The Hunchback of Notre Dame
(Victor Hugo)
Isang napakapangit na sanggol ang iniwan sa simbahan. Inampon siya ng
paring si Claude Frollo. Pinangalanan niya ang sanggol na Quasimodo at
siya ay lumaki doon at naging kampanerong kuba sa katedral ng Notre
Dame.
Si Fr. Frollo ay may lihim na pag-ibig kay La Esmeralda.
Isang gabi ay pinakidnap ng pari kay Quasimodo ang babae. Hindi niya ito
nagawa sapagkat tinulungan si La Esmeralda ng isang sundalo na nagngangalang Phoebus. Na-inlove si La Esmeralda kay Phoebus.
Dinakip ang kampanerong kuba at pinahirapan. Walang tumulong sa kaniya.
Dumating si La Esmeralda at binigyan siya ng tubig. Na-inlove siya sa
babae dahil sa kabutihan nito. Pero may laman na ang puso ng babae, ang
sundalo na tumulong sa kaniya.
Nagalit ang pari at tinangka
niyang patayin ang sundalo. Ang pinagbintangan ay si La Esmeralda at
pinaratangan pa itong isang mangkukulam. Pinarusahan siya ng kamatayan.
Sinagip siya ng kampanerong kuba at dinala sa katedral.
Sa
katedral pinagtangkaan ng masama ng pari si La Esmeralda. Ipinagtanggol
siya ni Quasimodo. Itinulak nito ang pari mula sa tore ng katedral at
namatay ang pari. Si La Esmeralda ay dinakip, pinatay at inilibing. Si
Phoebus ay nagpakasal sa ibang babae.
Sa araw na iyon bigla
ding naglaho si Quasimodo. Makalipas ang ilang panahon hinukay ang
libingan ni La Esmeralda. Dalawang buto ng mga tao ang nakita nila. Ang
buto ni La Esmeralda at ang buto ng kampanerong kuba. Hinipan ng hangin
ang mga buto at ito ay naglaho…
Hindi pala makikita sa panlabas
na anyo ang tunay na pagmamahal. Ito ay nasa kalooban. Ang tunay na
pagmamahal ay ang pagnanais ng kabutihan ng minamahal kahit na nga ito
ay hindi sinusuklian ng pagmamahal. At sa huli, ang mahalaga ay
naranasan ang tunay na magmahal kahit na nga masakit sa kalooban.
Ang kampanerong kuba...ni-reject, itinakwil at nilait mula pa sa pagkabata pero natuto na tunay na magmahal!
Sino po nagsalin nito sa filipino?
TumugonBurahinSi Wilita A. Enrijo ang nagsalin nito sa Filipino.
BurahinBakit naisipang hukayin ulit ang libingan nila? at sino ang naglibing sakanila?
TumugonBurahinWow ganda
TumugonBurahin