Sari-Sari
Store
(Jn.
7:40-53)
Only in the
Philippines…
Nakakatuwa
tayong mga Pilipino. Kapag gustong mag-umpisa nang business ang una agad
naiisip ay ang pagtatayo nang sari-sari store. Kahit na saang bayan ka magpunta
laging may sari-sari store. Hindi lamang isa kundi marami at ang iba ay
dikit-dikit pa. At ang nakakamangha ay pareho din naman ang laman na kanilang
tinitinda. Minsan naiisip ko nga: “Kumikita pa kaya sila?”
Sabi nang
iba ang dahilan daw nito ay sapagkat tayong mga Pilipino ay gusto natin na
makuha agad ang tubo sa ating ginagawa. Gusto agad daw nating makita ang bunga
nang ating pinaghirapan.
Hindi po to masama
pero minsan nadadala natin ito sa pananampalataya. Gusto natin may bunga agad
lahat. Sa pagdarasal, gusto natin ibigay agad-agad ang hinihingi. Gusto natin nasa atin na pagdaka.
Sa Mabuting
balita, ito din ang mentaledad nang maraming Israelita. Pinagdudahan nila si
Hesus. They even questioned where Jesus came from. Gusto nila na makita nila
ang mga patunay na si Hesus na nga ang Kristo. Pero hindi ganito gumalaw ang
Diyos. Ayaw nilang pag-isipan at tingnan ang ginagawa ni Hesus at mula dito ay
magpasya kung si Hesus na nga ang Kristo.
Ang Diyos ay
hindi nagmamadali. Meron siyang plano at ang plano niya ang pinakamagandang
plano. Katunayan niyan ay matagal na panahon bago niya ipinadala ang kanyang
Anak. Inihanda muna niya ang mga tao. At sa tamang panahon, isinilang si Hesus.
Kahit na nga si Hesus hindi rin nagmadali. Dumaan siya sa pagiging sanggol,
pagiging bata hanggang sa magkaedad. Di rin siya nagmamadali sa kanyang muling
pagbabalik.
Ang hamon sa
atin sana maintindihan natin ang plano nang Diyos. Huwag tayo maiinip kung
hindi agad nangyayari ang ating mga plano at mga pansariling kagustuhan. In God’s
wisdom and in God’s time sasagutin nang Diyos ang ating mga panalangin. Sa pananampalataya iwasan
ang Sari-Sari Store mentality. Remember: Patience is a virtue!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento