On Billy and Nikki
On Billy and Nikki
“I need to find myself” (Hahanapin ko muna ang sarili ko). Ito ang
sinabi ni Billy tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Nikki. Matagal na
silang magkasama, marami na silang pinagdaanan, at mahal nila ang
isa’t-isa. Pero bakit nga ba sa kabila ng mga ito ay sa hiwalayan mauuwi
ang lahat.
Maraming pakahulugan ang mga salitang “hahanapin ko
muna ang sarili ko.” Naalala ko sa mga hinuhubog sa seminaryo ito rin
ang tema ng tungkol sa paglago, ang kilalanin ang sarili. Kailangang
maging mabuting tao muna bago isipin ang pagiging pari. Ang sabi ng ni
Socrates: “an unexamined life is not worth living.”
Ang
paghahanap ng sarili ay di lamang isang existential question, ito rin ay
isang religious question. Sa puso kase natin ay may puwang na Diyos
lamang ang makakapuno. Kadalasan hinahanap natin ang pupuno sa puwang na
ito sa maraming bagay dito sa mundo: kayamanan, kasikatan,
kapangyarihan.
Kahit na nga ang relasyon natin ay sinusubukan
nating ipampuno sa puwang na ito. Kapag nagmamahal akala natin ay iyon
na ang lahat. Dito na umiikot ang mundo natin. Wala ng ibang kailangan.
Pero hindi iyon makakasapat. May mga oras na tila sapat na at kumpleto
ang buhay kapag nakasama na ang minamahal. Pero tandaan natin na ang
damdamin ay lumilipas. Ang puwang na ito ay Diyos lamang ang makapupuno.
Pakiramdam natin ay may hinahanap tayo na hindi natin maintindihan.
Maaaring nasa iyo na ang lahat pero wala pa ring kasiyahan kung meron
man ay pansamantala lang. Ang Diyos kase ang hinhanap ng ating puso.
Minsan sa buhay kailangan munang lumayo upang maintindihan ang
nangyayari. Naalala ko yung sinabi ni Bishop Ben Famadico: “Pag pumunta
ka daw sa isang parang at makakita ka ng magandang lawa, doon na
matotoon ang pansin mo. Ang iyong atensyon ay doon mo na ilalaan. At
dahil dito hindi mo na mapapansin na ang magandang lawa ay bahagi ng
isang magandang kaparangan. Kailangang lumayo sa lawa upang makita ang
kaugnayan nito sa kabuuan.”
Ganito din sa buhay. Minsan
kailangan lumayo, kailangang ng “space,” kailangan na manahimik upang
mas lalong malaman ang tunay na nangyayari at kung saan patutungo ang
isang paglalakbay. Masakit man ang paglayo pero hindi ibig sabihin nito
ay nagbago na ang nararamdaman. Maaaring pa ngang ito ay makakabuti sa
isa’t-isa, isang pamamaraan ng pagpapakita ng tunay na pagmamahal.
Pero hwag mag-alala. Sabi nga ng Bread: “Saying goodbye doesn’t mean forever…doesn’t mean we’ll never be together again.”
Hanggang dito na lang muna…hanapin ko muna ang sarili ko!
*Nauna pang magsulat tungkol sa hiwalayang Billy at Nikki kesa sa World Youth Day…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento