Maging Handa
(Lk. 12: 35-38)
Dalawang babae ang pauwi na ng Occidental Mindoro. Bumili sila ng tiket
sa batangas pier. Diretso sila sa barko. Sila ay natulog.
May isang oras na nagbibiyahe ang barko. Dumaong ito sa pier.
Bumaba sila ng barko. Tumingin sila sa paligid. Tila iba na ang pier na
binabaan nila. Naglakad sila. Nakumpirma nila na ibang pier ang
pinagdalhan sa kanila. Sa halip na sa Occidental Mindoro ay sa Calapan, Oriental Mindoro sila napunta. Mali pala ang barkong sinakyan nila.
Naging careless kase sila. Nainip silang hintayin ang tawag para sa tamang sasakyan. Patulog-tulog sila.
Sa buhay ganiyan din ang nangyayari kapag hindi handa. Naliligaw ng landas. Nabubulaga sa mga sitwasyon na dumarating.
Kaya nga magandang paalala ang sabi ni Hesus na maging handa sa pagdating ng Panginoon.
Noong panahon ni Hesus ay may mga lingkod na silang naghihintay para sa
pagdating ng ikakasal. Dahil sa mahaba ang proseso at seremonya at
dahil na rin sa layo ng mga lugar hindi alam ng tagalingkod kung anong
oras darating ang kanilang hinihintay. Minsan ay madaling araw na ito
dumarating. Kaya nga kailangang laging handa.
Tularan natin ang
mga lingkod na laging handa. Ihanda ang sarili. Hwag ng ipagpabukas ang
magagawa ngayon at baka mawalan na ng pagkakataon. Maging handa sa
pagbabalik ng Panginoon…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento