Poker Face
(Mt. 11: 20-24)
Indifference…lack of interest, care or concern!
May naalala akong kwento. Nagpatawag ng meting ang isang water cooperative para pag-usapan ang mga pagbabago. Iilan lang ang dumalo. Nag-isip sila kung papaano mapapadalo ang mga members. Ang naisip nila ay magpa-raffle. Ayun… Nung nalaman ng mga members yun, marami ang pumunta. Hindi dahil sa interesado sila sa meting kundi doon sa pwede nilang mapanalunan.
Bakit nga ba ganun? Sa maraming beses indifferent tayo sa mga nangyayari. Wala tayong pakialam. Wala tayong ginagawa. Wala tayong reaksyon.
Sa Mabuting Balita, sinasabi dito ang naging reksyon ni Hesus tungkol sa mga bayan ng Corazain at Betsaida. Sinasabi na maraming kababalaghan ang ginawa ni Hesus sa mga lugar na ito. Gayun pa man ay walang pagbabago sa kanila. At ito ang naging malaking kasalanan nila.
Hindi naman nila ipinagtabuyan si Hesus. Hindi rin nila ginawan ng masama si Hesus. Wala naman silang ginawa. Pero ito ang naging pagkakamali nila. Wala silang ginawa. Kasalanan ang pagiging walang pakialam. Nagpakita ng mga tanda si Hesus pero walang pagbabago sa kanila. Di sila nagbagong-buhay.
Di pwedeng wala tayong pakialam. Hindi dahil sa komportable na tayo sa buhay natin at di tayo naaapektuhan ay tatahimik na lang tayo. Hindi porke masaya tayo sa buhay natin ay pababayaan na natin ang iba.
Nawa ay maging daan tayo ng pagbabago!
Bakit Poker Face ang title? Di ko rin alam..

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento