Travel Light
(Lk. 10: 1-12)
Minsan noong bata pa ako ay dumayo kami nang kabilang bayan para sa
kasalan nang pinsan ko. Meron pa kaming owner type jeep nun. Pagkatapos
nang kasalan ay may mga naki-hitch sa amin pauwi. Ayos lang sana ang
paglalakbay pero nang sa parting pataas na ang kalsada at may paliko pa,
nahirapan na ito at tuluyang tumigil.
Sabi nang tatay ko ay bumaba daw muna kami. Ganun
nga ang ginawa naming. Pagkababa nang sasakyan ay bumuwelo at tuluyang
nalampasan ang pataas na daan. Masyado palang mabigat ang sakay kaya
nahirapang umakyat…
Ganun din pala ang buhay. Kapag masyadong mabigat ang mga bitbitin ay mahirap ang paglalakbay.
Kaya nga sinabi ni Hesus sa mga isinusugo niya na: “Hwag kayong magdala
ng pitaka, bag o mga sandalyas.” Sa unang pagtingin tila kailangan ang
mga ito sa paglalakbay. Pero ito ang nagiging hadlang para sa isang tao
upang maging makabuluhan ang paglalakabay.
Kapag may kayamanan,
nagiging distraction ito sapagkat ang magiging laging nasa isip ay kung
paanong mapapangalagaan ito at kung paano ito mapapalago. Tingnan natin
ang isang tao: kapag maraming celfone ay marami ding lalagyan nang
load. Di na rin alam kung alin ang unang sasagutin. Dagdagan pa nang
pag-pe-facebook at paglalaro nang candy crush! Wala na tuloy panahon sa
pamilya…
Kasama na din sa nagpapabigat sa atin ay yung mga
negatives natin: Insecurities, sama nang loob, galit, ayaw magpatawad,
kasamaan nang ugali, pagiging makasarili...
Pero ang hamon din
ay sa ating lahat. Meron pala tayong responsibilidad para mabuhay ang
mga tagapagdala nang Mabuting Balita. Dapat pala ay inaalagaan din sila.
Hindi rin pala sila dapat na pinababayaan kase sila ay kasama na sa mga
endangered species. Kaya nga paalala din ni Hesus: “Marami ang aanihin
at kakaunti naman ang mga mangagawa. Idalangin n’yo sa Panginoon na
magpadala siya nang mga mangagawa sa kanyang ani.”
Maglalakbay ka ba? Travel light. Pagaanin ang buhay. Hwag pahirapan ang sarili…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento