Teng
(Mt. 10: 1-7)
Nakakatuwa yung ibang mga friends ko na noon pa. Hanggang ngayon ay
tinatawag pa rin nila akong Teng. Saan nagsimula yun? Nagsimula yun
noong sumikat sa telenobela ang Captain Barbell. Ang pangalan nang bida
ay Teng. Naging paborito ko yung panoorin nung bakasyon kase pag-uwi ko
sa bahay ay wala akong magawa sapagkat yun ang pinapanood nila nanay at
wala akong magawa kundi makipanood na din.
Kaya nga nung pasukan na at bumalik ako nang Tagaytay ay sinubaybayan
ko pa din. Nahawa pa ang ibang mga kasama ko. Inabangan na din nila ito.
Pati nga mga formators ay nakigaya na din. Yun nga lang noong huling
palabas nito ay di ko napanood kase recollection namin. Pero ang mga
formators kasama na ang ibang Monicas ay pinanood nila. Nakibalita na
lang ako kung anong naging wakas.
Magmula noon tinawag na nila akong Teng.
Sa Mabuting Balita ngayon ay isinalaysay ang mga pangalan nang mga
alagad ni Hesus. Ang totoo nyan ay iba’t-ibang background ang kanilang
pinagmulan, iba’t-iba ang kanilang mga ugali at paniniwala. Nandyan si
Mateo na tagasingil ng buwis na kaaway naman nang mga makabayan na
katulad ni Simon. Nandyan si Judas na nagkanulo kay Hesus. Si Pedro ay
ilang ulit na itinatwa si Hesus.
Magkakaiba man sila, isa naman
ang mahalaga. Naging iisa sila sa pamamagitan ni Hesus. Dahil kay
Hesus, ang mga pangalan na nabanggit ay nagkasama-sama sa iisang
layunin: ang sumunod kay Hesus. Dahil kay Hesus, ang mga taong nasa
likod nang mga pangalan, magkakaiba man at may kanya-kanyang
personalidad, ay naging buo sa pagtugon sa panawagan na sumunod.
Ang gusto pala ni Hesus ay maging isa lahat. Kaya nga relihiyon na ang
layunin ay mag-ipon, doon nananatili ang Espiritu ni Kristo. At ang tao
na nagdudulot nang division ay hiwalay din kay Kristo.
Tayo din
iba-iba ang pangalan at iba’t-iba din ang mga pinagdaanan, iba-iba ang
background. May kanya-kanya tayong ugali, kanya-kanyang gawi. May
sari-sarili tayong pagtingin sa mga bagay-bagay at sari-sariling
reaksyon sa mga ito. Gayun pa man, sana ay maging iisa tayo kay Kristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento