Sa Gitna ng Kalamidad
Kahapon ay lumindol ng malakas sa Kabisayaan. Pinakaapektado ang Bohol
at Cebu. Maraming buhay ang nawala. Maraming mga building ang bumagsak.
Maraming daan ang nasira. Marami ding mga matatandang simbahan ang
nasira.
Pero may isang simbahan na nasira ang mga pader at ang
bubong at sa gitna ng mga debris na ito nakatayo ang imahe ng Mama Mary.
Tila hindi man lamang nagasgasan sa pagguho.
Ito marahil ay nagsasabi na masira man ang simbahan pero hindi ang
pananampalataya ng mga tao. Ang totoo niyan ay ang simbahan ay hindi
naman talaga ang building. Ang mga tao ang simbahan. Tanggalin mo ang
estruktura at iwan ang mga mananampalataya, buhay pa rin ang Simbahan
pero tanggalin mo ang mga tao at iwan ang building ito ay hindi na
simbahan.
Iyan ang kaso ng magaganda at matatandang estruktura
sa Europa. Ang mga ito ay naging mga museum na lamang at ang iba naman
ay ibenenta na dahil wala na o kaya ay kakaunti na ang mga
mananampalataya.
Isang magandang tandaan natin ay sa kabila ng
mga trahedyang ito mayroong plano ang Diyos. Sa gitna ng nakakalungkot
na pangyayaring ito ay marami tayong mga katanungan kung bakit nangyari
ito pero maniwala tayo na merong mabuting uusbong dito.
Sa ganitong mga pagkakataon mas lalo tayong kumapit sa ating Panginoon.
Patuloy nating ipagdasal ang mga naapektuhan ng kalamidad na ito. Ipaabot din natin ang ating pagtulong sa kanila…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento