Kandila
(Jn.
5:31-47)
Nakakatuwang
pagmasdan ang kandila. Pero ang kandila ay hindi ginawa para pagmasdan. Ito ay
ginawa upang sindihan at makapagbigay nang liwanag nang sa gayon ay makita
natin ang nasa paligid kapag madilim.
Kapag maliit
ang sindi nang kandila, matagal itong mauubos pero kaunting liwanag lang ang
maibibigay nito. Pero kapag malaki ang sindi nang kandila, madali itong mauubos
pero malaking liwanag naman ang maibibigay nito.
Ang kandila
ay para ding si Juan. Ang sabi niya: “He must increase and I must decrease.”
Siya ang liwanag na gumabay sa pagdating ni Kristo. Siya ang nagpatotoo na si
Hesus ang Kristo. Tinanglawan niya ang daan patungo kay Kristo. Di niya inakay
palapit sa kanya ang mga tao kundi itinuro niya and daan palapit kay Kristo.
Sa panahon
ngayon, marami sa atin ang gusto ay mapalapit sa sarili ang ibang tao. Gustong
sumikat, gustong makilala, gustong hangaan
nang mga tao, gustong angkinin ang mga tao. Tingnan natin sa telebisyon. Ang
dami nang advertisements nang mga pulitiko para ipakilala ang sarili,
nagpapahayag na sila ay magaling, na meron silang dalisay na kalooban upang
kapwa ay matulungan, na sila ay ang nararapat para sa posisyon na kanilang
tinatakbuhan…pero sa kahuli-hulihan, sariling interes lang pala ang
ipinaglalaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento