Happy Mothers Day
(Jn. 16: 16-20)
Happy Mothers Day na ilang araw na lang. Pero alam nyo po ba na ang isa
sa pinakamahirap na pinapagdaanan nang isang ina ay ang paglilihi at
panganganak? Alam nang mga magulang iyan na mahirap ang maglihi at ang
panganganak lalo na kapag natural na panganganak. Pero masakit man at
mahirap ang karanasang ito, nawawala naman lahat nang ito sa sandaling
mailuwal na ang bata. Kasiyahan at kagalakan na ang namamayani sa sandaling mayakap na niya ang kanyang anak.
Sa karanasang ito din maihahambing natin sa karanasan nang mga
kristiyano. Ang sabi ni Hesus: “…tatangis kayo at tataghoy ngunit
magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan
ang inyong kalungkutan.”
Ang pagiging Kristiyano ay hindi
madali. Maraming dapat na gawin. Hindi pwede ang walang pakialam. Ang
pagiging Kristiyano ay pagsunod sa ginawa ni Kristo: pagiging kabahagi
nang buhay mga nasa laylayan nang lipunan, paninindigan para sa
katotohanan, pagkampi sa mga inaapi, pagyakap sa katarungan, pagmamahal
na walang pinipili…Hindi lang pagsisimba, hindi lang pagdarasal.
Kailangang may gawa!
Ang pagiging tagasunod ni Kristo pala ay
isang seryosohang bagay. Sabi nga nung mga tambay sa kanto: Hindi ito
“just just.” Ito ay isang uri nang pamumuhay. Either you are a Christian
or not. There is no middle ground. Pakyawan ang pagiging Kristiyano.
Pero hwag mag-alala kung maraming sakripisyo ang pagiging tagasunod ni
Kristo sapagkat may pangako naman siya na pagkatapos nang lahat nang
ito, mayroon namang kaligayahan at muling pagkabuhay.
Tularan natin ang mga nanay. Kagalakan na nila ang magsakripisyo para sa kanilang mga anak…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento