Radikal
Radikal!
(Mk. 10: 17-27)
“Mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian nang Diyos.”
It took me years to understand this passage!
Sabi nang mga biblical scholars dapat nating unawain ang sitwasyon,
lokasyon at kultura nung panahon ni Hesus upang maunawaan ang mga turo
niya. Sabi nila meron daw isang maliit na pintuan papasok sa Herusalem
at ito ay hugis karayom. Nakakapasok ang kamelyo dito kung wala itong
mga dala at kailangan siyang yumuko dahil sa liit nang pinto. Ang mga
mayayaman ay mahirap makapasok dito.. Sila kase ay maraming mga dala at
mga gamit na pasan pasan nila at dahil dito hindi siya
makakapasok…sasabit ang kanyang mga bitbit at ibang nakasabit sa kanyang
katawan. Ang tanging paraan niya para makapasok ay tatanggalin niya ang
mga nakasabit sa kanya, ibababa ang mga dala niya at saka isa-isa niya
itong ipapasok at saka lamang siya makakapasok dito. Ito daw ang
pinatutungkulan ni Hesus na mahirap makapasok ang isang mayaman.
Pero ang mas malalim na pagtingin dito ay ang paglalapat nito sa tunay
na buhay. Pangarap ni Hesus sa kanyang Kaharian na walang naghihirap at
walang nangangailangan. Lahat ay napupunan. Pero alam natin na saan mang
komunidad hindi mawawalan nang mga mahihirap at mga aba. Pwedeng
magbigay ang isang mayaman. Charity ang twag nang iba dito. Pero ang
totoo mas malaki pa ang hinihingi sa kanya. Hindi pwedeng yung mga hindi
na kailangan nang mayaman ang siyang ibabahagi sa mga nangangailangan.
Hindi makatarungan na ang isang tao ay mahimbing na natutulog sa
malambot na higaan gayung maraming mga nilalamig sa kalaliman nang gabi!
Hindi rin makatarungan na ang isang tao ay bundat na bundat ang tiyan
dahil sa dami nang kanyang kinain gayung marami ang itinutulog na lang
ang kanilang kagutuman o di kaya ay sumisinghot nang gamot upang
makalimutan na walang laman ang kanilang tiyan!
Hindi
makatarungan na ang isang tao ay winawaldas ang kanyang pera sa kung
anu-anong bagay gayong maraming tao ang nangangailangan para sa kanilang
kalusugan!
Mahirap talagang makapasok sa Kaharian nang Diyos
ang mayaman kase malaki ang hinihingi sa kanila. Kahit na pinaghirapan
niya sa mabuting paraan ang anumang nasa kanya, hinihiling pa rin ni
Hesus na magbahagi. Sa palagay ko ang batayan nang pagkakaroon nang
kayamanan ay yung sapat lang para sa ikabubuhay niya at nang kaniyang
pamilya at ang labis dito ay hindi na sa kanya…ito ay para na sa mga
nasa laylayan nang lipunan.
Mayaman ka ba? Gusto mong mapabilang sa Kaharian ni Hesus? Sundin natin si Hesus…Maging radikal!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento