Linggo, Hulyo 28, 2013

Cramming

Cramming
(Paggunita kay Santa Marta)

“We talk of time while time quietly kills us.”

Last week, pinlano ko na ang mga gagawin ko para sa buong lingo. Maglilinis ng kwarto. Mag-aayos ng mga libro. Mag-e-edit ng mga articles. Mag-che-check ng mga exams ng mga estudayante. Maghahanda ng lessons. Inisip ko pagdating ng lingo ng gabi ay relax na lang ako.
Pero yung mga plano ko ay hindi nangyari. Kalat pa din ang mga libro. Madumi pa din ang kwarto. Walang nagbago sa mga article. Lunes na bukas ay hindi pa handa ang lessons para sa mga estudyante. Cramming na naman.

“We talk of killing time while time quietly kills us.”

Sabi ni Marta sa Mabuting Balita: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko.” Masasalamin natin dito ang papel ng oras sa isang buhay. Ang totoo nun ay hindi naman talaga umiiral ang oras. Ang oras ay pamamaraan natin upang sukatin an gating paggalaw. Ito ay isang istrumento upang tukuyin ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Ang ating paggalaw ang nagbibigay ng laman sa oras.

Pero sa paggalaw na ito sana ay masalamin kung gaano kahalaga na maintindihan nating ang paggalaw ng Diyos. Si Marta ay maituturing na isang taong laging abala. Maraming alalahanin sa buhay. Hindi pwedeng tumigil. Kailangang magtrabaho. Pero alam niya kung gaano kahalaga ang presensya ni Hesus sa buhay ng bawat isa. Si Hesus pala ay kailangan sa bawat oras.

“We talk of killing time while time quietly kills us.”

Hindi natin kayang ibalik ang nakaraan pero pwede tayong matuto dito. Wala pa ang kinabukasan pero pwede nating gamitin itong gabay sa ating paglalakbay. Ang meron ay ang ngayon na dapat na ituring na mahalaga.

I talk of killing time while time quietly kills me!

*Tama na muna ang fb, work naman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento