Kaya Yan!
(Lk. 13: 1-9)
Katatapos lang ng Juan de la Cruz. Matagal din natin itong sinubaybayan. Hangang-hanga tayo kay kay Juan at kay Rosario.
Pero alam nyo ba na may pinagdaanan din ang palabas na ito?
Noong May, 2012, ang script ng Juan de la Cruz ay ipinasa sa 2012 Metro
manila Film Festival. Kasama sana ni Coco sa nasabing proyekto sina
Maja Salvador, Jake Cuenca, at Albert Martinez. Tinanggihan
ito ng Film Festival. Dahil dito, nagpasya ang ABS-CBN na gawin na lang
itong teleserye. Naging katambal ni Coco si Erich Gonsales. Ang
telesrye na ito ay namayagpag ng mahabang buwan at sinubaybayan na
maramin sa atin.
Ang Juan de la Cruz na tinanggihan ay naging
sikat na telesrye. Di man naging pelikula ito naman ay naging number one
sa telebisyon. Nang mabigyan ng pagkakataon ito ay nagtagumpay.
Parang sa buhay din. Binibigyan tayo ng pagkakataon upang makabawi at
patunayan na kaya natin. Ang mahalaga ay hindi sumusuko. Patuloy na
lumalaban.
Ganito ang mensahe ni Hesus tungkol sa talinhaga ng
puno ng igos. Hindi ito namunga ng ilang. Puputulin na sana ngunit
sinabi ngtagapag-alaga na bigyan pa ng pagkakataon. Pag di pa rin
namunga ay saka putulin.
Marami mang beses man tayong bumagsak
ay may pagkakataon pa rin para bumangon. Ilang ulit man tayong mabigo
ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na sa banda roon ay may tagumpay na
naghihintay. Kaya nga gamitin ang mga pagkakataon upang maging
matagumpay...
Tularan natin si Juan de la Cruz. Di siya sumuko. Kumapit siya kay Bossing, ang rebak niya.
Yun oh!
*Bossing, ikaw ang resbak ko!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento