Simut na Simot
Nakakatuwa. Kung kukumustahin
natin ang isa’t-isa:kumusta ang pasko mo? Marahil ay isasagot ninyong: Father,
simut na simot po. Wala pong natira kahit singkong duling, naubos
pang-aginaldo.” Pare-pareho po tayong na simot.
Mga kapatid, matapos ang pasko
simut na simot tayo. Simot ang bulsa. Simot ang wallet. Simot ang kaldero. Pati
lakas, nasimot dahil sa pagod. At pumayag naman tayong masimot.
Bakit nga ba ganoon? Tuwing
pasko, pumapayog tayong masimot. Marahil, sapagkat talaga ang tunay na diwa
nang Pasko: ang masimot. Ang pasko ay tungkol sa Diyos na nagbuhos nang sarili
hanggang masimot. Kaya nga sa theology, mayroong isang technical term, KENOSIS,
salitang Griyego na ang kahulugan ay self-emptying. God emptied himself out of
love for humanity. Nagbuhos ng sarili ang Diyos para sa tao, hanggang masimot.
Kapatid, kung ikaw man ay
nasimutan, matuwa ka at magdiwang, sapagkat iyong naramdaman ang tunay na diwa
ng kapaskuhan. At hwag mong kalilimutan, kahit ikaw ay nasimutan, marami ka
naming nadulutan nang kaligayahan.
At kapag ganoong marami kang
napaligaya, kahit simot ka na, pakiramdam mo’y punong puno ka…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento