Walang
Pahinga
(Jn. 5:1-16)
Mahalaga ang
magpahinga.
Kapag tayo
ay maraming trabaho at maraming ginagawa,
tayo ay napapagod. Kailangan nating magpahinga. Kapag marami tayong iniisip,
tayo ay napapagod. Kailangan nating magpahinga. Kapag marami tayong problema at
dinadala sa buhay, tayo ay napapagod. Kailangan nating magpahinga. Napapagod ang katawan, napapagod ang isip,
napapagod ang puso. Sa ating kapaguran, kailangan natin ng kapahingahan.
Alam ito
nang Diyos kaya naman nag-utos siya na magkaroon nang Araw nang Pamamahinga.
Ito ay alam na alam nang mga Israelita. Dahil dito naging strikto sila at ito
ay kailangang sundin. Nagbigay pa sila nang mga batas para ito ay masunod.
Pero meron
pa palang mas mataas at mas mahalaga kesa pamamahinga. Ito ay ang pagtulong sa
mga nangangailangan.
Para kay
Hesus, ang pagtulong sa kapwa at sa nangangailangan lalo na yung mga mahihirap
at walang boses sa lipunan ay mas mataas na pagpapahalaga kesa pamamahinga.
Ang pagiging
Kristiyano ay 24/7.
Di dahilan
na maghapon tayong nagtrabaho para di tayo magdasal. Di dahilan na busy tayo sa
buong lingo para di tayo magsimba sa araw nang lingo. Di dahilan na may mga
problema tayo para talikuran ang kapwa tao.
Kapag tayo
ay napagod, tayo ay magpahinga. Pero di dahilan ang kapaguran para gumawa nang
kabutihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento