Acceptance
(Jn. 10: 31-42)
Offense is the best defense!
Ang pamantayan na ito ay ginagamit sa iba’t-ibang larangan. Halimbawa
sa sports…mas maganda daw na nasa opensa ka kesa depensa. Ganun din sa
larong chess…advantage daw ang nasa opensa.
Sa buhay ganun din
daw. Tingnan natin…Kapag may pumapansin sa atin sa ating masamang
ugali, ang ginagawa natin sinisilipan din natin sila nang kanilang mga
pagkakamali. Sinasabi natin: “Ikaw nga jan...blah…blah…blahh.. (ad
infinitum).” Sa pamamagitan nito nakakalimutan na ang tunay na isyu: ang
kamalian nang sarili. Lahat na lang nang kapulaan biglang
mapapansin…maitim ang siko…malaki ang butas nang ilong…ilang layers ang
bilbil…
Ganito din ang ginawa nang mga Judio. Binabangga ni
Hesus ang kanilang struktura nang pag-aapi sa maliliit at mga aba kaya
naman naging target si Hesus nang pagganti. Gumawa sila nang isyu na
itinataas ni Hesus ang kanyang sarili at ipinapantay sa Diyos. Gusto
nilang pagtakpan ang kanilang ginagawa na sistema na sarili lang ang
binibigyang halaga.
Mahal ni Hesus ang mga mahihirap na sila
namang biktima nang maling pagpapahalaga nang mga Hudyo. Ayaw nilang
mabago ito. Kaya nang masagasaan sila nang mga itinuturo ni Hesus gumawa
na sila nang paraan para mapagtakpan ito at mailigaw sa tunay na mga
usapin.
Sa panahon ngayon ito din ang pamantayan. Nang
mapag-usapan ang pagtutol nang Simbahan sa RH Bill, sinilip naman ang
mga pagkakamali nang mga taong tumututol dito. Kapag may nagbulgar nang
katiwalian, pagkatao nang nagbulgar ang siyang binabalingan. Kapag ang
isang tao ay nagtutuwid nang pagkakamali, uungkatin din kahit matagal
niyang pagkakamali.
Si Pope Francis ang ating bagong Santo
Papa. Sa kaniyang pamumuno siguradong marami siyang gustong baguhin at
sa pagbabagong ito siguradong maraming masasagasaan at mababangga.
Expect na ang mga kahinaan din niya ay sisilipin at palalakihin upang
malayo at matakluban ang tunay na isyu.
Baguhin natin ang
pamantayang ito. Makakalaya lamang tayo kapag tinaggap natin ang ating
pagkakamali. Acceptance is the best defense…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento