalataya sapagkat personal nating kilala si Hesus at ito ay nasasalamin sa buhay. Yun ang tunay na pananampalataya.

Ikaw, alam mo ba ang likaw ng bituka ni Hesus?