Ang Alamat ng Aso sa Pinto ng Kapilya
(Lk. 11: 15-26)
Sa isang baryo. May mga manang na nagdarasal araw-araw sa kanilang
kapilya. Minsan ay may naligaw na pusa. Naglaro iyon sa kapilya. Naabala
sa pagdarasal ang mga manang. Kinabukasan ganun din ang nangyari.
Araw-araw nandun ang pusa kaya naman hindi makapagdasal ng maayos ang
mga manang.
Nakaisip sila na magdala ng aso upang matakot ang pusa.
Itinali nila ang aso sa may pintuan. Hindi nga makalapit ang pusa.
Nakapagdasal sila ng maayos. Dahil epektibo ang paglalagay ng aso sa may
pinto ng kapilya upang hindi makalapit ang pusa, araw-araw na nila ito
ginawa.
Namatay ang aso at ito ay kanilang pinalitan ng bagong
aso upang itali sa pintuan ng kapilya. Namatay na rin yung mga manang at
pinalitan ng mga bagong magdarasal. Namatay na din yung pusa na
nanggugulo sa pagdarasal. Pero dahil nakaugalian na maglagay ng aso sa
pinto ng kapilya, ipinagpatuloy nila ito.
Hanggang ngayon sa tuwing magdarasal sila sa kapilya, meron silang hila-hilang aso upang itali sa pintuan ng kapilya…
Si Hesus ay ipinadala ng Ama para sa lahat ng tao. Siya ay hindi lamang
para sa mga Kristiyano. Si Hesus ay hindi lamang para sa mga Katoliko.
Maganda na laging pagnilayan kung ano ba talaga ang misyon ng Simbahan.
Mahalaga na balikan Kung ano ba talaga ang nais ni Hesus para sa lahat.
Maganda na manalangin na maintindihan ang planong pagliligtas ng Diyos.
Sabi ni Hesus: “ I am sent to bring glad tidings to the poor.”
Sabi ni Hesus: “Laban sa akin ang hindi panig sa akin…”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento