Luma
(Mt. 13: 54-58)
Bago ba ang celfone mo? May bago ka bang gadgets?
Nakakatuwa ang ugali natin kapag bago ang celfone o sa kung anumang
gadgets. Dahil bago ito at wala pang gasgas, iniingatan natin ito. Hindi
basta basta inilalapag lamang, dapat ay dahan dahan. Hindi basta basta
ginagamit lang, dapat ay malumanay kung pipindutin. Hindi sa kung saan
lang iniiwan, dapat ay sa lugar na “safe” ito.
Hindi rin basta basta ipinagagamit sa iba, hanggat maaari ay di
ipapahiram at kung ipapahiram ay magbibilin pa na ingatang mabuti.
Pero pagkalipas ng ilang panahon iba na. Kapag luma na kung saan saan
na lang inilalagay. Pagka nagsawa na sa celfone ibinabagsak na lang.
Madali na din itong ipahiram sa mga nanghihiram. Kahit pa magasgasan ay
okei lang…
Bakit nga gayun? Kase matagal ng ginagamit, naging pamilyar na sa gamit…
Ganun din daw sa tao. Pag pamilyar tayo sa isang tao marami tayong mga
prejudices. Hinuhusgahan na ntin siya base sa kanyang nakaraan.
Ikinukulong na natin siya sa ating mga kaisipan na ang kanyang
pinanggalingan ang dahilan.
Tingnan natin si Hesus. Dahil
pamilyar sa kanya ang mga tao sa sariling bayan hindi siya pinaniwalaan.
Pinagdudahan siya. Sabi nila: “Hindi ba’t siya ang anak ng karpentero?”
Hindi sila makapaniwala na ang isang galing sa kanila ay makagagawa ng
mga himala. Hindi maabot ng kanilang pang-unawa ang katotohanan na
nakakapagpagaling siya ng mga karamdaman. Hindi nila matanggap na ang
isang galing sa kanila ay magtuturo sa kanila.
Isa itong hamon
sa atin sa panahon ngayon. Ang ating tinitingnan dapat ay ang sinasabi
at ginagawa ng isang tao. At sana sa ating paglapit at lubusang
pagkakilala kay Hesus, mas lalo natin siyang pinakikinggan at
isinasabuhay ang kanyang mga turo. At higit sa lahat hwag nating
husgahan ang ibang tao.
*Got a new celfone and therefore a new number... and a new profile picture...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento