Trahedya
Sa gitna ng trahedya lumalabas ang kasamaan at kabutihan ng isang tao.
Ang bagyong Yolanda ay nagpadapa sa maraming probinsya ng Bisayas.
Maraming mga bahay at mga estruktura ang nasira. Maraming buhay ang sa
isang iglap ay nawala. Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nawawala.
Kailangan nila ng tulong.
Dahil sa nangyari lumabas ang kasamaan ng ibang tao at masasalamin ang trahedyang moral.
Marami ang kumuha ng mga gamit na hindi sa kanila. Sa ganitong
pagkakataon survival mode na marahil ang marami. Kailangan nilang gumawa
ng mga bagay na hindi nila magagawa sa ordinaryong pagkakataon upang
sila ay mabuhay. Marahil yung iba naman ay nanamantala lamang para sa
pansariling kapakanan.
Pero sa gitna nito ay may magandang
umuusbong. Nandun ang pagtutulungan ng mga tao upang bumangon. Kahit na
nga mula sa ibang bansa ay nag-pledge upang tumulong. Kahit na nga ang
Santo Papa ay nagpahatid ng kaniyang panalangin at pakikiisa sa
pinagdaanan ng marami nating mga kababayan. Ang media ay gumagawa din ng
paraan upang may maibigay na tulong. Maraming mga Simbahan ang gumagawa
na din ng paraan upang makapaghatid ng tulong.
Mahirap man ang
kanilang pinagdadaanan, marami man ang nawalan ng mahal sa buhay pero
hindi naman nawala ang kanilang pananampalataya sa sa ting Panginoon.
May mga kwento nga na wala silang naisalbang gamit ngunit ang dala dala
nila ay mga imahe ng ating Panginoon.
Sa huli sama samang
babangon ang Pilipinas. Naging hati hati man dahil sa pulitika, dahil sa
magkakaibang opinyon at prinsipyo, dahil sa magkakaibang
pananampalataya, sa huli lahat ay magkakaisa at magtutulungan na harapin
ang pinagdadaanan.
Sa gitna ng trahedyang ito uusbong ang maraming biyaya!
Pagpalain nawa tayo na ating Panginoon…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento