Bartimeo
(Mk. 10: 46-52)
Gusto natin maging maganda at gwapo tayo. Kaya nga pumupunta tayo sa
Watsons o kaya ay sa Mercury Drug para bumili nang mga produkto na
pampaganda at pampagwapo, pampaputi at pampakinis at kung anu-ano pa.
Kuskos dito kuskos doon, pahid dito pahid doon…hanggang bago matulog
titingin pa sa salamin at kung anu-anong ilalagay sa mukha hoping na
kinabukasan mas mukha nang bata.
Ang iba naman pumupunta sa mga parlor para magpa-beauty. Nagpaparelax,
nagpapa-lypo, nagpapakulay nang buhok at kung anu-ano pa.
Minsan nga may nagpost sa fb na sobrang laki daw nang problema niya. At
nang tanungin kung ano ito, ang sabi niya: “tinubuan ako nang
tagihawat…” (ha ha ha, sobrang laki nang problema niya!)
Pero
alam nyo ba na maraming mga tao na hindi naghahangad na maging maganda o
maging gwapo? Ang hinahangad lang nila ay maging normal ang kanilang
buhay. Ang hinahangad nila ay maging healthy at makapamuhay nang normal
at marangal.
Ang tinutukoy ko ay yung mga may kapansanan.
Mahirap ang ganito. Bata ka pa lang ay makakaranas ka na nang rejection
pat pambu-bully. Tutuksuhin ka, lalaiitin, mababa ang tingin,
pagtatawanan…
Isa na dito si Bartimeo. Siya ay isang bulag. Ang
gusto lang niya ay mapanauli ang kanyang paningin at makapamuhay nang
normal at makapaghanapbuhay.
Marahil ay matagal na niyang
napapakinggan at nababalitaan si Hesus na nagpapagaling. Kaya nga nang
nalaman niya na si Hesus ang magdaraan hindi na siya
nag-patumpik-tumpik. Gumawa siya nang ingay upang siya ay mapansin. Pero
pinatatahimik siya nang mga tao. Para sa mga tao siya ay nakakaabala
lamang. Hindi siya kasali sa mga gawain at usapan tungkol kay Hesus.
Pero iba si Hesus. Tinawag niya si Bartimeo. Kanya itong pinagaling. At
sa wakas, ang bulag ay nakakita. May malaking puwang pala sa puso ni
Hesus ang may kapansanan na tulad ni Bartimeo. Tinanggap siya ni Hesus.
Hindi siya tinalikdan. Hindi siya ni-reject. Para kay Hesus siya ay
isang tao na katulad nang iba.
Tularan natin si Hesus. Hwag
nating i-reject ang mga may kapansanan. Tularan din natin si
Bartimeo…Lumapit siya kay Hesus at humiling nang kagalingan…Nagpasalamat
siya nang siya ay pagbigyan sa kaniyang kahilingan…Sumunod siya kay
Hesus pagkatapos nang lahat nang ito.
Nota Bene: Hwag nating tularan si Vice Ganda na nanglalait nang kahinaan at kapulaan nang iba para makapagpatawa!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento