‘Til the End
(Jn. 16: 12-15)
Noong 1992 Barcelona Olympics, si Derek Anthony Redmond, isang British,
ay sumali sa sa 400 meter dash. Nakapasok siya sa semi-final at nung
siya ay tumakbo na at malapit na sa finish line, nagkaroon siya nang
injury sa hamstring. Siya ay bumagsak. Nilapitan siya nang mga may dala
nang stretcher upang siya ay buhatin pero hindi siya pumayag. Gusto
niyang tapusin ang karera. Nakita siya
nang kanyang ama na si Jim na nanonood sa gilid nang palaruan.
Nilampasan nang ama niya ang mga gwardiya at lumapit kay Derek. Inakay
niya ang kanyang anak hanggang sa makarating sa finish line. Nagtayuan
ang mga taong nakasaksi at nagpalakpakan dahil sa kanilang nasaksihan.
Tinapos nilang mag-ama ang karera…
Si Hesus ay bumalik na sa
Diyos Ama pero meron naman siyang ipinadala na aalalay at gagabay sa
atin. Ipinadala ni Hesus ang Banal na Espiritu upang matapos natin ang
ating paglalakbay pabalik sa Ama. Ang kailangan lang natin ay maging
matatag tayo at bumangon kapag nadadapa. Hwag din mag-alala sapagkat may
aalalay sa ating paglalakbay, ang Banal na Espiritu…
Hwag sumuko…Hwag bibitiw...Tuloy ang laban! Hanggang sa huli…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento