Be Careful
(Mt. 12: 14-21)
Isang tagpo sa telenobela Be Careful With My Heart: Dumating ang
parents ni Ser Chief at makakatagpo ulit si Maya. Kailangang mag-prepare
si Maya. Sabi ng kaibigan niyang si Eman ay dapat na maging bongga siya
upang ma-impress ang parents ni Ser Chief. Pero sabi ni Maya: “Hindi
yun kailangan, nagbago lang ang status ko, hindi ang pagkatao ko.” Yan
si Maya…
Sa totoong buhay kaya maraming pa rin kayang katulad niya?
Si Hesus ay ipinadala ng Ama. “Hindi siya makikipagtalo o sisigaw,
hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang tinig. Hindi niya babaliin
ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi siya
titigil hanggang magwagi ang katarungan.”
Marami tayong alam na
kwento: umangat lang ng kaunti ang paa sa lupa ay nag-iba na ang ugali;
pinagkatiwalaan lang ni boss ay naging bossy na din; malayo lang ang
narating ay tila malayo na din sa dating pagkatao; binigyan ng
kapangyarihan pero sila na ang naging batas; nagkaroon lang ng titulo ay
lumaki na ang ulo!
Be careful sa mga successes at achievements
na nararating mo, baka baguhin niyan ang iyong pagkatao, at sa huli ay
di mo na kilala ang sarili mo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento