Pagpapatawad
(Lk. 17: 1-6)
“…kung pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong
beses din siyang bumalik sa iyo na nagsisisi, patawarin mo siya.”
Hindi naman talaga madali ang magpatawad. Mahirap ang magpatawad lalo
na sa mga taong paulit-ulit ang ginagawang pananakit ng damdamin sa
atin.
Pero bakit itinuturo ni Hesus na magpatawad? Minsan ang iniisip natin kapag hindi natin pinapatawad
ang isang tao, tayo ang may kapangyarihan sa kaniya. Pero kung ating
susuriin, kapag tayo ay hindi nagpapatawad mas lalo nating hinahayaan
siya na kontrolin ang buhay natin. Ang taong ayaw nating patawarin ang
humahawak na sa ating damdamin. Hindi na tuloy tayo nagiging malaya.
Gusto ni Hesus na magpatawad tayo para na rin sa ating sarili. Lalaya
lamang tayo kapag pinakawalan natin ang ating kinikimkim na galit. Hindi
magiging kumpleto ang kasiyahan ng isang tao kung may dinadala sa
sarili na sama ng loob sapagkat ito ang nagpapabigat sa paglalakbay sa
buhay.
And Diyos ay nagpapatawad sa paulit-ulit nating pagkakasala. Ang pagpapatawad ay isang gawaing banal...
Magpatawad upang maging malaya!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento