All Saints Day
Sino ang paborito mong santo?
Ang isa sa paborito kong santo ay si St. Therese of Lisieux. Una kong
nabasa ang kaniyang autobiography (Story of a Soul) noong ako ay nasa
kolehiyo pa lamang. Nalaman ko na maagang namatay ang kaniyang nanay.
Pumasok sa kumbento upang magmadre ang kaniyang dalawang kapatid.
Noong siya ay nasa edad na labinglima, ninais na niya na makapasok sa kumbento
upang magmadre. Noong minsan na nag-pilgrimage sila sa Rome, lumapit
siya sa santo Papa at humiling na payagan siyang papasukin sa Carmilite
convent kahit bata pa siya. Noong makabalik na siya, siya ay pinayagan
na maging postulant ng kumbento.
Sa kumbento siya ay nagkasakit
ng tuberculosis. Bago siya binawian ng buhay ay isinulat niya ang
kaniyang mga karanasan at ang kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng
kasimplihan. Ang lahat ng kaniyang ginagawa kahit na gaano ito kaliit ay
iniaalay niya sa Diyos. Binawian siya ng buhay sa edad na 24.
Hindi pala sa haba ng buhay matatagpuan ang kahulugan ng buhay. Hindi
rin ito sa katanyagan at kayamanan. Ito ay nasa kasimplehan at pag-aalay
ng mga ginagawa sa Diyos.
Si Sta. Teresa ay ideneklarang pantas ng Simbahan.
Ikaw sino ang paborito mong santo?
Ngayong All Saints Day, ginugunita natin ang mga Banal ng Simbahan.
Sila ay hindi perpekto. Meron din silang nakaraan na kanilang
pinaglabanan upang ang kalooban ng Diyos ay maisabuhay. Sila ay mga
katulong nating sa paglalakbay. Sila ang patuloy na nagdarasal sa atin
sa harapan ng Diyos. Sila din ay mga modelo natin sa ating buhay.
Tularan natin sila.
Pwede ka bang maging santo? Pwedeng pwede!
Alalahanin natin: “Every saint has a past and every sinner has a future!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento