Church of the Poor
Noong sabado isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer ang isinulat
ni Artemio Panganiban tungkol sa Simbahan bilang Church of the Poor. Sa
pagkakatong ito nais ko namang sundan ang mga kaisipan ni Guztavo
Gutierrez tungkol dito sa kanyang sinulat na Povery: Solidarity and
Protest.
Mayroong tatlong pakahulugan ang salitang kahirapan. Una, ito ay tumutukoy sa kalagayang mateyal.
Kapag hindi napupunan ang mga pangangailangan ng isang tao at ng
kanyang pamilya siya ay itinuturing na mahirap. Sila yung mga nasa
laylayan ng lipunan na walang wala at ang mga pangunahing kailangan
upang mabuhay ng marangal ay hindi masolusyunan. Sila yung ang buhay ay
hindi buhay tao sapagkat ang kanilang kalagayan ay katulad ng sa hayop.
Ikalawa, maaaring ito ay tumukoy din sa kahirapang espiritwal. Ito
naman ay tungkol sa pamumuhay na hindi nakasalalay sa kayamanan. Ito
yung mga tao na hindi attach sa kayamanan, malaya nilang maibibigay ang
mga bagay na nasa kanila. Sa pagtingin na ganito, ang isang maraming
pag-aari ay pwedeng magkaroon ng pusong mahirap at ang mga taong
nangangailangan ay pwedeng maging mayaman sa kanilang puso.
Ang
ikatlong uri ay yung kahirapan bilang isang desisyon. Ito yung mga tao
na iniwan ang kamanan at pinili na maging ang buhay ay payak at hindi
nakayakap sa kayamanan. Ito yung mga tao na nanumpa na magiging mahirap.
Pero ano nga ba dito ang tunay na pakahulugan kapag sinabing Church of the Poor?
Ang kahirapan ay sentrong tema sa Bibliya. Isa itong iskandalong
sitwasyon sapagkat ito ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Katunayan
ang mga propeta ay tumuligsa sa mga namumuno na siyang dahilan kung
bakit may mga naghihirap. Ang kahirapan ay hindi isang kapalaran; ito ay
bunga ng kasakiman ng mga taong nasa kapangyarihan. Ang mga mahihirap
ay mga biktima ng mga swapang na nasa itaas ng lipunan.
Ayaw ng
Diyos na maghirap ang kanyang nilikha. Ito ay hindi naaayon sa turo ni
Moises…pinalaya ng Diyos ang kanyang bayan sa kaalipinan mula sa Egipto
sa pangunguna ni Moises. Ito rin ay hindi naaayon sa dangal ng tao
sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na kanyang kawangis. Ang kahirapan ay
ang kawalan ng pagmamahal.
Hindi nais ng Diyos na ang bawat isa
ay maghirap. Gusto ng Diyos na ang lahat ay masaya at walang naiiwan.
Kaya nga yung mga unang kristiyano kanilang ipinagbili ang mga sobra
nilang pag-aari at ito ay tinitipon upang ipamahagi sa mga
nangangailangan. Ang dahilan kung bakit niyayakap ang kahirapan ay
sapagkat merong dapat na tulungan.
“Christian poverty is not a
question of idealizing poverty, but on the contrary of taking it on as
it is – an evil – to protest against it and to struggle to abolish it."
*Bakit nga ba di binanggit ni Pnoy ang tungkol sa pork barrel?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento