Miyerkules, Marso 6, 2013

Mga Tanong, Hindi Masagot


Mga Tanong, Hindi Masagot

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?”

Ito ang tanong ni Maria. Tanong ng gumugulo sa kanyang isipan. Tanong na hindi niya masagot.
Marahil, sa isip ni Maria ay marami pang karugtong ang tanong na iyon. Mga tanong na katulad nang, “Kapag naipanganak ko na ba ang baby, tutulungan n’yo ba akong bumili nang gatas/ Tutulungan n’yo ba akong pag-aralin ang batang ito? At kapag ba naparusahan ako nang kamatayan dahil nabuntis ako nang walang asawa, na labag sa batas nang mga Hudyo, ipagtatanggol nyo ba ako?”

Mga tanong, na hindi masagot. Mga tanong na bumabagabag sa kanyang kalooban. At sa kanyang pagkabagabag, isa lang ang kanyang ginawa: IPINAGPASA-DIYOS NIYA ANG LAHAT. Ipinag-pasa-Diyos niya ang lahat nang kanyang ipinahayag, “Ako ay alipin ng Panginoon, mangyari sa akin ang iyong sinabi.”

Sa ating buhay, katulad ni Maria, marami tayong tanong na hindi natin masagot. Mga tanong katulad nang…

                Bakit may kabiguan?

                Bakit sabay sabay kung dumating ang problema?

                Bakit may kalungkutan?

                Bakit may kahirapan?

                Bakit may mga kalamidad?

                Bakit naipasa ang RH bill?

                Bakit natanggal ako sa trabaho?

                Bakit may kamatayan? 

                Bakit sa dami nang pwedeng mamatay eh siya pa?

                At bakit sa panahon nang Kapaskuhan?

Marami tayong tanong, hindi natin masagot. Mga tanong na bumabagabag sa ating pananalig. At sa ating pagkabagabag, tularan natin si Maria: IPINAGPASA-DIYOS NIYA ANG LAHAT. Ipagpasa-diyos natin ang ating kapighatian. Siya na ang bahalang umaliw sa atin. Ipagpasa-Diyos natin ang ating kabiguan.

Ipagpasa-Diyos natin ang kahirapan ng ating buhay. Ipagpasa-Diyos natin ang ating mga problema. 

Ipagpasa-Diyos natin ang ating mga kalungkutan. Ipagpasa-Diyos natin ang ating mga karamdaman. 

Ipagpasa-Diyos natin ang lahat sa ating buhay…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento