Miyerkules, Hulyo 10, 2013

Tinik

Tinik
(Circa 2013)

Minsan ay naghahapunan kami at sarap nang kain naming dahil isda ang ulam. Pero natinik ako. Tigil ang sarap na pagkain. Sabi nung kasama kong kumakain ay lumunok daw ako nang isang pitak na kanin pero hwag ko yung ngunguyain. Gaun nga ang aking ginawa. Hindi umubra, andun pa din sa lalamunan ko ang tinik. Uminom ako nang maraming tubig pero wala pa ding epekto. Humarap ako sa salamin at nakita ko sa lalamunan ko ang tinik. Hindi ko rin maalis sapagkat medyo malalim ito. Itinulog ko na lang sa paniniwalang kinabukasan ay wala na ito.

Pagkagising andun pa rin ang tinik. May misa nang alas sais. Kumain ako nang saging at nilunok nang walang nguya nguya. Pero makulit ang tinik. Ayaw umalis. Minadali ko na lang ang misa kase kahit sa pagsasalita ay masakit pa din. Pagkatapos nun ay itinulog ko ulit. Paggising ko ay andun pa rin. Kumuha na ako nang cotton buds at aking sinundot. Kahit nasusuka dahil sa paglapat nang cotton buds sa lalamunan ay aking tiniis para ito ay maalis. Sa wakas naalis din ang tinik.

Ganito din pala sa buhay. Ang mga problema ay hindi dapat na tinatakasan. Ang mga pasanin ay hindi dapat na iniiwasan. Ang mga isyu sa sarili ay dapat na hinaharap. Ang mga responsibilidad ay dapat na di tinatalikuran. Ang mga pagsubok ay di dapat na tinatakbuhan. Ang mga pangako ay dapat na di kinakalimutan.

Kapag tinulugan lang natin ang mga ito, paggising natin ay baka nandyan pa rin. Pag hindi natin binigyan nang pansin ay baka lalo itong bumigat at sa huli ay sarili ay mas lalong mahirapan. Hindi kase natin kayang takasan ang mga sariling isyu kahit na lumayo tayo. May mga bagay na kahit anong gawin ay nananatili pa rin kase sariling buhay ang pinag-uusapan.

Marami ka bang isyu at pasanin na nagiging tinik sa iyong lalamunan at nagpapahirap sa iyo? Hwag takasan. Harapin ito at solusyunan.

Tandaan: Ang tinik ay para na sa mga pusa at aso, hindi na para sa iyong tao!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento