Sabado, Pebrero 15, 2014

LiP

LiP

I am fascinated with gravity. It all affects us. It’s like magic. We cannot see gravity but we can see what it can do…

Same with love. Nobody sees love but we know what love can do. We laugh, we smile…our life shines because of that love. We also cry, we become frustrated, we become lost because of that same love.

But you know what? The most important thing is that we know love though many times we hardly understand, we feel love though we failed to comprehend love, we decide to love though we choose not who to love.

So the next time you fall, do not fall because of gravity. Fall for love. Believe me, it’s not magic. It’s a miracle!

World War II

World War II
(Mk. 3: 22-30)

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakita ng mga tao ang bunga ng pag-aaway-away ng mga bansa. Naranasan ng mga tao ang hirap ng pagkakawatak-watak at hindi pagkakaintindihan. Marami ang namatay. Maraming mga gusali ang nawasak. Maraming mga pangarap ang nawalan ng katuparan.

Dahil sa karanasang ito nag-usap ang maraming lider ng mga bansa at pinag-usapan kung papaanong hindi na mauulit ang malaking hidwaan na ito. Dito nabuo ang United Nations noong October 24, 1945 na magbibigay ng mapayapang kaayusan sa mga pagkakataon na hindi nagkakaunawaan ang mga bansa. Ito rin ang tutulong sa mga bansa na nakakaranas ng kalamidad at kahirapan. Ito ang bunga ng paghahanap ng mga bansa ng pagkakaisa para sa mga tao.

Ito rin ang nais ni Hesus para sa mga tao…na ang lahat ay maging isa katulad ng siya at ang Ama ay iisa.

Inakusahan si Hesus na ang kaniyang ginagawang pagpapagaling ay buhat sa kasamaan. Pero sinabi ni Hesus na hindi pwedeng mangyari ito sapagkat kapag kinalaban ng demonyo ang demonyo din sila ay magkakawatak at sila ay mawawasak. Nagdala si Hesus ng kagalingan dahil ito ang humihilom sa sugat na dala ng kasalanan.

Sa tahanan, kapag ang mga myembro ng pamilya ay nag-aaway at nagbabanggaan, ang pamilya ay hindi nagdudulot ng kasiyahan ay bagkus nagdadala sa kanila na lalong lumayo sa isa’t-isa.
Sa basana, kung ang mga tao lalo naang mga namumuno ay walang pagkakaisa, wala ring paglago ang bansa at sa halip ay hinahatak ang bawat isa pababa.

Sa Simbahan ay gayun din. Kung ang mga myembro ng Simbahan ay nag-iinggitan, nagtsitsismisan at hindi pinagkakatiwalaan ang kakayahan ng bawat isa, hindi rin magiging maganda ang pagsulong nito. Kung tayo-tayo ay may kanya-kanyang agenda na pansarili lamang, ang Simbahan ay tiyak na mapupunta sa kawalan. Kung tayo-tayo ay nagbabangayan siguradong sa kangkungan ang ating hantungan.

Let us unite under the one banner of Love!

On Leaving the Priesthood

Part 1 of 3

On Leaving The Priesthood

"You are a priest forever."

This verse is often quoted whenever we talk about the priesthood, but what does this really mean? Is priesthood a lifetime confinement of no escape?

An internet site says that at least 120,000 priests worldwide left the ministry in the past 60 years. While this may be a shocking information, we cannot deny the fact that priesthood faces different challenges amidst this fast changing world.

Priests leave the ministry for so many reasons although it does not happen in a snap. There are signs which indicate a probable walkout from the ministry. A very basic sign is the loss of prayer life. During the years in the seminary, prayer is seen as the foundation of everything. They are taught to quiet down, meditate and enhance their personal relationship with the person they want to follow-Jesus Christ. Priesthood, first and foremost, is a fruit of a personal relationship with Christ and serving the people is only an extension of following Jesus. When a priest stops praying he closes down the very source of his ministry and denies the very essence of being a priest.

Losing the community life is also a factor. A priest may one day wake up feeling unwanted by his confreres in the community where he is supposed to be welcomed and accepted as he is. In the loneliness of being alone, the sadness of being rejected, and the pain of being separated from loved ones, amidst the yearning for affirmation, the intoxicating boredom of office works, the suffocating criticisms of the faithful, and the surging guilt of unworthiness, to whom will the priest go but to a fellow priest who has experienced the same things he encounters. If the priest feels unaccepted by his brother priests, to whom will he turn to? Yes, even a fellow priest can make another priest walk away.

Fortunate is he if there's still a family waiting for him. But when he comes home, the place is no longer familiar. His parents may be long gone and his siblings may already have their own families. The children may probably not know the priest due to his absence for a long time. This leaves him lost, where will he go for support? He may find himself at a dead end. There is nowhere to go and an easy escape is to build some kind of defense mechanism. In front of the people, the priest now pretends in control of everything, especially his life. He strives for power- more power, to prove his significance. Other priests succumb to addiction like gambling, drugs, alcohol, TV, internet and sex. Still others turn to eating to forget, thinking that instead of being addicted to other things, better be addicted to eating. At first, it comes like a way of coping up but soon enough, the priest finds himself enslaved by these vices.

Then out of the blue, the priest finds himself in need of company. He feels alone, lonely and in need of care. he may find it with a very caring and loving woman. But when the community finds out, they will look at it this way, "Nakahanap ng babae kaya lumabas ng pagpapari."

Little did they know that the priest, human as he is, faces the same sufferings an ordinary human being can experience. He gets sick too and needs others to care for him. He gets irritated too, perhaps because of personal issues to confront which he may find difficult at the moment. He also gets insecure about financial stability, like what's going to happen to him when he gets old and needs to retire? He has secrets too- things he is afraid others may find out and his spiritual director may not always be around when he needs to spill himself, or he may not always feel like talking about his life with him at all.He also gets exhausted for overloaded works entrusted to him. And most of all, he feels dry too, sometimes or oftentimes, in the deepest recesses of his heart, for reasons, he as a priest can't also identify.

But when he heads towards the door with two hands up, when he gives up after all the hardships he's been to, the community without difficulty will conclude, "Nakakita ng babae kaya lumabas ng pagpapari."

Although priesthood, despite its vow for simplicity, is not that simple at all, a priest still has options he can take. He may choose to avoid making things complicated. He may decide to face his issues rather than hide from them in fear or in denial. Writing things down can help him know himself better. He, like anyone else, can discover the wisdom of circumstances once strong emotions subsided, this way, keeping a journal may help. The priest can plan for his life by setting goals about what he wants to do in the future. He may also choose to talk regularly with his spiritual director who willingly will help him when conflicts within himself arise.

There are more options to choose from, but the most important is, when he feels lost and wants to walk out, he can go back to the basic things he know by heart- to pray and rediscover the true desire that lives within his heart, and to enjoy his community with his brother priests and find again the lost fire that burns for the sincere yearning to consecrate himself to follow Jesus.

Because in the end, priesthood is still a mystery...

Love As I See It (Now)

Love As I See It (NOW)

If the person you love is asking you not to stay too close, but all you want is to be involved with his life, what would you do?

If a friend is becoming distant and you see him enjoying new companies and you feel left behind, how would you react?

If you wanted to stick to old feelings but the other person has found the courage to change, how would you accept it?

Kind of tormenting, isn't it? At the back of your mind, you think that if you let them be, the more distant they go, the greater the chances that they will love you less and eventually forget about you.

But love isn't something we require others to give us. We simply open ourselves and let them love us if they could, if they would...

Love is like a bird's nest that does not possess. It simply is there to give comfort when necessary but when the time to let go comes, it does not hesitate to set the beloved free.

Love is letting your beloved be what he aspires to be. It is being happy for him as you see him grow.

So if you feel sad, cheer up. Love isn't cruel, it's just painfully sweet...

Takot

Takot
(Mk. 6: 45-52)

Normal lang na makadama tayo ng takot.

May mga natatakot sa daga, sa ipis, sa palaka…

May mga natatakot din sa tao…takot kay teacher, takot sa magulang, takot sa asawa.

May mga tao din na takot sa pari…lalo na sa masungit na pari!

Pero sabi nung iba takot daw sila sa pari kase nung bata pa sila ay ipinantatakot ng magulang ang pari. Kapag maingay ang bata sasabihin: “Hwag kang maingay, magagalit si Father!” Kapag makulit ang bata sasabihin: “Hwag kang makulit lagot ka kay Father!” At pag nasugatan ang bata sasabihin: “Lagot ka, lalabas jan ang pari!”

Yung iba naman iba ang kinatatakutan. Takot na mabigo, takot na masaktan, takot na umiyak, takot na magmahal…

Ayo slang ang makaramdam ng takot. Yun ngang mga alagad ay natakot din. Napagkamalan nila na multo si Hesus na lumalad sa ibabaw ng tubig. Pero sabi ni Hesus: “Lakasan ang loob! Ako ito, hwag kayong matakot.”

Yun pala. Sa karanasan pala ng pagkatakot ay pwede ring matagpuan si Hesus. Sa mga pinagdadaanan pala na takot dapat ay lakasan ang loob at hindi dapat na matakot kase nandun ang presensya ng Diyos.

Napapansin nyo ba yung mga bata kapag natatakot kung ano ang kanilang ginagawa? Pag sila ay natatakot tatawagin nila agad ang magulang nila. Kapag malapit ang magulang sila ay kakapit dito. At kapag sobra ang takot nila sila ay yayakap. Mas malaki ang takot mas mahigpit ang yakap ng bata sa kanilang magulang.
Ganun din dapat tayo. Sa pagkatakot natin tawagin natin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa paglaki ng takot natin sa kung ano pa man sana ay mas mahigpit ang kapit at yakap natin sa Diyos.

“Lakasan ang loob! Si Hesus ito, hwag kayong matakot.”

So, matatakot ka pa ba?

Go Back

Go Back…

When you find yourself at a dead end what will you do? Yes, you will turn around, go back to where you have been and see if somewhere you miss a turn. In this case you will have a chance of finding the right track…

Same is true with life. Sometimes you will find yourself at a situation where you just realize that you are not maturing, a situation where you find hard to progress, a place where developing the self seems impossible. It is about time to decide.

You must trace the steps you have been through hoping that you will recognize the traps that you fell into, that you realize that you miss something in the past, that you fail to look at the signs pointing to the right direction. Nope, this is not the time to blame…this is the time to learn!

It is not wrong to go back. In fact it is necessary to understand the meaning of life. Failures are part of life. God allows it to happen for us to learn lessons in life.

At the start of another year, do not let yourself stack at a dead end. You will gain nothing if you just stop and stare at those walls. Go back to where you started. You will know the right way.

Don't worry, you are not alone.

See you there…

Taba

Taba
(Bagong Taon)

Papasok ako ng kwarto. Marami akong dala. Di ko magawang hawakan ang doorknob dahil parehong may hawak ang dalawa kong kamay. Natanong ko tuloy si Lord: “Bakit ba dalawa lang ang ibinigay mong kamay? Kung apat sana ay di mabubukasan ko ang pinto kahit may hawak ang dalawa kong kamay…”

Wala akong nagawa kundi ilapag muna ang aking dala. Nung wala ng hawak ang aking kamay nabuksan ko ang pinto. Kinuha ko ang inilapag kong dala at ako ay nakapasok.

Ngayong bagong taon wish ko ba na madagdagan ang aking kamay?

Nope…Nalaman ko na kailangang ilapag ang aking hawak upang makapasok. Natutunan ko na sapat ang aking kamay para sa mga gawain. Yun nga lamang gusto kong gawin lahat ng bagay ng sabay sabay. Gusto kong mapasaakin ang lahat. Gusto kong marating ang lahat. Gusto kong maangkin lahat…

Pero may mga taong ganyan. Gusto lahat ng magaganda ay maging girlfriend niya. Gusto lahat ng mga gwapo ay maging pag-aari niya. Gusto lahat ng bagong gadgets ay magkaroon siya. Gusto lahat ng talents ay mapasakanya. Gusto lahat ng atensyon ay sa kanya. Gusto lahat ng pagmamahal ay para lang sa kanya…

Pero hindi ganito ang buhay. We can only do so much. We can only have that much. We can only be that much. We can only love that much. There will always be a room wanting. Because we are not perfect.

But as imperfect as we are we must do our part…God will fill what is lacking!

PUSH Mo Yan!

PUSH Mo Yan!
(Bagong Taon)

Sa pasimula ng bagong taon dalawang bagay ang pwede nating gawin: Lingunin ang nakaraang taon at tingnan ang kasalukuyan.

Lingunin ang nakaraang taon. May nangyari ba sa iyo o baka naman para ka lang isang dahon na nakalutang sa ilog at nagpatangay sa agos? Ilang tao ba ang napasaya mo noong nakaraang taon? Baka naman mas marami pa ang taong dinulutan mo ng sama ng loob at iyong pinaiyak? Ilang tao ang natulungan mo? Baka naman pansarili lamang ang inisip mo at ginawa? Ikaw ba ay naging biyaya sa ibang tao o baka naman ikaw ay naging disgrasya?

We learn from our experiences whether it’s a good experience or bad. But we also learn from experiences of others. Never put aside those learnings and put it into action.

Tingnan ang kasalukuyan. Mahalaga na magplano para sa sarili. Ano ang gusto mong mangyari sa iyo sa taong ito? May mga bagay ka bang gustong mapasaiyo? May mga pangarap ka ba sa buhay mo na gusto mong makamit ngayong taon? Anong pagbabago sa sarili ang gusto mong gawin ngayong taong ito?

Sa lahat ng mga bagay na ito…I-PUSH mo yan…Pray Until Something Happens! Hindi sapat ang iyong kakayahan upang malampasan lahat ng mga pinagdadaanan. Hindi mo kayang mag-isa na marating ang gusto mong marating. Kailangan mo ng katulong. Kailangan mo ang paggabay ng Diyos. Kaya nga magdasal.

Ibinalita ng mga pastol kina Maria ang sinabi sa knaila ng anghel. Ito ay pinag-bulay-bulay ni Maria. Itinanim niya ito sa kaniyang puso. Pinagdasalan ni Maria ang lahat ng ito. Tularan natin si Maria.

Tingnan ang nakaraan at suriin ang kasalukuyan. Magplano para sa sarili. At sa lahat ng iyan..I-PUSH mo yan…Pray Until Something happens!

Ang Maganda at Gwapo Ngayong Pasko

Ang Mga Maganda at Gwapo Ngayong Pasko
(Kapaskuhan)

May isang pag-aaral na ginawa at lumabas sa pag-aaral na dalawa sa tatlong tao ay maganda o gwapo. Kaya nga pag tumingin ka sa kanan mo at siya ay maganda o kaya ay gwapo, medyo kabahan ka na. At pag tumingin ka sa kaliwa mo at maganda rin o kaya ay gwapo…wala ka ng pag-asa!

Mahirap talaga ang pangit.

Sabi nga dun sa nakalagay sa jeep na minsan ay nasakyan ko: “Pag maganda at sexy, LIBRE. Pang pangit, DOBLE!”

Mahirap talaga ang pangit.

Sabi nga ni Tsokoleit…

Pag nag-aaply ka sa airlines…pag maganda ka magiging stewardies ka pero pag pangit ka magiging ground staff ka, taga-traffic g mga eroplano.

Pag maganda ka at nag-apply ka sa food chain ilalagay ka sa cashier pero pag pangit ka dun ka ilalagay sa kitchen.

At pag na-promote ang magandang cashier magiging manager pero ang pangit na nasa kitchen pag na-promote ay magiging mascot.

Sa simbahan ganun din yata. Pag maganda ka at gwapo nasa loob ka ng simbahan. Kaya nga yung mga nasa labas ay….Nope, hindi po sila mga pangit. Mapagbigay lang sila upang kayo ay makaupo.

At ito ang da best…Pag pangit na pari ka, kung saan saan ka lang ilalagay. Pero pag gwapong pari ka….sa MONTALBAN ka ia-assign! Tsk Tsk Tsk…Unfair talaga…

Kaya nga ngayong Pasko, gusto mo bang maging maganda o kaya ay gwapo? Matuto na magbigay ng regalo. Magiging maganda o kaya ay gwapo sa iyong mga bibigyan ng regalo. Hindi lang yun, magiging maganda o gwapo ka sa paningin ng Diyos kase tinularan mo si Hesus!

(Pagbigyan nyo na po ako, pasko naman…:P)

I-Push Mo Yan!

I-Push Mo Yan!
(Mt. 10: 17-22)

Tapos na ang Pasko! Yan ang maririnig mo sa marami.
Pero sa kalendaryo ng Simbahan ang Pasko ay hanggang unang Linggo pa ng Enero. Pero hanggang dito na nga lang ba ang Pasko?

Ang Pasko ay ang pag-ala-ala sa kapanganakan ni Hesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. Mas pinili niya na magpakababa upang mas lubos na maipadama ang kaniyang pagmamahal.

Kung ito ang tunay na kahulugan ng Pasko ibig sabihin ay hindi natatali sa mga petsa ang pagdiriwang nito sapagkat ang pagmamahal ng Diyos ay nagpapatuloy sa buong taon, hindi ito tumitigil at hindi rin ito nababawasan o nagbabago.

Kaya nga dapat na gawing pasko sa buong taon.

Kung ikaw ay nagpakabait noong December 25, magpakabait na rin sa buong taon.

Kung ikaw ay naging masaya, hwag ka ng bumalik sa damdamin ng kalungkutan sa buong taon.

Kung ikaw ay nagbigay ng regalo, maging mapagbigay na din sa buong taon.

Kung ikaw ay nagsimba at nagdasal, ipagpatuloy mo na yan at hwag baguhin sa buong taon.

Kung ikaw ay nagpatawad, ituloy na rin ang pagpapatawad sa lahat.

Kung ikaw ay tunay na nagmahal, i-push mo na yan sa buong taon!

Reminder

Reminder

Its pasko na naman. Am sure many are wishing that they will be receiving gifts. Many are going to their ninongs and ninangs para mamasko hoping mabigyan sila ng kanilang gusto. Pag hindi nabigyan me make tampo tampo pa.

For sure thay will be happy once they receive something. They will make payabang the things they receive. They will even pahili to their barkada the new gadgets they will bili from the money given to them.

But guys let us remember the real essence of Christmas. This is not about having bagong gamit. This is not about material things. This is about God who is in the manger tanda ng pagmamahal ng Diyos. This is about God being incarnated to give grace. The baby God in the manger is paalala to us that we too must pili the important things in life. We must not be materialistic..

God gave his Son for us and we too should bigay to other people the blessing s we have. Remember it is better to give than to receive

I know that when we go back to our school on January we suot our new dress. We will dala our pinapaskuhan. We will pahili to our classmates everything. We will become bida sa school. We never learn Christmas then!

Isip isip din pag may time…

Merry Christmas!

Pinakamasayang Tao

Pinakamasayang Tao
(Mt. 11: 28-30)

Sino kaya ang pinakamasasayang tao sa mundong ito?

Yun kayang mayayaman? Nasa kanila na ang lahat at kaya nilang makuha ang mga bagay na nanaisin nila. Kaya nilang tapatan ang lahat ng hinahangad na mapasakanila.

Yun kayang mga sikat? Sila at tinitilaan at hinahangaan ng marami. Nilalapitan sila upang magpa-pictue at magpa-authograph. Sa kanila lagi ibinibigay ang lahat ng atensyon ng mga tumutingala sa kanila.

Yun kayang mga may kapangyarihan? Sila yung mga hari at mga lider na bibigyan ng kakayahan na magpatupad ng batas at ang kanilang kalooban ang dapat na masunod.

Yun kayang may mga titulo at katalinuhan? Sila yung ang mga utak ay may kakayahan na umunawa ng kahit na mahihirap na usapin sa siyensiya, pulitika, pilosopiyaat marami pang iba.

Sila kaya yung mga pinakamasasayang tao sa mundo?

Saan nga ba nakasalalay ang kasiyahan ng isang tao?

Sabi ni Hesus: “Lumapit kayo sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo.”

Yun pala. Dito pala nating matatagpuan ang tunay na kaligayahan…kapag lumapit kay Hesus ay makakatagpo ng katiwasayan ng buhay, kapag kumapit kay Hesus magiging hayahay ang buhay.

Pero hindi ibig nito ay tatanggalin niya ang lahat ng pinapasan. Hindi ibig sabihin nito ay mawawala na lahat ng problema. Hindi ibig sabihin nito ay mawawala na lahat ng pinagdadaanan.

Kapag lumapit tayo sa kaniya babaguhin niya kung paano natin tingnan ang buhay. Iibahin niya ang ating pananaw tungkol sa lahat ng ating pinahahalagahan. Itutuwid niya ang maling pagpapahalaga na ating pinanghahawakan.

Sino ang pinakamasasayang tao sa mundo?

Hindi ang mayayaman. Ang tunay na kasiyahan ay hindi ang pagkakamal ng maraming pera at ari-arian kundi ang pagkwala o pag-unti ng pangangailangan…

Hindi ang mga sikat. Ang tunay na taong masaya ay “at-home” na sa kaniyang sarili at hindi hinahangad ang paghanga ng iba upang mabuo ang kaniyang pagkatao. Sila yung mga taong alam nila ang kagandahan na matatagpuan nila sa sarili nila.

Hindi ang mga makapangyarihan. Ang tunay na taong nakadarama ng kasiyahan ay hindi nangangailangan ng kalakasan upang sumunod ang iba sa kaniya. Sapat na para sa kaniya na sa pamamagitan ng kaniyang ginagawa kahit na walang salita ay tinutularan siya ng iba.

Hindi yung mga taong sa mata ng akademiya at unibersidad ay matatalino. Ang tunay a nakadarama ay yung mga taong naniniwala na ang Diyos ay may magandang plano sa kaniyang nilikha hindi man niya ito lubos na maunawaan. Yung mga taong naiintindihan na ang buhay ay mula sa Diyos at sa Diyos din babalik.

PS. Masaya na ako kapag gumising ako na walang sipon!

Magkano ka Anne Curtis?

Magkano Ka Anne Curtis?
(Mt. 18: 12-14)

Sa pelikula o sa totoong buhay man nagagalit tayo sa mga taong nagtatanong ng: “Magkano ka!” Sa katanungang ito kase tila ang buhay ng isang tao ay kayang tumbasan ng pera. Sa tanong na ito tila pinababa ang halaga ng tao.

Kaya nga nung sabihin ni Anne na “I can buy you, your friends and this club!” marami ang nag-react at nagalit sa kaniya. Dahil sa epekto ng alak kaya daw nya ito nasabi. Gayun pa man ay hindi maiiwasan na siya ay kainisan kase hindi sapat na dahilan na lasing ang isang tao upang maliitin at tapatan ng pera ang kahit na sinuman. Walang halaga ang pera kung ihahambing sa tao.

Pero magkano ka nga ba talaga?

Sabi ni Hesus kapag may isandaang tupa at nawala ang isa, iiwan ng may-ari ang 99 na tupa upang hahanapin ito. Kapag natagpuan na ay malaking kasiyahan ang mararamdaman ng may-ari ng tupa.
Ganito ang halaga ng tao. Mahalaga sa paningin ng Diyos.

Hindi tinitingnan ng Diyos kung mayaman, kung ano ang titulo, kung sikat, kung may kapangyarihan, kung maraming ari-arian, kung may kagandahan o kagwapuhan, kung anong relihiyon na kinaaaniban, kung makasalanan…

Kaya nga kapag napakinggan mo ulit ang katanungan na “magkano ka?” ituro mo ang krus at sabihing: “Ipinadala ng Diyos ang kaniyang bugtong na anak upang ako ay tubusin!”

Kaya nga kapag akala mo ay wala kang kwenta dahil hindi ka pinapansin sa buhay ng ito at pakiramdam mo ay walang nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo, lagi kang tumungin sa krus at masdan ang ipinakong si Hesus na nag-alay ng buhay para sa iyo.

Magkano ka Anne Curtis? Nasa nakabayubay na katawan sa krus ang kasagutan…

Inang Maria

Inang Maria
(Feast of the Immaculate Conception)

Nanay. Inay. Mama. Inang. Mamang. Mommy. Mader. Mudra.

Ito at marami pang iba ang tawag natin sa mga nanay natin. Iba-iba man ang ating tawag sa kanila pero hindi maaalis ang katotohanan na sa kanilang sinapupunan tayo ay dinala nila ng maraming buwan. Sa pagdadalang-tao nila marami silang sakripisyo para sa kanilang anak. Ginawa nila ito sapagkat sila ay nagmamahal.

Si Maria ay isa ding ina. Pero hindi lang siya ina. Siya ay ina ni Hesus. Noong sumagot siya ng “oo” sa plano ng Diyos na maging ina ng tagapaglistas ang buhay niya ay inilaan na para sa dakilang plano ng Panginoon.

Dahil sa natatanging gagampanan ni Maria sa pagdaloy ng kaligtasan sa sangkatauhan, si Maria ay ipinaglihing walang kasalanan. Hindi siya nabahiran ng dungis ng pagsuway ng tao. Siya ay naging busilak upang ihanda ang magiging tahanan ni Hesus.

Sabi nga ni Papa Pio IX: “Ang pinagpalang Birheng Maria ay di nagmana ng kasalanang orihinal magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na makapangyarihan pakundangan sa mga karapatan ni HesuKristong Mananakop ng sangkatauhan.”

Si Maria ay ina din natin. Tayo ay mga Anaknimaria. Si Hesus ay ating kuya…

Maging busilak din sana ang ating kalooban tulad ng ating Inang Maria!

God Will Provide

God Will Provide
(Second Week of Advent)

May isang kwento tungkol sa isang binata na umakyat ng ligaw. Nakausap niya ang tatay ng dalaga na kanyang liligawan at siya ay tinanong:
Tatay: “Meron ka na bang trabaho?”
Binata: “Wala po.”
Tatay: “Paano mo bubuhayin ang aking anak? Saan ka kukuha ng iapapakain sa kaniya?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Paano pag nagkaanak na kayo, paano mo sila bubuhayin at papagaralin?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Paano kapag nagkaapo na kayo, paano nyo sila susuportahan?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Kung ganun hindi mo pwedeng ligawan ang anak ko!”
Binata: “Bakit po? Gusting-gusto kop o talaga ang anak ninyo. Kung hindi po ninyo ako papayagang ligawan ang anay ninyo, saan po ako makakakita ng dalagang katulad niya?”
Tatay: “God will provide!”

Totoo po yun. God will provide. Noong nagkasala ang tao kinailangan na magkaroon ng tagapagligtas kaya naman ipinadala niya ang kaniyang bugtong na anak. Si Hesus ang pinakamahalagang regaling biyaya ng Ama sa sanlibutan.

Gayunpaman, mawawalan ng saysay ang biyaya ng Diyos kung walang gagawin ang tao. Sabi nga sa kasabihan: “Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.”

Ngayong ikalawang linggo ng paghahanda para sa muling pagdating ni Hesus mahalaga na suriin ang sarili. Umaalingawngaw hanggang ngayon ang panawagan ni Juan baustista: “Magbagong-buhay kayo, lumapit na ang paghahari ng Langit.” Kailangang baguhin ang mga nakasanayang masasamang gawain upang maging busiak ang kalooban sa muling pagdating ni Hesus. Pagsisihan at talikdan ang kasalanan…ito ang kinakailangan!

Pero hindi lang dapat tumigil dito. Dagdag ni Juan Bautista: “Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo ay nagsisisi…” Dapat pala na magbago at ang pagbabag na ito ay nasasalamin sa kung paano isinasabuhay ang pagtalikod sa kasalanan. Sa dami n gating pagsisimba ay dapa na pagganda rin sana n gating ugali. Sa pagiging malapit natin kay Hesus sana ay nagiging katulad tayo niya.

God will provide. Ang ating parte na gagawin ay pagsisisi sa kasalanan, pagtalikod dito at paggawa ng kabutihan.

Note from the Manager

Notes From the Manager

It is not easy to write.

When you write, people will criticize you. They will scrutinize the way you write. They will highlight your incorrect grammar. They will comments on how you write and the style you are using. They will question your background. Even your political leanings will be dissected.

But what’s harder when writing is the reality that when you write people will not only read what you write. They also read the writer. They will know who you are. They will interpret based from the write ups your personality. They will know what you are thinking. They will judge you based on what you write.

Kaya nga kahit na one line lang ang iyong isinulat sa facebook may mga magre-react: "anyareee" “may pinagdadaanan ka?” “may problema ka?” “may pinaghuhugutan ka?” “affected ka?” “in love ka?”

Your article is an extension of you. Not only your personality but the whole of you. It is there that your background is scrutinized. It is mirrored in your article your biases. In your article readers will know and interpret what you are up to.

They will know if you are a dreamer indulging in this out of this world scenario. They will know if you are an idealist hoping for your personal interpretation of life. They will know if you know what you are talking about. And most of all they will know if you are writing in order just to write.

That’s why it is not easy to write.

Anaknimaria is a facebook page wanting to reach out to as many people possible. It is aimed to influence the readers through the power of information and write-ups. It is also an avenue for other writers to share their articles. Note that in the past posts there are posts not related to the gospel. By these two purposes, Anaknimaria hopes that writers can be part of the life of others though not known personally.

I hope that the readers will read the articles and not the writers…

Happy reading…

Irony

Irony

Two news caught my attention today: The death of Nelson Mandela and the freedom of Tony Leviste.

The freedom of Tony Leviste. On 2009, Leviste was convicted of homicide in the killing of Rafael de las Alas. Levisted had admitted responsibility for de las Alas' death, claiming he only shot the victim in self-defense. The Makati City Regional Trial Court sentenced him to 6 to 12 years in prison. After serving six years behind bars, he received pardon and now a free man.

Nelson Mandela is a prominent figure fighting apartheid in South Africa. Aparteid is a system of social segregation under which the rights of black is curtailed. The government segregated education, medical care, beaches, and other public services, and provided black people with services inferior to those of white people.

Mandela fought apartheid and because of this he is jailed. He became a president and dismantles apartheid and made some reforms to combat poverty. He is such a great statesman that he declined to run again for a second term.

Leviste and Mandela. Both were imprisoned. Mandela because of fighting for the black people, Leviste for killing a person! Mandela was behind bars for 27 years, Leviste for six years!

When We Were Children

When We Were Children

When we were children God seems so close. We were so innocent that everything for us is a glimpse of the Divine, without even thinking about it. But as we age, we also outgrow the simplicity of being a child and adult life leaves no more room for innocence and childlike wonder.

Some often remark that God suddenly became distant and cold, or almost absent. This feeling catches me too,so easily like cough and cold. But I wonder;

Is God really absent, distant, cold and uncaring? Or are we just too preoccupied by so many things that we lose touch of Him and His presence? Too closed He cannot come in, leaving us so dry and empty?

When we were children things weren't like that. But now, it seems like what we always need is a breath taking miracle to be convinced that God is among us, and we fail to notice Him in the ordinariness of our lives.

When we were children, we weren't like that, but it isn't too late to be a child again and feel Him again, find Him again because maybe, just maybe, we are just not paying attention.

Sa Mata ng Bata

Sa Mata ng Bata
(Lk. 10: 21-24)

Upang maipagyabang sa kaniyang anak ang kanilang kayamanan, dinala ng isang mayamang ama ang kaniyang anak sa probinsya sa lugar ng mga magsasaka. Doon maghapon nilang pinagmasdan ang buhay ng mga ito. Umuwi sila ng bahay at tinanong ng ama ang anak kung ano ang natutunan niya. Sumagot ang bata:

“Kawawa naman pala tayo Dadi kase mahirap tayo kase nakakulong tayo sa mataas na pader ay maliit lang ang lugar na pinaglalaruan ko samantalang yung mga magsasaka ay mayaman kase hindi sila nakakulong sa bakod at malawak ang laruan ng kanilang mga anak.

“Tayo pala Dadi ay dukha kase pag gabi di natin nakikita ang kagandahan ng mga bituin sa langit samantalang sila ay may butas ang bubong at nakikita nila lahat.

“Hindi pala tayo mayaman kase lagi kayo ni Momi na nagmamadali upang magtrabaho upang kumita ng pera kaya wala na halos kayong oras sa amin samantalang yung mga magsasaka ay di nagmamadali sa tanim nilang palay at gulay upang mamunga kaya nga mahaba ang oras nila upang makapiling ang pamilya nila.

“Ganun pala tayo kahirap Dadi!”

May mata, pag-iisp, at puso ang bata na naiiba kesa sa mga matatanda. May mga kaalaman sila na hindi pinapansin ng mga may edad na ngunit ang mga kaalaman na ito ay napakahalaga.

Sabi ni Hesus: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa mga bata.”

Ang bata ay simbolo ng mga mabababa at walang boses sa lipunan, mga taong walang kapangyarihan, mga dukha, mahihirap, mga binabalewala, mga taong hindi nakapag-aral at nasa laylayan ng lipunan.

Dukha man sila at salat sa kabuhayan sila naman ang tunay na nagtataglay ng karunungan sapagkat nakilala nila si Hesus bilang katuparan ng pangako ng Diyos. Para sa mga nasa taas ng lipunan at nag-aral ng batas ni Moises, ang hinihintay nilang magliligtas sa kanila ay isang “military figure”, isang malakas na hari na magpapalaya sa kanila mula sa mga Romano. Ngunit iba ang plano ng Diyos. Nabulag sila ng kanilang antas sa buhay at ng kanilang kaalaman.

Mabuti pa ang mga “bata” sa lipunan. Yung mga maliliit ang tunay na tumanggap sa Kaharian ng Diyos.

Tularan natin sila upang tanggapin ang muling pagsilang ni Hesus.

May malaking puwang sa puso ni Hesus ang mga dukha at aba…

Bakit?

Bakit

Ang pinakamahirap nasagutin na tanong ay ang tanong na nagsisimula sa bakit.

Maraming katanungang “bakit” ang mga tao. Bakit may kahirapan? Bakit may pagdurusa? Bakit may kaguluhan? Bakit may karamdaman? Bakit may kalungkutan? Bakit may kasalanan? Bakit may kamatayan?

Hinamon ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng mga tanong na ito na patunayan ang kaniyang pag-iral at pagmamahal. Pinatulan naman ng Diyos ang tao. Ipinadala niya si Hesus na nakaranas din ng kahirapan, kalungkutan, at kamatayan. Pinagdaanan ni Hesus ang pinagdadaanan ng tao maliban sa kasalanan upang ipakita na sa lahat ng karanasang ito ng tao kasama niya ang Diyos.

Marami ka parin bang katanungan na bakit? Ang sabi ni pope Francis noong maraming napinsala sa kalamidad na bagyong Yolanda: “It’s okay to ask God why?” Ayos lang pala na tanungin ang Diyos ng bakit. Ang tanong na ito ay hindi pagdududa sa Diyos. Ito ay isang tanong na naghahangad na maranasan ang presensya ng Diyos, na madama ang pagmamahal at pagkalinga ng Diyos.

Kaya nga kung marami kang katanungang bakit sa Diyos ay okay lang yan.

Si Bunsong pagong

Si Bunsong Pagong
(Unang Linggo ng Adbyento)

May isang pamilya ng pagong na nagplano na mag-bonding. Sila ay magpi-picnic. Ilang buwan din nila iyong pinaghandaan. Isang araw nga ay umalis na sila upang maghanap ng lugar na magandang mag-picnic dala nila ang mga pagkain at mga gamit.
Nakarating sila sa isang isla matapos ang anim na buwan. Dahil sa madawag ito kanila itong nilinis. Inabot sila ng halos isang buwan sa paglilinis. Inilabas na nila ang kanilang mga baon pero laking gulat nila sapagkat meron silang nakalimutan…hindi sila nakapagdala ng asin at kung walang asin para sa mga pagong hindi kumpleto ang picnic.

Tumingin silang lahat sa bunsong pagong. Sabi nila: “Dahil ikaw ang pinakamaliit pero pinakamabilis lumakad at lumangoy sa atin ikaw na bunso ang uuwi upang kumuha ng asin.” Walang nagawa ang bunsong pagong kundi ang sumunod pero bago siya umalis sinabi niya: “Mangako kayo na hindi muna kayo kakain hanggat hindi ako dumadating.” Nangako naman ang pamilyang pagong at siya ay umalis.

Lumipas ang isang araw hindi dumating si bunsong pagong. Lumipas ang isang linggo…isang buwan…isang taon pero di pa rin dumating. Lumipas ang limang taon wala pa rin. Noong ika-pitong taon ng kanilang paghihintay hindi na nakatiis ang panganay na pasaway na pagong. Lumapit siya sa pagkain at nagsimulang kumain.

Isang sigaw ang kanilang napakinggan sa may likod ng puno: “Sabi ko na nga ba at hindi kayo tutupad sa pramis ninyo na hindi muna kakain hanggat hindi ako dumarating. Dahil di yan hindi na ako uuwi sa bahay upang kumuha ng asin!”

Ngayong unang linggo ng adbyento pinapaalala sa atin na dapat tayong maghanda. Siguradong muling darating si Hesus. Dalawang bagay ang pwede nating gawing paghahanda: Slow Down at Simplify.

Slow down. Minsan masyado ng mabilis ang takbo n gating buhay. Tila kulang ang 24hours sa maghapon sa mga gawain. Aligaga tayo sa maraming bagay. Pero ang tanong: Para saan ang ating mga ginagawa. Ang buhay ay parang isang paglalakbay sa isang sasakyan. Kapag sobrang bilis ang pagtakbo hindi na natin ma-appreciate ang magagandang bagay sa paligid. Ang sabi nga: Ang laging nagmamadali sa buhay ay nagmamadali ring mamatay!

Simplify. Sa mathematics, upang mas mapadali ang pag-solve sa mga equations pwedeng i-cancel na lang ang mga variables na may parehong coefficient. Ganun din sa buhay. May mga bagay na di kailangan at ito ay dapat na tanggalin. Ginagawa kase nating kumplikado ang buhay. Bumibili ng mga gamit na may discount o kaya ay mura pero di naman kailangan kaya pagdating sa bahay ito ay nakatago lamang. Gawing simple ang buhay.

Maging handa sa pagdating ni Hesus!

Change

Change
(Lk. 21: 29-33)

“The only permanent in this world is change.”

Ang nag-iisang permanente sa mundong ito ay ang pagbabago. Lahat nagbabago. Ang puno nagkakaroon ng dahon na berde, pagkalipas ng ilang panahon matutuyo ito at magiging brown, malalaglag at mabubulok…

Nagbabago ang kulay, ang taas, ang hitsura, ang chemical composition, …

Ang tao din nagbabago. Nagbabago ang pisikal na kaanyuan, nagbabago ugali, pagtingin sa buhay, nagbabago ang isip, at pati na rin ang puso ay nagbabago rin (ouch!).

Pero may isang hindi nagbabago. Ang Diyos ay hindi nagbabago. Perpekto na kase siya. Kung siya ay magbabago ibig sabihin ay may kakayahan siya upang “maging.” Ibig sabihin ay dati hindi siya perpekto at ngayon ay nagbago siya. Pero hindi ganun ang Diyos. Hindi limitasyon ng kaniyang kapangyarihan ang hindi niya pagbabago. Hindi siya nagbabago kase nasa sukdulan na ang kaniyang pag-iral.

Hindi nagbabago ang Diyos. Hindi nagbabago ang kaniyang pagmamahal. Kahit na ikaw ay nagkakamali at nakagagawa ng mga kasalanan hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ng Diyos. Ang pagmamahal kase ng Diyos ay buong-buo. Hindi ito mababawasan kahit na nga ng kasalanan.

Sabi ni Hesus: “ Lilipas ang langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking mga salita.” Si Hesus ang Salita ng Diyos Ama. Ang Salitang ito ay ang pagkakatawang-tao ng pag-ibig ng Diyos. Hindi magbabago ang kasaysayan na dumating si Hesus upang magpadama ng pagmamahal. Ipinadala si Hesus upang maranasan ng tao ang kaibuturan ng puso ng Diyos.

Kaya ng kung iniisip mo na nagbago na ang Diyos sa iyo dahil puro problema ang nararanasan mo, mag-isip baka ikaw ang nagbago sa kaniya. Kung iniisip mo na pinaparusahan ka ng Diyos kaya marami kang pinagdadaanan, tanungin ang sarili baka ikaw ang napapahirap sa sarili mo. Kung nararamdaman mo na malayo ang Diyos sa iyo kaya lagi kang lumuluha, tumigil ka muna sa iyong ginagawa at baka ikaw mismo ang naglalayo ng sarili mo sa kaniya.

PS. At kung nagtatanong ka kung bakit di ka crush ng crush mo…di ko rin alam!

Teflon

Teflon
(Lk. 21: 12-19)

Mahirap ang buhay ng mga unang kristiyano. Laging nakaamba ang kamatayan sa kanila dahil sa pagsunod kay Kristo. Si Hesus ay pinatay at ganun din ang sasapitin ng mga taong nainiwala sa kaniya. Kanga marami noon ang hinuli, pinahirapan, at pinatay. Dahil sa pagtatanggol sa pananampalataya na ito marami ang ideneklarang marter ng Simbahan.

Fast forward ngayon…

Hindi na bawal ang sumamba at maniwala kay Hesus. Hindi na hinuhuli ang mga nagtitipon upang maghati-hati ng tinapay sa misa. Hindi na ipinagbabawal ang maging kristiyano.

Pero bakit nga ba ganun? Kung kelan naging madali na ang buhay ng pagsunod doon lalong naging tamad ang mga kristiyano. Ang pagsisimba ay kinakalimutan pa. Ikinakahiya ang pagdarasal bago at pagkatapos kumain (tingnan nyo yung mga kumakain sa Jollibee at Mcdo). Mas pinipili pa na pag-usapan ang buhay ng may buhay kesa pag-usapan si Hesus. Mas binibigyan pa ng oras ang panonood ng mga telenobela kesa pag-aaral ng pananampalataya…

Buhay nga naman ng Kristiyano…

Hwag Patanga-tanga

Hwag Patanga-tanga
(Lk. 21: 5-11)

Mag-ingat para di madaya!

Pag namamalengke, tingnan dapat ang binibili kung okay pa at baka expired na o kaya ay bilasa na o kaya ay kung sa timbang o baka imitation lang.

Pag sumakay ng taxi tingnan ang metro at baka masyadong mabilis o baka kung saan saan idaan ng driver.

Pag pumunta sa mga opisina alamin ang mga proseso at baka paikot-ikutin habang naghihintay ng padulas.

Hwag agad magtiwala sa mga taong maganda o gwapo. Baka yan ay manloloko at guguluhin lang ang buhay mo. Paaasahin ka sa wala. Paiiyakin ka lang at iiwang may sugat ang puso mo.

Noong minsan na ako ay umalis binigyan ako ng paalala ng kaibigan ko. Sabi niya: “Hwag kang patanga-tanga doon at baka ikaw ay maligaw!"

Si Hesus may paalala din: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya.” Si Hesus ay muling darating ngunit bago siya dumating marami ang magpapakilala na sila na si Hesus. Marami ang gagamit sa pangalan ni Hesus para sa pansariling kapakanan. Marami ang aangkin sa katauhan niya upang mailigaw ang marami.

Kaya nga maganda ang paalala nah wag magpadaya upang di mailigaw. Alamin ang pananampalataya. Magbasa ng bibliya. Magtanong sa mga nakakaalam ng pananampalataya. Pag-aralan ang nakagisnang uri ng pagsamba. Magkaroon ng personal na relasyon kay Hesus.

Hwag patanga-tanga!

My King

My King
(Feast of Christ the King)

May isang kwento tungkol sa isang binata. Binigyan siya ng kuya niya ng bagong kotse bilang regalo sa pasko. Ginamit niya ang sasakyan upang pumunta sa isang tindahan. Paglabas niya ay may nakita siyang bata sa tabi ng kaniyang kotse at titig na titig dito. Nung lumapit siya tinanong siya ng bata: “Sa iyo po ba ang sasakyang ito.” Sumagot ang binata: “Oo aking nga yan, bigay yan sa akin ng kuya ko.” Sabi ng bata: “Gusto kong maging katulad ng kuya mo.”

“Ihahatid na kita sa inyo” sabi ng binata sa bata. Inihatid nga niya ang bata sa bahay nito. Nung bumaba ang bata sinabi niya: “Kuya pwede po bang mamaya kayo umalis?” Nagtaka ang binata sa ganung katanungan pero umuo na lang siya. Tumakbo ang bata papasok sa kanilang bahay. Paglabas niya ay may kasama na siya, buhat niya ang kaniyang kapatid na walang paa. Nang makalapit sila sa sasakyan sinabi ng bata: “Iyan yung kotse na ibinigay ng kuya niya sa kaniya. Pag lumaki na ako at nagkatrabaho ibibili din kita ng ganyan.”

Doon naintindihan ng binata ang bata. Kaya pala mas gusto ng bata na maging katulad ng kuya ng binata ay mas gusto niyang magbigay sa kapatid…

Ngayong ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Kristong Hari alalahanin nating kung anong klaseng hari si Hesus. Hindi siya hari ng kayamanan; hindi rin ng kapangyarihan; at hindi rin ng katanyagan. Si Hesus ay hari ng pagbibigay.

Si Manny Pacquiao ay lalaban na naman. Pero hindi lamang siya lalaban. Sa pag-akyat niya sa ring ay kasama niyang ipaglalaban ang mga nabiktima ng kalamidad. Magbibigay siya ng pag-asa na pagkatapos bumaksak ay dapat ng bumangon at sa pagbangon na ito walang maiiwan at makakaasa na maraming tutulong. Ibibigay niya ang sarili niya sa pamamagitan ng paglaban para sa mga taong ang buhay ay katulad ng pinanggalingan niya.

Kristong Hari maawa po kayo sa amin. Bigyan nyo kami ng pusong handang magbigay ng aming sarili para sa ibang nadapa at nagsisikap na bumangon…

Daquiz

Daquiz
(Lk. 21: 1-4)

Ibinili ko ng kulungan ang alaga kong aso. Ipinakita ko yun sa kanya at sinabi: “Yehey…Daquiz may kulungan ka na.” Inilagay ko siya sa loob ng kulungan. Alam nyo na ang nangyari! Nag-iiyak ang alaga ko noong ikinulong ko. Kala ko masisiyahan siya yun pala kabaliktaran ang reaksyon nya.

Ganun din tayo minsan sa pakikitungo sa ibang tao. Ang akala natin yung mga ginagawa natin ay makakapagpasaya sa ibang tao ngunit kung susuriin ito ay ginagawa sa maraming dahilan: pagaanin ang pakiramdam ng sarili sa pag-iisip na nakapagbigay ng tulong sa iba, upang maging sikat, upang masabi na nakatulong, upang ipagyabang, upang mabawasan ang kalat sa bahay, upang mai-dispose ang mga “basura” na nagpapasikip sa tahanan…

Sa Mabuting Balita nagbigay ang isang biyuda ng abuloy na dalawang barya. Para sa mga tao ito ay walang halaga pero para sa babae ito ay ang kayamanan niya. Pinuri siya ni Hesus sapagkat ito ang tunay na pagbibigay. Yun bang pinakakawalan ang isang bagay na mahalaga sapagkat merong mas nangangailangan nito.

Kaya nga sa susunod na magbibigay ka alamin muna kung ito ay makakatulong sa iba. Alamin kung ito ba talaga ay tunay na pagbibigay. Alamin kung ito talaga ay makakatulong…

Kabilang Buhay

Kabilang Buhay
(Lk. 20: 27-40)

Ano ang reaksyon mo sa ginawa ni Freddie Aguilar? May kasintahan siya na 16years old samantalang siya ay 60years old. Sa batas ay hindi sila pwedeng magpakasal. Nagpa-convert bilang Muslim si Freddie sapagkat pinapayagan dito na magpakasal ang 16years old na babae. Laman ng balita na sila ay nagpakasal na. Pumapayag ba kayo sa relasyong katulad nito? May tumututol ba? Wala ka ng habol, nagpakasal na sila!

Mahalaga ang kasal. Ang isa sa mga dahilan ng kasal ay ang pagkakaroon ng kasama maliban sa pagkakaroon ng anak. Malungkot kase kapag mag-isa lamang. Maganda pag merong katulong sa lahat ng pinagdadaanan.

Inilatag ng batas ng mga Hudyo na kapag may mag-asawa at namatay ang lalaki dapat na pakasalan ng kapatid ng lalaki ang babae. Mahirap kase na maging mag-isa. Mahirap ang buhay ng balo. Mas mahirap lalo kapag walang anak na tutulong kapag tumanda na ang magulang.

Ang sabi ni Hesus: “Nag-aasawa ang mga taong nasa daigdig na ito, lalaki man o babae. Ngunit hindi mag-aasawa ang mga ituturing na karapat-dapat sa kabilang buhay…Kapantay na sila ng mga anghel at mga anak sila ng Diyos matapos silang ibangon.”

May kabilang buhay. Doon hindi na kailangang mag-asawa sapagkat mararanasan na ang sukdulan ng ligaya kapiling ang Ama.

Being Loved

Being Loved...

Remember the moment you met your one true love. You probably thought you saw an angel. Everything seemed magical. Every opportunity of being with that person is a gift you always yearn for. Such a mystery love can make! Your colorless world had suddenly become a rainbow and life became a paradise again. When you pray, you always thanked God for giving you someone as special as the love of your life. You were so happy, so grateful... But...

Things became monotonous.You are longing for something more. You expect that the love of your life would realize this and do all that you wish. You begin to establish protocols- Do's and Dont's. Every little mistake would begin a quarrel. Love isn't fading away, but your many expectations push love at the back of your mind. You are always lonely and yearning for the moment the person you love would become the person you want him to be (or in your own words; love you the way you think you deserve).

All of these happen because you thought that when you love someone and that person loves you too, you already have a right over him.

It is your right to love, but being loved is a privilege. Every chances of being loved is a gift we should all be thankful for. If we forget this truth, we are running the risk of losing every person we love. If we would always expect someone to love us the way we wanted, we will never be happy. In fact, we will only be happy when we begin to see that every person has the right to love others in his own way.

The next time you feel like demanding from someone you love, remember how your love story began. Remember the feeling. Remember the gratitude. Remember the miracle.

And remember that it is only a privilege!

Questions!

Questions!
(Lk. 19: 45-48)

Bakit second collection lang sa mga simbahan ang ibinigay para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda? Hindi ba pwedeng yung collection sa lahat ng mga misa ay ilaan para sa mga nabiktima na nangangailangan ng pagkain, tubig na maiinom at lugar na matutulugan?

Ginusto kaya ni Hesus na magkaroon ng magagara at magagandang simbahan para sa kaniya? Ginusto kaya niya na ang grupo na kaniyang sinimulan ay gumamit ng mga mamahaling kagamitan? Hinangad kaya niya na siya ay ikulong at sambahin sa loob ng isang estruktura na tinatawag na simbahan? Si Kristo ba ay para lamang sa mga Kristiyano? Pag-aari lang ba siya ng mga Katoliko?

Hindi kaya napapakamot ng ulo si Hesus kapag nakikita niya na ginagamit ang kaniyang pangalan sa mga gawain na kaniyang tinutulan at nilabanan nung siya ay nabubuhay pa? Hindi kaya mapapailing si Hesus kapag nakikita niya na katabi ng malapalasyong simbahan at katedral ay mga taong nakatira sa lansangan at mga taong ang sikmura ay kumakalam?

Bakit kaya pinagtabuyan ni Hesus ang mga nagtitinda sa templo? Sila ba ay nakakagulo sa pagdiriwang ng pag-aalay kaya nagalit sa kanila si Hesus? O nagalit si Hesus kase ginagamit ang templo para sila ay yumaman? Na ginagamit ng mga nagtitinda ang pangalan at kautusan ng Diyos para pahirapan ang mga nasa ibaba ng lipunan at sila naman ang makinabang? Na nagalit si Hesus kase kasabwat ang mga namumuno sa lahat ng ito?

Sabi ni Hesus: “Nasusulat, ‘Magiging bahay dalanginan ang aking bahay, pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!”

Touched

Touched

Si Venicio Riva ay may sakit na neorofibromatosis…, isang uri ng sakit na tumutubo ang mga bukol o mga tumor sa balat. Ilang beses na siyang naoperahan sa puso, sa mata at sa iba pang parte ng katawan. Kumalat na ang mga bukol pati na sa kaniyang mukha kaya naman nakakatakot na ang kaniyang hitsura.

Pero ang mas masakit para sa kaniya ay nilalayuan siya ng mga tao na baka sila ay mahawa sa kaniyang sakit kahit na ito ay hindi nakakahawa. Sabi ng mga doctor ay mabubuhay lamang siya ng hanggang 30years old. Pero nalampasan niya ito at siya ngayon ay 53years old.

Ngayong buwan na ito siya ay dumalaw Pope Francis. Nung makita siya ng Santo Papa nilapitan siya nito at hinagkan. Hindi nandiri si Pope Francis. Hindi rin siya natakot na baka siya ay mahawahan ng sakit nito. Dahil dito laking tuwa ang nadama ni Venicio.

Sabi niya: “It’s like paradise…It was just a minute but for me it is like eternity…”

Si Pope Francis ay naging bahagi ng buhay ni Venicio. Pero hindi lang sa kaniya, si Pope Francis ay nagiging bahagi na ng maraming mga tao, Kristiyano man o may ibang pananampalataya. Sa pagdating ni Pope Francis marami ang nanumbalik sa Simbahan sapagkat nakita nila ang pagsasabuhay ng pananampalataya.

Ang misyon ng isang Kristiyano ay hindi ang magpayaman. Hindi misyon ng sumusunod kay Kristo ang magkaroon ng kapangyarihan. Hindi rin ang katanyagan.

Ang misyon ng tagasunod ni kristo ay ang maging bahagi ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan. Ang misyon ng isang Kristiyano ay ang pagtulong sa mga nangangailangan. Ang misyon ng isang tinawag ni Kristo ay ang pagtanggap at pagmamahal lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Rejection vs. Affirmation

Rejection vs. Affirmation
(Lk. 19: 1-10)

Bakit mas madali ang mamula kesa magbigay ng mga papuri?
Bakit mas madali nating makita ang kapangitan ng ibang tao kesa kanilang kagandahan?

Bakit mas madali na makita ang kapulaan ng ibang tao kesa kanilang kabutihan?

Makit mas madali ang mang-reject kesa magbigay ng pagtanggap?
Si Zakeo bata pa lang ay nakatanggap na ng pangungutaya, pang-aapi, pambu-bully, pangtutukso dahit sa kaniyang kaliitan. Pandak siya. Maliit na tao. Dahil hindi siya tinatanggap gumawa siya ng paraan upang tanggapin siya: nagpayaman siya sa pamamagitan ng pagiging maniningil ng buwis. Umakyat siya sa isang puno upang siya ay mapansin. Ngunit mas lalo siyang di tinanggap ng mga tao dahil siya ay naglilingkod sa hari ng Roma na kalaban ng mga Hudyo.

Dumating si Hesus at tiningala si Zakeo na nasa itaas ng puno. Alam ni Hesus ang pangalan niya. Kilala siya ni Hesus. Nakituloy si Hesus sa bahay nito. Laking katuwaan ang nadama ni Zakeo. Minahal siya ni Hesus. Tinanggap siya ni Hesus. Hindi ang kapintasan niya ang nakita ni Hesus. Hindi ang mga pagkukulang at kasalanan niya ang nakita ni Hesus. Nakita ni Hesus ay isang tao na may kabutihan ng kalooban. Nakita ni Hesus ang isang tao na may potensyal na magbago at magpakabuti.

Ang karanasan ni Zakeo ng pagtanggap mula kay Hesus ay nagbunga ng kabutihan. Nagbago siya. Sabi niya: “Ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian at kung ako ay may nadayang sinuman apat na beses ko siyang babayaran.”

Ganun pala ang nangyayari. Kapag ang karanasan ng isang tao ay mabuti siya din ay nagpapakabuti. Kapag ang isang tao ay tinanggap nakikita din niya ang kagandahan ng ibang tao. Kapag ang isang tao ay nakaranas ng pagmamahal natututo din siyang magmahal.

Piliing tumanggap magmahal…

Bulag

Bulag
(Lk. 18: 35-43)

Mahirap ang maging bulag.

Kapag bulag ka aasa ka sa kabutihan ng iba. Hindi mo magagawa kahit na nga ang mga simpleng bagay. Aasa ka na merong mag-aakay sa iyo. Mahihirapan ka na makakuha ng trabaho. Wala ding papansin sa iyo.

Mahirap ang maging bulag lalo na nung kapanahunan ni Hesus. Naniniwala sila na kapag bulag ang isang tao o kaya ay merong kahit na anong kapansanan siya ay pinaparusahan ng Diyos dahil meron itong nagawang kasalanan. Kung hindi man siya ay ang kaniyang mga magulang ay hindi sumunod sa kalooban ng Diyos kaya nagkaroon siya ng kapansanan.

Pinagaling ni Hesus ang bulag. Pero hindi lamang ang paningin niya ang ibinalik ni Hesus. Siya din ay ibinalik sa pamayanan. Sa kaniyang paggaling makakatayo na muli siya sa kaniyang sariling paa. Dahil sa pananalig niya kaya nangyari ang lahat ng ito.

Kaya nga kung may mabigat kang pinagdadaanan, alalahanin mo na may iba pang tao na mas mabigat ang pinagdadaanan pero patuloy na lumalaban sa buhay. Kung sa akala mo ay mahirap ang buhay mo at hindi mo na kaya at gusto mo ng sumuko, alalahanin mo na may ibang tao na mas mahirap ang kinalalagbayan pero patuloy na nagsisikap na mapunan ang mga pagkukulang.

Katulad ng bulag kailangan nating sumigaw sa pamamagitan ng panalangin at ihayag ang ating mga kahilingan…