Miyerkules, Marso 6, 2013

Magpasalamat sa Diyos


Marunong ka bang magpasalamat sa Diyos?

-napagtapos mo ang anak mo kahit mahirap ang buhay----magpasalamat ka sa Diyos

-nakabili ka nang sarili mong lupa, bahay at sasakyan------ magpasalamat ka sa Diyos

 Magpasalamat sa Diyos

Nagkaroon ka nang mabubuting anak----- magpasalamat ka sa Diyos

Naging maganda ang hanapbuhay mo, kita mo ay malaki---- magpasalamat ka sa Diyos

Maganda o gwapo at mabait ang napangasawa mo---- magpasalamat ka sa Diyos

Gumaling ka sa sakit mo----- magpasalamat ka sa Diyos

Pumasa ka sa exams--- magpasalamat ka sa Diyos

Mataas ang nakuha mong grade sa school--- magpasalamat ka sa Diyos

Sinagot ka nang kasintahan mo--- magpasalamat ka sa Diyos

Nakatanggap ka nang bonus --- magpasalamat ka sa Diyos

Lahat nang dasal mo pinagbibigyan nang Diyos---- magpasalamat ka sa Diyos

Sa mabuting Balita, sampo ang pinagaling ni Hesus pero isa lang ang bumalik at nagpasalamat. Sila ay tumaggap nang malaking biyaya, ang biyaya nang kagalingan pero isa lang ang nakaisip na pasalamatan si Hesus. Yung isang taong ito ang nagbigay nang tamang kahulugan nang pagtanaw nang utang na loob. Tumanggap siya nang kagalingan at nagbigay nang panahon upang makita at mapasalamatan si Hesus.   

Sa panahon ngayon, marami ang punung-puno nang grasya! Punung-puno nang biyaya. Materyal, Spiritual, Pisikal at emosyunal na grasyang mula sa Diyos, pero SWAPANG! MAKASARILI! MADAMOT! DI MARUNONG MAGPASALAMAT! Kung ang grasyang iyong tinanggap ay sa iyo lamang at ayaw mong ibahagi at ayaw mong magpasalamat saDiyos  binibigyan mo nang maling kahulugan ang mga biyayang ito. Para kang boksingerong ayaw makipagsuntukan. Para kang estudyanteng ayaw mag-aral. Para kang teacher na ayaw magturo.

Sa buhay, ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinaggap  hindi lang sa pamamagitan nang salita. Pinapakita natin ang pasasalamat sa Diyos kung ito ay ating ibinabahagi.

Ang biyaya ay magiging tunay na biyaya kung ito ay iyong ibabahagi. 

Ang dami mong bahay- di mo naman matirhan…alalahanin mo yung mga walang tirahan..

Ang dami mong pagkain---natatapon lang….alalahanin mo ang mga taong walang makain..

Ang dami mong damit---di naman maisuot lahat…alalahanin mo ang mga walang maisuot..

Tularan nating yung taong pinagaling ni Hesus. Tumanggap siya nang biyaya nang kagalingan at siya ay bumalik kay Hesus para magpasalamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento