Miyerkules, Hulyo 31, 2013

KSP

KSP

KSP ka ba?

Pag nabanggit ang KSP ang pumapasok agad sa isip natin ay Kulang Sa Pansin. Ito daw yung mga tao na gusto lagi ay sila ang bida. Gusto lagi na nasa kanila ang atensyon nang lahat nang tao. At nagagalit sila pag di sila pinapansin. Pero alam nyo ba na may iba pang klase nang KSP?

Tingnan natin:

Kulang Sa Palo: ito yung mga taong alam na mali ay ginagawa pa rin ang isang bagay para sa kanyang sarili.

Kulang Sa Pangaral: ito yung mga taong tila hindi nadisiplina nang mga magulang. Kung nadisiplina man ay lampas sa kabilang tenga ang mga pangaral nang magulang.

Kulang Sa Pakikisama: Mga taong suyuin mo na ay hindi ka pa rin pagbigyan. Ang kanilang mundo lang ang umiiral at wala nang iba pa. Ito yung mga taong ang nais ay sila ang pakibagayan sapagkat ang mundo ang may problema at hindi ang sarili.

Kulang Sa Pagmamahal: ito yung mga taong hindi nakadama nang pagtanggap. Marahil ay naging biktima nang rejections at pambu-bully kaya naman iniisip nila na sila ay hindi katanggap-tanggap. Mismong sarili nila ay hindi matanggap.

Kulang Sa Pera: ito yung mga tao na kahit gaano kalaki ang halaga nang pera na hawak ay wala pa ring kaligayahan. Kahit na nga ang buong mundo ay hindi makakasapat upang lumigaya.

Kulang Sa Paligo: kilala nyo sila. Amuyin nyo ang inyong sarili para malaman ninyo kung kasama kayo sa uri nang KSP na ito.

Kulang Sa Pananampalataya: ito yung mga tao na ang pamantayan ay “to see is to believe.” Mga tao na sarili lang ang pinagtitiwalaan.

In one way or another tayo ay KSP. Meron tayong kakulangan. Di tayo perpekto. Ito yung dahilan kaya tao ay lumalapit sa Diyos. Sa ating puso ay may puwang na ang Diyos lang ang makakapagpuno. Di natin mahahanap sa mundong ito ang magpupuno dito.

Sana kapag nakaranas tayo nang pagiging KSP, kapag nararamdaman natin ang ating mga kakulangan, lumapit tayo sa Diyos at manalangin na punuin tayo nang kanyang pag-ibig.

*May isa pa palang uri ng KSP sabi ng taga Paluan: Kulang-kulang Sa Pacebook! ha ha ha...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento