Puso ni Nanay
Ilang beses ko nang narinig ito. Bakit wala tayong ginagamit salita
upang tukuyin ang magulang na namatayan nang kanyang anak? Kapag
namatayan nang asawa ang tawag natin ay balo. Pag namatayan nang
magulang ang tawag ay ulila. Pero walang tawag sa magulang na namatayan
nang anak. Bakit nga kaya?
Ang sabi nila wala daw term na pwedeng gamitin sa magulang na namatayan nang anak sapagkat
hindi kayang ipaliwanang ang sakit na nararamdaman nang magulang sa
sandaling pumanaw ang anak. Naging normal na sa atin na ang mga anak ang
maglilibing sa magulang at hindi ang magulang ang maglilibing sa anak.
Kaya nga sa mga pagkakataon na may sakit ang anak, gusto nang magulang
na kung pwede nga lang ay sila na ang ang may sakit. Kung pwede nga lang
na ibigay nila ang sariling buhay upang madugsungan kahit kaunti ang
buhay nang kanilang anak.
Noong 1861 isang bata ang ipinanganak
sa Calamba, Laguna, isang batang lalaki. Pampito siya sa magkakapatid.
Bata pa lang ang kanyang anak na ito ay tinuruan na nang kanyang nanay
nang abakada. Inalagaan at tinuruan siya nang kanyang nanay. Pinag-aral
sa eskwelahan at naging napakatalino. Nang tumanda nang ang nanay niya
ay nagkaproblema ito sa mata kaya nga ang anak niyang ito ay
nagpakadalubhasa sa panggagamot sa mata at ang kanyang ina ay inoperahan
upang malinaw na makakita. Ang nanay na ito ay si Teodora Alonzo at ang
kanyang anak ay si Jose Rizal.
Dagdag na kaalaman pa. Ang
nanay ni Rizal ay nakulong nang mahigit dalawang taon dahil sa bintang
na panglalason sa asawa nang kanyang kapatid pero siya ay napawalang
sala din. Siya din ay pinaglakad nang mahigit 50 kilometers dahil ayaw
niyang gamitin ang apelyedong Kastila na ibinibigay sa kanila. Buhay pa
siya nang barilin ang kanyang anak na si hesus. Nasaksihan din niya ang
deklarasyon ang pagtatayo nang monumento ni Rizal. Ang dami niyang
sakripisyo. Pero nagawa niya ito sapagkat siya ay may pusong ina.
Alalahanin natin ang mga ina. Salamat sa mga may pusong ina…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento