Malaya Ka
Na!
(Jn. 8:
31-42)
Malaya ka ba?
Lahat tayo gusto nating maging malaya. But many times we
distort the real meaning of freedom. Ang iba sinasabi ang kalayaan ay ang
paggawa nang kung ano ang sariling kagustuhan. Pero sa malalim na pagtingin
hindi siya nagiging malaya…at sa halip siya ay nagiging alipin nang sarili niyang
kagustuhan.
Ang iba naman ang kahulugan nang pagiging malaya ay ang
pag-angkin nang mga bagay. Kaya nga maraming mga tao ang attached sa kung anu-anong bagay. Pero kapag sinuri sila ay
nagiging alipin na nang mga bagay na ito. Ang sabi nga: “the thing you do not want
to give you do not own, it owns you.” Hindi ka nagiging malaya.
Ang sabi ni Hesus: “The truth will set you free.” Ang
katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Ang Salita ni Kristo ang katotohanan kaya
nga kapag sinusunod natin ito, tayo ay nagiging malaya.
Hinahanap natin ang kalayaan nang sarili sa maraming bagay.
Kayamanan. Kasikatan. Kapangyarihan. Pero tingnan natin ang mga mayayaman, ang
mga sikat, ang mga may kapangyarihan…hindi sila malaya. Ang totoo hindi sila
nagiging malaya. Mas lalo nga silang nagiging insecure. Walang kasiyahan. Tila
kulang pa rin ang lahat. Pinapagalaw na sila nang niyayakap nilang
pagpapahalaga.
Gusto mong maging malaya? Panghawakan si Kristo. Siya ang
katotohanan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento