The Problem of Evil
(Mt. 13: 24-30)
Ang isa sa pinakamalaking isyu na kinailangang harapin ng pilosopiya at
ng relihiyon ay ang tungkol sa kasamaan (evil). Bakit nga ba may
kasamaan sa mundo? Ilan sa mga halimbawa nito ay masasalamin natin sa
mga katanungan na: bakit may paghihirap? Bakit may karamdaman? Bakit may
kamatayan?
Kung ikakahon natin ang kasamaan at kung bibigyan natin ito ng kahulugan
ito ay ang kawalan ng kagandahan (absence of good). Hindi pag-iral ang
kasamaan, ito ay ang kakapusan ng kagandahan na sana ay matatagpuan.
Halimbawa: ang kahirapan ay kawalan ng kayamanan na sana ay nandun; ang
karamdaman ay ang kawalan o kakulangan ng tamang kalusugan; ang
kamatayan ay ang kawalan ng buhay.
Pero bakit nga ba may
kasamaan sa mundo? Kung ang Diyos ay perpekto at purong kabutihan, bakit
nakakaranas ang kanyang nilika ng kakulangan at kawalan ng kabutihan?
Ito ay sinasagot ng Mabuting Balita. Ang nilikha ay parang isang
taniman. Tinaniman ng mabuting punla pero may mga tumubong mga damo.
Hinayaan muna na sabay na tumubo pero sa panahon ng animan ay doon
ihihiwalay. Hinayaan na sabay na mabuhay upang maiwasang madamay ang
tanim kung ang mga damo ay puputulin.
Yun pala ang dahilan kung
bakit merong kasamaan. Hindi gawa ng Diyos ang kasamaan. Pero
hinahayaan niya ito sapagkat meron siyang magandang plano. Mula sa
kasamaan ay merong magandang susuhay dito. Mula sa kakulangan ng
kagandahan ay may kabutihang bubukal.
Kaya nga hwag na magmukmok. Sabi nga ni Kikay: “When the wrong people leave your life, the right things start happening.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento