Giving
(Lk. 14: 12-14)
Sa Bohol noong lumindol ng malakas ay may mag-ina na nasa second floor
ng kanilang bahay. Tinangka nilang lumabas ng bahay. Nasa hagdan na sila
ng tuluyan ng bumagsak ang bubong ng bahay. Agad niyakap ng nanay ang
kaniyang anak. Nadaganan sila ng gumuhong bubong.
Noong i-rescue na sila, nakita na wala ng buhay ang nanay pero buhay ang anak na niyakap nito. Sabi ng anak: “Kung
hindi sa aking nanay wala na ako dito. Kung hindi ibinigay ng aking
nanay ang kaniyang buhay patay na sana ako.” Ang nanay ay nagpakita ng
tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniyang sariling
buhay.
Ang nanay na ito ay si Narcisa Barbanida at ang anak na nakaligtas dahil sa kaniya ay si Zedisa.
Ganito ang tunay na pagmamahal. Maipapakita ang pagmamahal sa
pamamagitan ng pagbibigay. Sabi nga: “You can give without loving but
you cannot love without giving.” Ang pagbibigay din ay hindi naghihintay
ng kapalit.
Ito ang itinuturo ni Hesus kaya sabi niya kapag
ikaw ay maghahanda ay iyong mga dukha, mga balewala, mga pilay at mga
bulag ang dapat na imbitahan. Sila kase yung mga tao na walang
kakayahang materyal na bagay na magbalik ng kagandahang loob.
Kapag ikaw ay nagbigay at naghihintay ka ng kapalit maaring hindi
pagbibigay ang tawag dito. Ang tawag dito ay pagpapautang. O kaya sa
ibang term ay investment. Gumagawa ng mabuti para sa kinabukasan at
sarili din ang makikinabang sa kinabukasan .
Si Hesus ay nag-alay ng buhay at hindi naghintay ng kapalit. Ito ang tunay na pagbibigay. Ito ang ating tularan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento