No Fear
(Jn. 7:1-2,10,25-30)
Walang tao na walang kinatatakutan. Lahat tayo may
kinatatakutan. Ang iba takot sa mga insekto katulad nang ipis, daga, ahas…Ang
iba naman takot sa tao…sa magulang, sa doctor, sa teacher, sa pari…Ang iba ay
takosa (takot sa asawa).
Maraming mga bata takot sa pari. Bakit? Kase ginagamit na
panakot nang mga magulang ang pari. Kapag pasaway sa simbahan ang bata ay
sasabihan nang magulang: “Hwag kang malikot, magagalit si father.” Kapag naman
nasugatan ang bata ay tatakutin din. Sasabihan nang: “Lalabas diyan sa sugat mo
ang pari…”
At kapag tayo ay natatakot, tayo ay lumalayo sa kung ano o
sino man ang kinatatakutan natin…
Pero may isa na lahat tayo ay takot…Takot tayong mamatay. Bakit
nga ba tayo takot mamatay? Instinct
na sa atin na pangalagaan ang buhay. Kaya nga pag nagugutom tayo, tayo ay
kumakain. Kapag tayo ay nakakaramdam nang uhaw, humahanap tayo nang maiinom.
Kapag may panganib, tayo ay lumalayo.
Ang sabi nang iba takot sila sa kamatayan kase bago sumapit
iyon ay mararamdaman ang sakit at hapdi na walang kapares. Pero sabi nang mga
manunulat, takot daw tayong mamatay sapagkat di natin alam kung ano ang meron
pagkatapos nang kamatayan. Di daw tayo sigurado kung anong hitsura pagkatapos
na mawala sa mundong ito.
Samakatuwid, hindi ang kamatayan ang ating kinatatakutan
kundi ang katotohanan na hindi natin alam ang kinabukasan pagkatapos nang
buhay.
Si Hesus kaya nakaramdam din nang takot sa kamatayan?
Sa Mabuting Balita,
isinasalaysay na si Hesus ay lantaran na siyang nagtuturo sa mga tao. Isa na
siyang “WANTED” sa mata ng batas pero lumalabas at nagpapakita pa din siya.
Binangga niya ang umiiral na sistema at alam niya na hinahamon din niya ang
kamatayan. He is a dead man walking!
Sinabi ni Hesus: “Sinugo ako nang Totoo na hindi ninyo
kilala. Kilala ko naman siya, sapagkat galing ako sa kanya at siya ang nagsugo
sa akin.” Kahit na sa harap nang kamatayan, ang malalim na relasyon pa din niya
sa kanyang Ama ang kanyang pinanghawakan.
Kahit na mamatay, ang pangahawakan ay malalim na relasyon…Mamatay
man meron namang muling pagkabuhay…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento