Dalaw
(Lk. 1:39-56)
May dalaw ka ba? May bisita ka ba?
Kapag may dumadalaw sa atin siguradong busy tayo sa paghahanda.
Ihahanda ang bahay. Maglilinis. Maghahanda nang masasarap na pagkain.
Minsan pa nga nangungutang para sa bisita. Ilalabas ang pang-malakasang
mga kutsara, tinedor at plato na nakatago. Kapag ilang araw mananatili
ang bisita, sa sariling kwarto pa patutuluyin. Magtitiis sa sala matutulog
ang pamilya samantalang ang mga bisita at sa aircon o dili kaya ay sa
may electric fan na kwarto patutulugin. Kahit na nga ang mga itinatagong
mga unan, punda, kumot at iba pa ay ilalabas at ipapagamit sa
dumadalaw.
Minsan may dinalaw kaming katutubo. At dahil minsan
lang kami makadalaw doon ay ipinagpatay kami nang native na manok. Nung
nakahayin na, sabi nung katutubo: “Pasensya nap o kayo sa ulam. Wala po
kasi ditong mabilhan nang ulam na nasa lata.” Wow…pasensya pa daw eh ang
sarap sarap na nang paulam niya….
Ganyan tayong mga Pilipino. Gusto
natin espesyal ang maranasan nang dumadalaw sa atin lalo na nga yung
mga kamag-anak o kaibigan na mula sa malayong lugar at minsan lang
makapasyal.
Si Maria ay dumalaw din. Binisita niya ang kanyang
pinsang si Elizabeth na noon ay nagdadalang-tao. Pero hindi katulad nang
karanasan nang mga bisita ngayon, si Maria ay siyang naglingkod.
Mahirap ang magdalang-tao lalo na nung kapanahunang iyon. Walang
ospital at mga doctor na pwedeng mag-check-up. At mahirap din ang buhay
nila. Alam ito ni Maria kaya naman siya na ang nagkusa at nag-alok nang
tulong. Malayo ang kanyang nilakbay para marating ang tahanan ni
Elizabeth pero hindi ito naging hadlang sapagkat gusto niyang
maglingkod. Nanatili siya roon at tinutlungan ang kanyang pinsan
hanggang sa ito ay makapanganak.
Ganito si Maria. Siya ang
napiling maging Ina nang tagapagligtas pero siya pa ang naglilingkod.
Kaya nga hindi kataka-taka na si Hesus ay sumunod sa yapak ni Maria na
ang iniisip ay kung anong mabuti sa iba.
Tularan natin si
Maria. Tayo na ang magkusang tumulong sa nangangailangan. Hwag na nating
hintayin na humingi nang tulong sa atin ang iba…
NB. Hwag mo nang hintayinna hingan ka nang buhay sa candy crush. Magkusa ka na na magbigay... :P
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento