Facebook Express
Facebook Express
Nakakatuwa ang facebook. Sari-sari ang mga naka-post. Merong masayang
post, merong nagpapatawa, merong malungkot na post, merong galit, merong
nagyayabang, merong nag-eemote…pero meron ding wala lang, basta lang
may mai-post, masabi lang na may post…(kaya kahit recipe ipinost na
din!)
May mga nagpo-post na ang mensahe ay para sa lahat pero
meron din namang post na mensahe para sa isang tao. Pero bakit ng ba
kailangan pang mag-post? Bakit kailanganga isigaw pa sa
sangka-internitan ang mga nangyayari o nararamdaman?
Para
kanino ang post? Para sa ibang tao. Inilalagay sa facebook para
maiparating ang kung ano man ang message nya na gustong sabihin sa isang
tao. Ang totoo nyan pwede naman natin i-PM ang tao o mga taong gusto
nating sabihan pero pinipili pa rin na sa status ilagay marahil ay
sapagkat hindi kayang sabihin nang direkta sa tao. Walang lakas nang
loob o kaya ay nahihiya kahit one text or one click away ang isang tao.
Pero minsan naisip ko din na ang facebook ang makabagong pamamaraan nang
tsismisan! (ehemmm…) Sabi nang lola ko chat daw ang translation nang
salitang tsismis…
Inilalagay natin sa facebook para makahanap
nang kakampi o kaya ay mga taong makaka-identify sa ating nararamdaman.
Gusto kase natin meron tayong kasama sa kung ano man ang ating
nararamdaman.( Kaya nga tuwang tuwa tayo kapag ang daming likes…) Sa
ganitong sitwasyon para na din nating isinisigaw na tayo ay tama at
dapat na kampihan. Pero minsan hindi rin ito maganda sapagkat may mga
pagkakataon na ina-affirm natin ang ibang tao kahit na hindi natin alam
ang totoong pangyayari sapagkat ang atin lamang nalaman ay ang damdamin
nang isang tao.
Pero minsan nagpo-post din ang isang tayo nang
message nya para sa kanyang sarili. Di ko rin maintindihan kung bakit.
Siguro para hindi mapagkamalang maluwag ang turnilyo kapag may nakakita
na kinakausap ang sarili. Hirap kayang kausapin nang sarili…subukan mo
kaya.
Kaya nga kapag magpo-post sa facebook isipin muna kung
bakit ipo-post. Public ba or for friends only? Kailangan ba talagang sa
fb? May interesado ba sa iyong post? Baka naman pampasikip lang nang
web?
And now for the million dollar question: Bakit ko ipinost ito? Wala lang magawa…ha ha ha, :P (trans. may mai-post lang)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento