PureGold Montalban
(Lk. 10: 1-9)
“Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang manggagawa.”
Marami ang gawain sa Simbahan ngunit kakaunti lamang ang tumutugon
upang maglingkod dito. Kulang ang mga pari na magpapalaganap ng Mabuting
Balita. Kulang ang mga madre na mag-aakay lalo na sa mga
nangangailangan. Kulang ang mga Lay Ministers of the Eucharist na
magdadala ng katawan ni Kristo sa mga may karamdaman.
Kakaunti ang mga katekista na magtuturo sa mga bata ng tungkol sa
pananampalataya. Bakit nga ba kapag paglilingkod sa Simbahan ay kulang?
Ngayong araw na ito ipinahayag na may mga tinawag si Hesus at kaniyang
isinugo. Ano kaya ang dapat na maging katangian ng maglilingkod kay
Kristo? Dahil anibersayo ng Puregold Montalaban gamitin na din natin
itong gabay:
G for GENEROSITY. Ang pagtugon sa tawag ng
paglilingkod ay purong pagbibigay. Hindi lamang mga materyal na bagay
ang ibinabahagi ngunit mas mabigat ang pagbabahagi ng oras. Mahirap
ibahagi ang panahon lalo na ngayong maraming gawain na dapat na tugunan.
Ang mga tumugon kay Hesus ay mga gawain din pero iniwan nila ito upang
gawin ang iniuutos ni Hesus. Ikaw, may puso ka bang marunong magbigay ng
panahon para sa iba?
O for OBEDIENCE. Ang pagtugon sa tawag ni
Hesus ay purong pagsunod. Hindi kaniyang sariling nais ang dapat na
iniisip kundi yun kung ano ang ninanais ng Diyos. “Not my will but the
will of God.” Ang pagtalima sa kalooban ng Diyos ay paglimot sa
sariling kagustuhan. Ito ay pagsasabuhay ng ang sariling kalooban ay
maging katulad ng kalooban ng Diyos. Ikaw, may kalooban ka bang inuuna
ang kagustuhan ng Diyos?
L for LOVE. Ang pagtugon sa tawag na
ipahayag ang Mabuting Balita ay purong pagmamahal. Ang tunay na
pagmamahal ay ang paghahangad ng kung ano ang mabuti para sa iba. Ang
pagiging disipulo ni Hesus ay naghahangad na mahalin ang lahat…mga taong
hindi nakaranas ng pagmamahal, mga taong mahirap mahalin, mga taong
hindi marunong magmahal.
D for DETERMINATION. Ang pag-oo na
sumunod kay Hesus ay purong lakas ng loob hanggang sa wakas. Ito ay
walang halong pagsuko kahit na nga sa gitna ng kahirapan ng
paglilingkod. Kailangang panghawakan ang panghabam-buhay na desisyon
kahit na nga luha at kalungkutan ang nararanasan. At kung susuko man ito
ay ang pagsuko sa kalooban ng Diyos.
Tinatawagan ka ni Hesus.
Let’s go PURE-GOLD. Generosity, Obedience, Love, and Determination.
Kapag meron ka nito, wala kang talo?
Happy 2nd Anniversary Puregold Montalban!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento