Instant
(Lk. 18: 1-8)
Usong-uso ang instant sa panahon ngayon…
Instant Jelly powder, Instant noodles, Instant coffee, Instant bihon, Instant fruit salad, instant rice…
Bakit kaya tinatangkilik natin ang mga insatant? Eh kase nagmamadali
tayo. Mainipin tayo. Ayaw nating maghintay. Mas magaan kase kapag sa
isang iglap ay meron na agad.
Hindi lang sa pagkain. Gusto nating mabilis kaya mas gustO natin ang ATM. Marami din sa atin ang gumagamit ng Credit card para mabilis ang transaksyon.
Sa buhay ganun din. Marami ang gustong mataas agad ang posisyon sa
trabaho kaya ginagawa ang lahat para umangat. Marami ang may gustong na
maging instant millionairE kaya naman bili dito bili doon ng mga tiket
na malaki ang tatamaan. At kahit nga nga illegal ay papasukin maging
madali lang ang pagkita ng pera.
Ang pagmamadali na ito ay
nadadala din natin sa pananalangin. Gusto natin na tugunin agad ng Diyos
ang ating panalangin. Mas gusto natin na makita agad ang resulta. Nais
natin na agad agad ay sumagot ang Diyos.
Pero hindi ganun ang
Diyos. Hindi nagmamadali ang Diyos. Mas gusto ng Diyos na nasa tamang
panahon lahat. Hindi nagmadali ang Diyos sa paglikha. Inabot ito ng anim
na araw. Matagal ding panahon bago niya pinili ang bayang Israel. Hindi
nagmadali ang Diyos sa pagpapadaLa sa kaniyang anak na si Hesus. At
hindi rin nagmamadali ang Diyos para sa muling pagbalik ni Hesus.
Kaya nga magandang paalalaang Mabuting Balita ngayon. Sabi ni Hesus:
“Dapat laging manalangin at hwag masiraan ng loob.” Sa talinhaga ang
biyuda ay nangulit sa hukom upang ibigaY sa kaniya ang katarungan. Dahil
sapangungulit nito ay ibinigay niya ang hinihingi.
Kailangang
hwag tayong magsawa sa pagdarasal. Sa pamamagitan nito mas lalo tayong
napapalapit sa kaniya at ang ating hinihingi ay mas lalo nating
ginugusto. Sa pamamagitan din ng pananalangin mas nakikilala natin ang
Diyos.
Si Monica ay ang ina ni Agustin. Si Agustin ay isang
pasaway na anak. Matigas ang kaniyang ulo. Tamad din ito. Walang
direksyon ang kaniyang buhay. Araw-araw ipinagdasal ni MoNica si
Agustin. Isang araw nga ay isang malaking pagbabago ang nangyari kay
Agustin. Nagkaroon ng conversion ito. Siya ay kilala natin ngayon bilang
si San Agustin. Ang laging nagdasal para sa kaniyang pagbabago si
Santa Monica.
Hwag tumigil sa pagdarasal. Ang Diyos ay hindi isang instant na Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento