Ang Ama Natin
(Lk. 11: 1-4)
Isang bata ang naglalaro sa kanilang bahay. Napunta siya sa kusina.
Nakita niya ang isang kutsilyo. Pinaglaruan niya ito. Dumating ang
kaniyang tatay. Kinuha sa kaniya ang kutsilyo. Nag-iiyak ang bata.
Sinabi niya na ibalik ang kutsilyo. Hindi ibinalik ng tatay ang
kutsilyo. Hindi laruan ang kutsilyo. Ayaw niyang masugatan ang anak.
Yan ang tatay. Yan ang tunay na ama…
Tinuruan ni Hesus ang mga alagad ng panalangin…ang Ama Namin. Alam na alam natin ito. Bata pa tayo ay memorize na natin.
Sa dasal na ito ipinakikilala na ang Diyos ay isang ama. At dahil siya
ay ama, hangad niya ang kabutihan ng bawat isa. Hindi niya nais na
mapahamak ang kahit isa sa atin.
Sa dasal ding ito itinuturo sa
atin na yung mga tunay na kailangan natin ang hingin natin sa Diyos.
Tinuturuan tayo na maging simple ang puso at hangarin ang tunay na
kailangan. Pagdating ng Kaharian. Pagkain. Kapatawaran ng kasalanan.
Pag-iwas sa tukso. Ito yung mga ibinibigay sa atin ng Diyos upang tayo
ay mabuhay bilang mga anak niya.
Dinidinig ng Diyos ang
panalangin ng kaniyang mga anak. Minsan lang ay naiinip tayo. Pero
tandaan natin na ang hangad niya ay kung ano ang mabuti sa atin. In
God’s time, ibinibigay iyon sa atin.
Hindi man direktang ibinibigay pero ang ibinibigay niya ay ang mas mabuti sa bawat isa.
Dasal tayo…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento