Ang Mapagmahal na Ama
(Lk. 15:1-3, 11-32)
Anong uri nang disiplina and inyong tinaggap sa inyong
pamilya? Paano kayo tinuruan sumunod? Ano ang ginagawa sa inyo kung kayo’y
nagkamali?
Iba’t iba ang karanasan natin sa pamilya. May mga anak na
busog sa pangaral at paalala ng magulang. May mga anak naming sinanay ng
magulang sa gantimpala at parusa. At mayroon ding mga anak na hinutok ng
tsinelas, sinturon at yantok.
Ang ditto isiplinang ating tinaggap sa tahanan ay nag-iiwan
ng tatak sa ating pagkatao. Ito’y dala-dala natin hanggang pagtanda at apektado
nito ang pagharap natin sa iba’t ibang sitwasyon nang buhay.
Ipinakikilala sa atin ng ebanghelyo ang isang ama na
nagpakita ng pambihirang kabaitan sa kanyang anak. Narito ang isang ama na
naniniwala sa disiplina ng pagmamahal. Paano niya ipinadama ang pagmamahal na
ito?
Una, iginalang niya ang desisyon ng kanyang bunsong anak. Di
pangkaraniwan ang kahilingan ng bunso at iyon ay tinugon niya ng di
pangkaraniwang kabaitan. Kailangan niyang mamili kung alin ang pahahalagahan:
manatiling buo ang kanyang yaman at biguin ang anak, o manatiling buo ang puso
ng anak at mahati ang yaman ng pamilya. Pinahalagahan nang ama ang anak nang
higit sa yaman.
Ikalawa, tinanggap ng ama ang anak nang siya’y bumalik. Wala
sa kanya ang panunumbat; wala rin ang paghahanap sa nalustay na yaman. Ang
mahalaga sa kanya’y kapiling na niyang muli ang lumayong anak.
Malayo pa ay napansin na ng ama ang anak. Ano ang
ipinahihiwatig? Nangangahulugan na ang ama ay nakatanaw sa malayo, nag-aabang sa
pagbabalik ng anak. Dama ng ama na babalik at babalik ang anak.
Iginawad ng ama sa anak ang pagyakap at paghalik. Sinuutan
ng mahusay na damit, singsing at panyapak. Ang yakap at halik ay tanda ng
pagpapatawad. Ang pagsusuot ng damit at singsing ay tanda ng pagbabalik ng
dating karangalan – bilang anak. Ang inaasahan ng anak ay sapat ng makakain;
kontento n asana siyang ituring na manggagawa. Ngunit ang pag-ibig ng ama ay
hindi kayang igupo ng pagkakamali ng anak; hindi nababago ang kanyang estado sa
pamilya. Kaya naman, sa paningin ng ama, angkop na magdaos ng piging.
Ikatlo, tinanggap ng nagmamahal na ama ang parunggit at
maling paratang ng panganay na anak. Matiyaga niya itong pinagpaliwanagan
tungkol sa kagandahan at halaga ng pagbabalik ng kanyang kapatid. Sinikap din
niyang ipinaunawa sa panganay na ank ang pagsasalo nila sa kanilang kabuhayan.
Sa puntong iyon, ang mahalaga sa ama ay maibalik ang pamilya sa pag-iibigan.
Ang ama sa talinhaga ay kumakatawan sa Diyos. Ang
pakikitungo ng ama sa anak ay naglalarawan ng pakikitungo ng Diyos sa atin.
Anu-ano ang pagkakatulad?
Una, malaki ang paggalang ng Diyos sa ating kalayaan.
Dakilang handing sa atin ng Diyos ang kalayaang magpaysa. Alam niya na ito ay
maaaring abusuhin at gamitin sa paglaban sa kanya. Gayunman, hindi niya ito
sinikil. Patuloy siyang nagtitiwala sa kakayahan nating magdesisyon ng tama.
Alam niyang ito ay maaaring magdala sa malungkot at mahirap na karanasan,
ngunit pwede ring gamitin sa pagkalas sa dating sistema ng buhay upang
maranasan ang higit na kaaya-ayang buhay.
Ikalawa, tinatanggap ng Diyos ang lahat ng nagbabalik-loob
sa kanya. Hindi nais ng Diyos na ang sinuman ay mapahamak; ang gusto niya ay
makasama ang lahat sa kanyang kaharian. Tulad ng ama sa talinhaga, ang Diyos ay
naghihintay sa ating pagt hindi lamang siya naghihihtay; ang totoo ay siya pa
ang naghahanap. Ang kanyang pagsusugo ng mga propeta noon, ang kanyang
pagpapadala ng kanyang Anak, at ang pagsusugo niya sa buong Simbahan ay pawing
naglalayong tawagin pabalik sa kanya ang mga nagtangkang mamuhay ng malayo sa
kanya.
Ikatlo, natutuwa ang Diyos sa pagsisisi ng sinuman at
pagbabalik sa kanya sa sariling pamilya. Iwinawasto ng talinhaga ang maling
akala na angiyos ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. Tulad ng
ama sa talinhaga, nagagalak ang Diyos kung buo tayo sa ating pamilya, sa ating
pamayanan, sa ating Simbahan, at sa pamilya ng sangkatauhan.
Kumusta po kaya tayo? Paano natin tinatanggap ang disiplina
at pagmamahal ng Diyos? Kaya ba nating sakyan ang kanyang pamamaraan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento