Untitled 03
(Mt. 12: 46-50)
Mahalaga ang pamilya para sa atin. Katunayan nyan ay ang pamilya ang unang isinasaalang-alang sa lahat ng bagay.
Marami ang nangingibang bansa upang buhayin ang pamilya. Kung saan
maninirahan, ang isinasaalang-alang ay kung ano ang mabuti sa
pamilya.Kung saan mag-aaral ang mga anak, tinitimbang muna kung anong
magaan para sa pamilya. Kapag magpapakasal, tinatanong din ang mga reaksyon ng pamilya. Kapag gagawa ng desisyon sa buhay, ang iniisip agad ay ang pamilya.
Ang pamilya kase ang ating sandalan sa lahat ng bagay. Itakwil man tayo
ng mundo, sa pamilya pa rin tayo tatakbo. Dito kase natin unang
naramdaman ang pagtanggap. Dito kase natin unang naranasan ang
pagmamahal.
Pero meron pa palang mataas ng pagpapahalaga sa
pamilya: ito ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sabi ni Hesus: “Ang
nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa langit aking ina at mga
kapatid.”
Mataas ang tingin ng mga Hudyo sa kanilang sarili.
Sila kase ay mula sa angkan ni Abraham at sila ang piniling bayan ng
Diyos. Para sa kanila, sila lamang ang kilala ng Diyos. Dahil dito,
mababa ang tingin nila sa hindi nila kalahi. Ang paniniwalang ito ay
binabangga ni Hesus! Para kay Hesus, ang batayan ng pagiging pamilya ng
Diyos ay hindi ang lahi na pinanggalingan kundi ang pagsunod sa kanyang
kalooban.
Sa Lumang Tipan alam natin ang kwento ni Abraham na
pinili na sundin ang hinihingi ni Yahweh na ialay ang kanyang anak. Sa
bagong Tipan nanjan naman si Maria na sumagot ng oo sa plano ng Diyos.
At nandiyan si Hesus na nagsabi. “Not my will Father but your will be
done.”
Sana alamin lagi natin at sundin ang kalooban ng Diyos para sa atin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento