Uwian Na!
(Jn. 16: 5-11)
Napansin nyo po ba na yung mga bata habang sila ay papasok sa paaralan
sila ay naglalakad pero kapag uwian na sila ay tumatakbo? Ang dahilan
nito ay sapagkat ang mga batang ito ay masaya na sila ay uuwi na sa
kanilang tahanan.
Lahat tayo naghahangad na pagkatapos nang
maghapon ay meron tayong tahanan na mauuwian. Hindi lamang bahay ang
ating hinahanap. Ang gusto natin ay yung mga taong kasama natin sa bahay. Ang totoo nyan ay sila ang nagpapaligaya sa atin kaya gusto nating umuwi.
Si Hesus pagkatapos nang kanyang misyon sa mundo ay uuwi na din sa
kaharian nang Diyos. Hindi ito madali para sa mga alagad sapagkat
nakasandal na sila kay Hesus para sa mga gawain. Pero ang sabi ni Hesus:
“…makabubuti sa inyong umalis ako sapagkat kung hindi ako aalis, hindi
makakarating sa inyo ang Tagapagtanggol.” Babalik pala siya sa Ama upang
isugo ang banal na Espiritu na gagabay sa mga alagad upang sila din ay
makabalik sa Ama.
Pagod ka na ba sa buhay mo? Di mo ba alam
kung saan ka pupunta? Nalilito ka ba kung anong gusto mong mangyari sa
buhay mo? Naghahanap ka ba nang kapahingahan?
Magpaakay sa Banal na Espiritu. Magbalik ka na sa Ama. Hinihintay ka na niya…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento