Hu U?
(Mt. 13: 1-9)
Hu u?
Without your make-up, sino ka?
Without your expensive and signature clothes, sino ka?
Without your jewelries and ornaments on your body, sino ka?
Without your pricey car, sino ka?
Without your luxurious iphone, your classy gadgets, sino ka?
Without your beatufiful/handsome face, sino ka?
Without your famousness, sino ka?
Without your money and wealth, sino ka?
Without your title and power, sino ka?
Without your status, sino ka?
Without your achievements, sino ka?
Funny but we identify our very self with these things!
Pero sino ka nga ba pag tinanggal lahat ng palamuti na ito sa iyo?
Ang talinhaga ng Maghahasik ay tungkol sa kung sino talaga tayo.
Nagiging mabunga ang buto kung ito ay matatanim sa matabang lupa.
Susuhay ito at magbibigay ng maraming biyaya. Ganun din sa buhay.
Nagtanim na si Heus ng mga punla sa ating mga puso. Binigyan tayo ng
kakayahan na makinig. Ang tanong nga lamang ay ano ang ginagawa natin
matapos ang lahat ng ito.
Sabi ni Hesus: “Ang may pandinig ay
makinig.” Hindi dapat tinatakpan ang tenga sa mga salitang tumutukoy sa
sariling pagkatao. Hindi dapat na ipinipikit ang mga mata sa mga
katotohanan na nagpapakilala nang totoong ikaw. Ang puso din ay may
kakayahang makinig. Sa pusong ito dapat manahan ang salita ng kabutihan
upang lubos itong mapakinabangan.
Sa matabang puso na bukas sa
pagbabago magkakaroon ng kaganapan ang plano ng Diyos na paglago ng
kanyang kaharian. Sa pamamagitan lamang ng pag-uugnay natin sa biyaya ng
Diyos sa kung anong meron tayo magkakaroon ng kabuluhan ang lahat ng
ito.
At pagkatapos makinig, magandang tanungin: sino ka nga ba?
Hu u?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento