Magdagdag o Magbawas?
(Lk. 13: 22-30)
Ano ang mas mahirap? Ang manalo sa eleksyon o ang makapasok sa makipot na pintuan?
Sa pagtakbo sa eleksyon kailangang mag-INCREASE. Kailangang maraming
kayamanan. Kailangang lumawak ang kasikatan. Kailangang malakas ang
kapangyarihan.
Ang daming kumandidato pero iilan lang ang pinaglalabaan ng pwesto. Dahil dito kanya kanyang diskarte. Hindi naman bago yung
mga narinig nating mga styles ng mga kandidato. Kukuha ng maraming mga
bayarang “coordinators” na mangangampanya. Pagbili ng boto hindi lang
isahan pero pakyawan na rin. Yun bang bibilhin ang boto ng isang
pamilya. Sa panahon ding ito bigla kang nagiging kamag-anak ng
kandidato.
Ang hamon natin sa mga pulitiko: Kung ang inyong
posisyon ay hindi nakakatulong upang makapasok kayo sa kaharian ng Diyos
sa halip ito ay humahadlang, dapat ay iwan nyo na lang ang posisyon na
yan…
Sa pagpasok sa makipot na pintuan dapat naman ay
mag-DECREASE. Kung mataba ka at maliit lang ang pintuan siguradong
mahihirapan kang makadaan dito. Kailangan mong mag-diet, kailangang
magbawas ng taba. Kailangan ding alisin ang mga nakasabit sa katawan at
baka ito pa ang sumabit sa pintuan. Kailangang tanggalin ang mga
palamuting dala dalahan na nagpapabigat sa katauhan katulad ng
kasalanan.
Sabi ni Hesus: “Magsumikap kayong makapasok sa
makipot na pintuan.” Ang hamon ni Hesus ay ang paggawa ng pamamaraan
upang magawa ang mga bagay na kailangan upang makarating sa makalangit
na kaharian. Dagdag pa niya: “Sasabihin ng Panginoon…lumayo kayong mga
nagsisigawa ng masama!”
Huhusgahan tayo ng Diyos sa effort na ating ginagawa upang makapasok sa pintuan ng kalangitan.
Sabin nga ni Mother Teresa: “We are not called to be successful but to be faithful!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento