Ang Rosaryo ni Maria
(Feast of the Our Lady of the Most Holy Rosary)
May isang kwento tungkol kaharian ng langit. Sa langit nagtataka si
Hesus kung bakit maraming nakaksapasok na kaluluwa. Pinuntahan niya si
Pedro, ang nagtatago ng susi ng kaharian ng langit.
Tinanong
niya ito: “Bakit maraming nakakapasok sa kaharian? Baka naman lahat ay
pinapapasok mo?” Sumagot si Pedro: “Hindi po Panginoon. Katunayan nyan ay naka-lock ang pinto ng kaharian para wala munang makapasok.”
Nagtanong si Hesus: “Kung ganun, bakit marami pa rin ang nakakapasok?” Sumagot si Pedro: “Itanong po ninyo sa nanay ninyo.”
Hinanap ni Hesus si Maria sa kaharian at kaniya naman itong natagpuan.
Nakita niya si Maria sa tabi ng bintana. May hawak itong mahabang rosary
na nakalawit sa bintana sayad sa lupa at mula sa rosaryong ito maraming
mga kaluluwa ang umaakyat sa bintana at nakakapasok sa kaharian ng
langit.
Nalaman niya ang dahilan kung bakit maraming nakakapasok. At napangiti na lamang si Hesus...
Ngayong kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Rosaryo, alalahanin
natin ang ating mahal na Ina. Siya ang tutulong sa atin na mapalapit kay
Hesus. Ang ating mahal na Ina ang gagabay sa ating paglalakbay patungo
sa buhay na walang hanggan.
Magdasal tayo ng rosaryo. Sa
pamamagitan nito lalo nating mapagninilayan ang mga misteryo ng ating
pananampalataya…mas lalo nating makikilala si Hesus.
Si Maria ang pinakasigurado at pinakamadaling daan patungo kay Kristo.
Kaya nga no pa ang hinihintay mo?....Kumapit sa rosaryo ni Maria,
umakyat sa pamamagitan nito patungo sa bintana ng kaharian ni Kristo.
Our Lady of the Most Holy Rosary…Pray for us!
Happy Fiesta!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento