Hwag Patulog-tulog
(Lk. 9, 28-36)
Mahilig ka bang matulog? Ilang oras ka matulog sa isang araw?
Ayon sa wikipidia habang nagkakaedad pala ang tao nababawasan ang
kailangan niyang tulog. Sa kapapanganak hanggang dalawang buwan ang
tulog ay dapat 12-18 hours. Pag tatlo hanggang 11 months dapat ay 14-15
hours. 1year to three years dapat ay 12-14 hours. Seven to five years
dapat ay 11-13 hours. Five to 10years
dapat ay 10-11hours. Ten to seventeen years dapat ay 8.5-9.5hours. Sa
mga adults dapat ay 7-9hours. Mapapansin ninyo habang tumatanda
nababawasan dapat ang tulog. Mahalaga kase ang pagtulog. Sa pamamagitan
nito tayo ay nakakapahinga. Ang ating katawan ay nagrerepair nang mga
cells upang may lakas ulet tayo paggising.
Pero may mga tao na
kahit na nagkakaedad ay tulog pa din nang tulog. May mga tao na mas
mahaba pa ang pagiging tulog sa pagiging gising. Sa mga nag-aaral,
madalas tayong makakita nang estudyante na natutulog. Sa trabaho may mga
mahilig din matulog. Sa misa ang dami ding natutulog (bakit kaya?)
Sabi nung mga tambay sa kanto kapag ginising ka daw nang boss mo habang
nasa trabaho, pagmulat mo mag-antanda ka na lang daw nang krus at
sabihing sa ngalan nang Ama, nang Anak at nang Espiritu Santo. Lusot ka…
Pero masama din pala ang sobrang tulog. Bakit? Kase may mga bagay na
mahalaga na lumalampas at di natin napapansin kase natutulog tayo nang
hindi dapat.
Tingnan ninyo ang mga alagad. Muntik na nilang
mapalampas ang isa sa mahahalagang pinagdaanan ni Hesus. Nagbagong anyo
si Hesus, nagbago ang kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na
naging puting-puti. Kausap niya ang dalawang pinakamahalagang
personalidad sa Lumang Tipan: Si Moises na sumisimbolo sa Batas at si
Elias na pinakamahalagang propeta. Ang presensya nang dalawang ito ay
nagpapahiwatig na si Hesus na nga ang katuparan nang pangako nang Diyos.
Pinatotohanan pa ito nag salita nang Ama: “ Ito ang aking Anak, ang
aking hinirang. Siya ang inyong pakinggan.”
Nagising man ang
mga alagad pero tulog pa ang kanilang isip at puso sa pananampalataya
kaya sinabi nilang “dumito na tayo.” May plano ang Diyos at ito ang
pinakamagandang plano. Pupunta na si Hesus sa Jerusalem upang harapin
ang nalalapit niyang kamatayan. Ito ang gigising sa natutulog na puso
nang bawat tao upang muling bumalik sa Diyos. Kailangang bumaba nang
bundok sapagkat di pa tapos ang kanyang misyon. Ang misyong ito ang
gigising sa natutulog na puso dahil sa kasalanan.
Tulog ka pa rin ba? Gumising na. Maghilamos at tikman ang masarap na kape dulot nang pagkabuhay ni Hesus…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento